TSW: Chapter 42

10K 203 4
                                    

Pakiramdam ko matutumba ako ano mang oras ngayon. Nanlalamig at nangangatog ang tuhod ko. Maging ang kamay ko ay nanginginig, na kahit baso ay hindi ko mahawakan dahil paniguradong mababasag 'yon.

*Flashback

"Pa, paano niyo po nakuha si Taliyah? I mean, nasaan po siya?" Si Tyler ang nagtatanong kay Papa dahil hindi ko alam kung paano uumpisahan. Parang tinakbuhan ako ng sarili kong boses.

"Hindi naman talaga kami ang nakakita kay Taliyah noon, kundi si Cley." Nagulat ako sa sinabi ni Papa.

Walang nabanggit sa akin noon si kuya. Kahit minsan hindi niya sinabi na siya ang nakapulot sa akin. Siguro, dahil hindi ko naman siya tinanong.

"Anim na taon pa lang yata noon si Cley. Ugali kasi niyang si Cley na pumunta sa kabilang street, dahil nandoon ang kaibigan niya, si Jeric. Ang akala namin ay umalis na siya, pero maya-maya lang ay sumigaw si Cley. Kami naman ng mama niyo ay nagmamadaling lumabas ng bahay. Ang ikinagulat namin ay nang makita namin si Cley na may nilalarong baby na nasa stroller."

Ako nasa stroller? So, hindi mahirap ang magulang ko? Dahil kung mahirap sila sa basket sana ako nakalagay. Ang pinagtataka ko, basta na lang kaya nila ako iniwan.

"May sinabi po ba si kuya Cley? Iniwan po ba ako o binigay kay kuya?" Sa wakas ay nahanap ko na rin ang boses ko at nakapagtanong na ako.

Naramdaman yata ni Tyler ang kaba ko kaya mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Nakita ko naman ang pagngisi ni Papa bago sumagot. Siguro ay nakita niya ang paraan nang pagkakahawak sa akin ng asawa ko.

The Sold Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon