Special Chapter 6

12.4K 232 14
                                    

Promises are meant to be broken. Hahaha! Joke. Supposedly, SC5 would be my last update. But then, out of nowhere, I changed my mind. Simply because I wanna take this opportunity to tell you guys how grateful I am that we already reached 50k reads. Yeah! I know, maliit lang 'yon kumpara sa iba. Pero iba ang feeling na may nagbabasa at nakaka-appreciate sa gawa mo. The feeling is incomparable. Thank you darlings! Enjoy reading! -Ms. Cari

-----

Being a wife and a mother is both a different story. But both of them are fulfilling.

Iba ang saya kapag nakikita kong masaya ang mag-aama ko. Oo, nakakapagod, pero masaya. Mas nakakapagod nga lang ngayon dahil lumalaki na sila.

"Hello, Bea?"

"Yes, Ma'am Taliyah?"

"Nasa office ba si Tyler? Hindi ko kasi siya matawagan eh."

"Ma'am, wala na po. Nauna pong umalis sa akin si Sir."

"Ganoon ba? Baka may dinaanan lang. Sige. Bye. Sensya sa abala."

"Wala pong anuman, Ma'am."

Bigla naman akong kinabahan dahil wala pa si Tyler. Alas diyes na ng gabi ay wala pa rin siya. Sanay naman na ako na ganito siya nauwi dahil malimit siyang mag-overtime. Ang hindi ako sanay ay hindi siya nasagot sa mga tawag ko.

Tinawagan ko na rin si Jake at Tom para tangungin kung kasama nila si Tyler pero parehas lang isinagot nila sa akin at sinabing nasa bahay lang sila.

Maging sila mommy at sila Daisy ay tinawagan ko na rin pero wala raw sa bahay nila.

Nagsuot na ako ng jacket at handa na akong hanapin si Tyler sa mga bar nang biglang may tumigil na sasakyan sa tapat ng bahay namin.

Napatakbo ako palabas nang makita kong akay-akay ng isang babae ang asawa ko.

"What happened to my husband?"

"He's drunk."

"I know."

"H'wag mo akong tarayan, miss. Nakita ko lang ang asawa mo sa bar. Nagmagandang loob lang ako. Sa susunod kasi kausapin mo siya, baka kasi may problema na tapos wala kapang alam."

Hindi ko na siya pinansin pa at hinayaan ko na siyang makaalis. Hindi ko intensyon na tarayan siya. Pero ano ba ang aasahan niya na maging reaksyon ko? Heller? Babae ang naghatid sa asawa ko. Malamang mainis ako.

"Tyler, Tyler." Tinapik ko ang mukha ni Tyler at sinusubukan siyang gisingin pero walang nagbago sa kanya.

"Hindi kita mabubuhat, ano ba?"

"Uhm," ungot nito.

"Umayos ka nga!" sigaw ko. Naiinis ako ngayon. Nag-iinit ang ulo ko dahil sa ginawa niya.

Ano'ng dahilan ang nagtulak sa kanya para magpakalango sa alak. Take note! Hindi niya man lang kasama si Jake o Tom.

"Kuya Fred!" malakas kong sigaw. "Kuya Fred!" mas nilakasan ko pa.

Nagmamadaling lumabas si kuya Fred sa kwarto niya na nasa gilid ng bahay namin.

"P-patulong naman ho," nahihirapang bigkas ko.

"Ano pong nangyari?" Mabilis niya kinuha sa akin si Tyler.

"Nag-inom 'yan! Hindi naman pala kaya! Samahan mo akong iakyat siya sa kwarto namin."

The Sold Wife (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن