TSW: Chapter 45

11.4K 227 7
                                    

I woke up having the most uncomfortable feeling. Nakatulog na ako sa sahig dahil sa kakaiyak. Sinilip ko ang orasan na nakasabit sa taas ng TV at napahawak ako sa noo ko nang makita kong alas diyes na ng gabi.

Kahit hinang hina pa rin ay pinilit kong makatayo para kumain. I'm sorry, baby.

Tinungo ko ang kusina. Wala akong nakitang pagkain sa refrigerator maliban sa itlog, hotdog, gatas at ilang beer.

Balak ko sanang magluto ng hotdog kaya lang sobrang gutom na ako. Kinuha ko na lang ang gatas sa refrigerator at ang koko crunch na binili ko noong isang linggo.

Alas onse na ng gabi nang matapos akong kumain. At hanggang ngayon wala pa rin siya. Gusto kong magalit sa kanya. Kung puwede nga lang na lumayas na ako ngayon, ay ginawa ko na. Pero alam kong ginawa niya 'yon para sa akin.

Oo, hanggang ngayon masakit. Hindi sakit dahil sinampal niya ako, pero dahil iniwan niya ako.

Maaaring ang pagsampal lang sa akin ang naisip niyang paraan para pigilan ako. Maaaring natakot lang din si Tyler na baka ako mismo ang makapatay kay Cassandra. Siguro nga, naiintindihan ko na ang ginawa niya. Ang hindi ko maintindihan ay bakit hanggang ngayon ay hindi niya man lang ako kinamusta.

Nagpalit ako ng damit bago ako humiga sa kama. Ayokong ma-stress ngayon. Kailangang kailangan ko ng pahinga.

Papikit na sana ako nang marinig ko ang pagtigil ng kotse sa labas ng bahay namin. Nandito na siguro siya.

Nagkumot ako at tumalikod sa pwesto niya. Ayokong mapansin niya na mugto ang mata ko.

Maya-maya lang ay naramdaman ko na ang pagpasok niya sa kwarto. Ewan ko ba, pero bigla na lang sumikip ang dibdib ko at parang gusto ko na naman umiyak.

Naramdaman kong paglapit niya sa akin at paghagod niya sa buhok ko.

"I'm really sorry, baby. Hindi ko sinasadyang saktan ka." Gusto kong imulat ang mata ko at sabihing, "Okay na, Tyler. Naiintindihan ko."  Pero alam kong masakit pa rin. Kaya sa halip na magsalita ay pinagpatuloy ko na lang ang pagpapanggap na tulog na ako.

Naramdaman kong naligo siya. Akala ko ay tatabi na siya sa akin, ngunit nadismaya ako nang buksan niya ang pinto ng kwarto.

"I'm sorry, baby. Aayusin ko lang ang lahat."

Doon na nga tuluyang pumatak ang mga luha sa mata ko. Umalis na naman siya. Wala akong kasiguraduhan kung babalik ba siya.

Lord, give me sign. If I'll stay or just leave. I prayed to God.

Nagising muli ako ng alas tres ng umaga. Balak ko sanang matulog ulit, ngunit kahit ano'ng pilit ko ay hindi na ako antukin.

Paulit lang bumabalik sa akin ang nangyari kahapon. Kung paano ko sinubukan intindihin ang sitwasyon. Nagkamali ako ng desisyon. Maling mali na hinayaan ko lang si Cassandra. Dahil ngayon pakiramdam ko na sa kanya na ang alas para masira kami.

Bumangon na rin ako mula sa pagkakahiga. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pero siguro sa kanya ko lang makukuha ang lakas na kailangan ko.

Mabilis akong naligo. Simpleng dilaw na dress lang ang suot ko. Tinernohan ko lang 'yon ng puting doll shoes.

Uminom lang ako ng gatas bago ako tuluyang umalis ng bahay.

Nag-taxi na lang ako papunta sa simbahan. Hindi ko alam, pero sa panahong ito, siya lang ang gusto kong kausap.

Tahimik akong umupo sa simbahan. Hindi ko alam pero paglapat pa lang ng pang-upo ko sa upuan ay agad na tumulo ang luha ko.

Maayos naman ang lahat eh. Sabi ko pa nga, ang swerte ko. Mahal ako nila mama at papa. Buong-buo ang tiwala sa akin ni mommy at daddy. Natagpuan ko na ang tunay kong pamilya. Masaya na kami ni Tyler. Pero bakit pakiramdam ko, nag-iisa ako?

The Sold Wife (Completed)Where stories live. Discover now