TSW: Chapter 43

10.6K 215 13
                                    

Akala ko naiwan ko na lahat ng kaba sa bahay namin. Ngunit sa oras na umapak ako sa ospital ay unti-unti nang umaakyat ang kaba sa dibdib ko.

I closed my eyes tight. I can do this! I tried to comfort myself. Isang malalim na hinga ulit ang ginawa ko bago ako kumatok sa pinto.

Dr. Iñigo Macalintal
Cardiologist

"Ma'am, may appoinment po ba sila kay Doc?" tanong sa akin ng isang nurse.

"None. I just have to talk him," I said casually.

"Ma'am, I'm sorry. Paalis na po kasi si Dr. Macalintal. Mas mabuti po kung magpa-schedule kayo ng check-up."

Agad akong nadismaya sa sinabi noong nurse. Kailangan pa ba noon?

"Nurse Irene, Dr. Gonzales is waiting for Mr. Benz biopsy." I heard a man's voice.

"Opo doc," sagot noong nurse. "Miss, I'm sorry. You can go back tomorrow, I'll just set you an appointment."

"Sino ba 'yan?"

"Ah, doc gusto raw ho kayong makausap. Kaya lang wala naman siyang naka-set na appointment sa inyo. Sabi ko buma---"

"I'm Taliyah Chantal Heirade Contreras," I cut off the nurse.

I need to talk to him, right at this very moment. Baka takbuhan pa ako ng lakas ng loob. Gusto ko nang matapos ito.

Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. So, he really knows me. Mabilis din naman siyang nakabawi.

"Leave us nurse Irene," utos niya sa nurse.

"Okay po, Doc."

Pagkalabas na pagkalabas ng nurse ay tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Nadine."

"Wait. Sino kaba?" iritang tanong ko.

"I'm your brother, Nadine. My little sis."

"I don't know you," agad kong sabi bago pa niya ako mayakap ulit.

"I guess we need to go. Mag-usap tayo sa condo ko."

"At bakit naman ako sasama sa'yo. Hindi kita kilala!"

Gagong 'to! Malay ko ba kung mamamatay tao siya.

Mabilis niyang kinuha ang wallet niya at kinuha ang isang litrato. Isang family picture 'yon. Buhat-buhat ng isang lalaki ang isang baby habang katabi ang isang babae na hawak sa kamay ang isang batang lalaki.

"That's us. I tell you everything. Just come with me."

Gusto ko sanang umayaw, kaya lang nandito na ako. Ngayon pa ba ako maduduwag?

"Okay."

Alam kong ilang beses niya akong sinulyapan sa passenger seat pero hindi ko siya binigyan ng panahon para lingunin.

Malaki ang condo unit niya. Inaasahan ko na lalaking lalaki ang dating nito, pero hindi. White and mint green ang theme nito.

"What do you want? Coffee? Juice? Softdrinks?"

I was back to reality when he asked me.

"Milk," I answered. Pampakalma ang kailangan ko ngayon.

Bumalik siya sa living area dala ang isang slice ng chocolate cake at isang basong gatas.

"Where do you want me to start?" he asked as he sat across me.

"From the start. The reason why you abondoned me."

The Sold Wife (Completed)Where stories live. Discover now