TSW: Chapter 29

10.7K 204 9
                                    

"Cassandra Nicole Chui, dear."

I was left dumbfounded. Did I just heard her say Cassandra Nicole Chui? What does she want to convey? Is she saying that she was Cassandra? Oh hell! That is impossible! I saw that woman in her own coffin, with my very own eyes.

And about that little kiddo, that's her son. Which happen to have the second name of my husband. To think na dalawang taon lang ito, may kakaiba sa lahat. No! It can not be! I shrugged my shoulder off to divert my attention. It was not Cassandra!

"B-best, don't think too much." Jess tried to comfort me, as her voice shaken. I know she was shocked. We were there in the hospital, when that Cassandra died. So, how did it happen na nakaharap namin siya?

"I think I should drive you home. Let's go," she said as she accompanied me. There's no words came out from my mouth. Puno ng katanungan ang utak ko. Paano? Totoo ba? Bakit? Hindi ko na alam kung anong gagawin.

Jess started driving but I was too occupied to know that we already got home.

"Best, don't cry! Kinakabahan ako sa 'yo eh!" she pleaded. Hindi ko naramdaman na naiyak na pala ako.

Hindi naman ako dapat matakot 'di ba? Wala naman akong dapat ikabahala 'di ba? Kasi napaka-imposible n'on! Wala pa naman yata akong nababalitaan na nabubuhay mula sa pagkamatay.

Nang makapasok kami sa bahay ay inalalayan ako ni Jess papasok sa kwarto namin.

"You need to rest, Taliyah. That woman, baka kakilala niya lang si Cassandra. Imposible naman kasi 'di ba? Don't stress yourself with nonsense. Remember, there's a child inside you. And it won't do better if you keep thinking."

I looked at her. Hindi na dapat ako nag-iisip. Sa dami ng taong gustong sumira sa amin ni Tyler, baka isa na siya roon. Besides, alam kong mali kung mag-iisip pa ako nang mag-iisip. Makakasama ito hindi lang para sa akin, kundi na rin sa anak ko.

Sandaling bumaba si Jess at nang bumalik siya ay may dala siyang isang basong gatas.

"Calm down, okay? I already called Tyler, pauwi na raw siya."

"Thank you, Jess."

"Kahit ano para sa 'yo. Kung ano't anuman, tawagan mo lang ako. H'wag kanang mag-isip, best."

I know I was being dramatic here, but I can't control it. Buntis ako at mas nadaragdagan ang pagiging emosyunal ko.

"Rest, Taliyah. Ako na ang maghihintay kay Tyler. Matulog ka muna. Aalis na lang ako kapag dumating na siya," sabi ni Jess habang tinatantya ang lamig ng air conditioner.

"Best, thank you. Hindi ko alam ang gagawin kung wala ka roon."

"Wala nga lang 'yon. Ngayon ang gusto ko magpahinga ka."

Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang pagod at pagka-antok. Kusang pumikit ang mata ko.

Nagising ako nang biglang may sunod-sunod na pagbusina sa labas ng bahay. Agad akong dumangaw sa bintana at nakita ko ang isang itim na kotse. Nagtataka man ako kung sino 'yon, ay bumaba rin naman ako.

Binuksan ko ang gate namin kasabay nang paglabas ng isang babae. At halos mabato ako sa kinatatayuan ko nang makita ko na siya 'yung babae kanina.

"A-anong ginagawa mo dito?" nauutal kong tanong.

Mali! Hindi dapat ako kinakabahan dahil pamamahay ko ito! Teritoryo ko ito at magagawa ko lahat.

"Just visiting my ex-boyfriend," she said calmly as she entered our house without any permission from me.

The Sold Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon