Special Chapter 9

13.1K 229 31
                                    

Dedicated to: @donnamique9

_______

"Dad, bilisan mo naman. Male-late na ako!" hiyaw ko sa labas ng banyo. Kasalukuyan pa rin naliligo ang asawa ko. Iisipin ko na nga na nakatulog na siya roon.

"Tss! Bakit ba nagmamadali ka, ha? Sa restaurant ka na lang dumeretso," sabi nito pagkalabas na pagkalabas ng banyo.

"Hindi nga puwede. May delivery kami ngayon. At ako ang pupunta roon. Bilisan mo na, puwede?"

"Gusto mo lang sumilay doon sa pastry chef niyo."

"The hell, Tyler! Kagabi ka pa paulit-ulit."

"Tss!"

"Nakuha mo na ang gusto mo tapos ganyan ka pa rin. Bulaklak lang 'yon!"

May bago kaming pastry chef. Gusto ko sanang tanggihan dahil may pastry chef naman kami. Kaya lang, sobrang sarap ng mga gawa niya. Dahil doon ay binigyan niya ako ng bulaklak na talagang kinagalit nitong asawa ko.

"I want him fired." Mabilis akong napalingon sa gawi ni Tyler dahil sa tinuran niya.

"Are you serious?"

"Yes. Ngayon pa ba ako magbibiro?"

Kulang na lang ay mapasapo ako sa noo. Utang na labas lang. Alam niyang hindi ko 'yon puwedeng gawin.

"You're a businessman, for goodness sake! Hindi ako puwedeng magtanggal ng empleyado dahil sa personal issues. He's an asset to our business."

"Wow! You're defending him, now? Iba na yata 'yan, Taliyah?"

Napatiim ako ng bagang. Ano ba ang gusto niyang palabasin? Na kesyo pinagtatanggol ko 'yung chef dahil may gusto ako rito? The fuck!

"Niloloko mo ba ako, ha? I do not defend anyone here. I am defending myself from your awful words. Wala ka bang tiwala sa asawa mo?"

"Sa iyo, mayroon. Pero sa lalaking 'yon... Wala!"

Ayun naman pala! Eh bakit kailangan pa naman itong pagdiskusyonan?

"Edi tapos na ang usapang ito. Hindi naman ako malandi para dumikit pa sa kanya, 'di ba?"

"But I want him fired now! I want him out of your sight, Taliyah!"

"You're being unreasonable, Tyler. Work is work. Ano ba ang hindi mo naiintindihan?"

"That chef likes you! Hindi mo ba alam!"

Oh c'mon? It is not as if magugustuhan ko rin 'yon. I'm married with 4 kids for goodness sake! Ano ba ang napasok sa ulo nitong lalaking ito?

"Wala akong pakialam, Tyler! He had nothing to do with me, with you and with our marriage. Ano ba ang kinakagalit mo?"

"Bahala ka sa buhay mo. Magbibihis na ako."

"Diyan ka na. Aalis na ako. Magta-taxi na lang ako."

Nakakaimbyerna siya!

"No! Sasabay ka sa akin."

"Late na ako! Late na late!" galit kong sigaw. 'Di bale sana kung late lang ako. Eh may mahalagang akong kliyente ngayon. Jusko naman!

"Ito na nga!"

"Huwag na, okay? Aalis na ako."

"Subukan mong lumabas sa kwartong ito, mag-aaway talaga tayo."

"Ugh! Nakakabuwisit! Bilisan mo!"

The Sold Wife (Completed)Where stories live. Discover now