TSW: Chapter 38

11K 211 2
                                    

"Isa! Lumabas kana d'yan!" sigaw ko kay Tyler na ngayon ay ayaw lumabas sa CR.

Siraulo! Talagang nagmamatigas at gusto pa rin pumasok kahit na nilalagnat siya. Aba'y nagpapakabayani.

"Sinasabi ko sa 'yo, Tyler, bubutasin ko ang gulong ng kotse mo! Labas na!" muli kong hiyaw.

Nakailang sipa at katok pa ako sa pinto bago niya buksan 'yon. Lumabas siya nang nakatapis lang ng towel. Tumutulo rin ang ang tubig sa abs niya.

"Loving the view?" he asked while grinning.

I composed myself and crossed my arms. "Hindi mo ako maaakit. Ngayon, magbihis ka at mahiga ka d'yan sa kama." Maawtoridad ang paraan ng pag-uutos ko.

"Ays! Hindi nga puwede. Tambak ang papeles ngayon sa kompanya." Patuloy pa rin siya sa pagprotesta.

"Hihiga ka sa kamang 'yan o itutuloy ko ang pag-alis papuntang Quezon? You choose." Pagkasabi ko noon ay awtomatikong napakunot ang noo niya na para ba'ng hindi niya gusto ang lumabas sa bibig ko.

We already talked about it. It's clear na aalis lang ako after two months, sa ayaw o sa gusto niya. But, since the incident with Cassandra came up, medyo nag-alangan na akong ituloy ang two months at gusto kong paagahin ang alis dahil baka bigla na naman sumulpot si Cassandra na parang kabute. And as usual, nagalit si Tyler. Hindi na man daw niya hahayaan na magalaw ako at ang anak namin basta basta ni Cassandra.

"Ginagalit mo ba ako, Taliyah?" Oh that voice!

Biglang nagtayuan ang balahibo ko sa batok. Sigurado ako na galit na talaga siya. Well, kanina pa ako sumisigaw at kanina ko pa siya pinapagalitan. And obviously, I'm pissing him off. Pinipigilan niya lang ang sarili niya na magalit o sigawan ako.

"Ayaw mong makinig! Hindi naman para sa akin ang sinasabi ko ah?" I really tried to sound dominantly.

"Does bringing up that topic help?" he asked and I was caught off guard. Patay kang Taliyah ka.

"Bahala kana nga! Pumasok ka kung papasok ka!"

Iniwan ko na lang siya roon at lumabas na ako ng kwarto. Hindi ko naman gusto na ungkatin pa 'yon. Tinatakot ko lang naman siya. Hay!

Dumeretso na lang ako sa kusina para kumain. Itong cake na lang ang lalantakan ko. Ayoko na rin makita na umalis pa siya. Bahala siya!

Nakadalawang slice na ako ng cake nang biglang kunin ni Tyler ang cake na kinakain ko. 'Ni hindi ko man lang naramdaman na nandito na siya.

"Enough. Sobra kana sa matamis, Taliyah," saway nito sa akin.

Lakas magsabi ng gan'on, samantalang siya hindi man lang ako pinapakinggan. Talagang hindi nagbago ang isip niya at nakasuot na siya ngayon ng suit.

Inirapan ko na lang siya at kinuha ko naman sa refrigerator ang ice cream na dinala ni Jess.

Nakatitig lang siya sa akin habang nakaupo siya sa gilid ko.

Nakakadalawang subo pa lang ako nang bigla niyang inilayo sa akin ang ice cream.

"Ano ba? Umalis kana nga kung aalis ka!" sigaw ko sa kanya.

"Mag-usap muna tayo." Ganoon pa rin ang boses niya, maawtoridad pa rin.

"Mag-isa ka!" sigaw ko at tumayo na ako. Maglalakad na sana ako palayo nang hinila niya ako paupo sa hita niya. "Ano ba?"

"Stop shouting, will you?" he looked at me seriously. I just rolled my eyes. "You're acting immature, baby."

Matapos akong sabihan ng immature, 'tsaka babanat ng baby. Bigwasan ko kaya siya ngayon.

The Sold Wife (Completed)Where stories live. Discover now