TSW: Chapter 49 (FINALE)

20.9K 283 24
                                    

Love is game. A game that I play unfairly.

*Flashback

"Do everything, Tom! Kung kinakailangan na gipitin mo ang pamilya niya para ibenta nila ang babaeng 'yon, ay gawin mo! Wala akong pakialam sa paraan mo, basta gawin mo!"

"Kilala mo ba kung sino ang babaeng gusto mong bilhin, ha?"

The hell I care! Kahit sino pa siya, wala akong pakialam! Kahit model, artista, singer, prostitute, saleslady, ay wala akong pakialam. Kailangan niyang magbayad sa ginawa niya.

"Just do it, Tom!"

"Gigipitin mo siya, bibilhin, pakakasalan, pahihirapan at sasaktan. Ang ganda ng plano mo. But, let me ask you this. Sa huli ba ay maibabalik mo ang buhay ni Cassandra. It's not worth it, Tyler."

"Wala akong pakialam! Putangina! Basta gusto ko na magdusa siya!"

"Pare si Taliyah ang driver. Patay din ang kapatid niya. Parehas lang kayong nawalan. H'wag mo nang palalain pa. Aksidente ang lahat!"

Sandali akong natigilan sa sinabi niya. Si Taliyah? Siya ang babaeng patay na patay sa akin.

"Then everything is according to my plan. Hindi na siya magrereklamo, dahil ako ang pakakasalan niya. Now, go!"

End Of Flashback*

Ako ang nag-umpisa ng gulong ito. Ako ang may kasalanan ng pagdurusa niya. Ako ang nagbigay ng sakit sa puso niya.

Alam ng Diyos kung gaano ko kagustong bumawi. Sa bawat araw na dumadaan ay ang naisin ko na mapasaya ko siya. Ang masilayan ko ang ngiti niya ay ang nakakapagpagaan ng kalooban ko. At ang marinig ko ang tawa niya ay ang pagtibok ng puso ko nang sobrang lakas at bilis.

Nagdarasal ako sa Diyos. Sana sa pagkakataong ito ay hayaan niya muna kami ni Taliyah at ng anak namin. Sana ay ibigay niya muli sa akin si Taliyah ng ligtas.

"I'm sorry, Tyler." Rinig kong sabi ni Cassandra sa tabi ko.

Sadyang napupuno ng galit ang puso ko para sa kanya. Ilang beses akong nakiusap na lubayan niya ang asawa ko. Ngunit, 'ni minsan ay hindi siya nakinig.

"Masaya kana? She's in deep pain, Cassandra. Dahil sa 'yo at dahil sa akin. Hindi mo ba naiintindihan ang sitwasyon?" Madiin kong sambit.

"Hindi ko sinasadya. Kung puwede lang na pumalit ako sa pwesto niya ay gagawin ko."

The Sold Wife (Completed)Where stories live. Discover now