Part 16

150 2 2
                                        

Natulala ako. Sa'n galing yung tanong na yun? Eto na yun. Huhulihin na niya ako. Halata nga yata talaga na may gusto ako sa kanya.

"Ano? Straight ka ba?" tanong niya ulit, sinisiguradong narinig ko ang tanong niya.

"Ano bang klaseng tanong yan?"

"Eh di tanong. Valid question na kelangan sagutin nang may buong katapatan at paninindigan."

.

.

.

.

"Hindi." Yun na. Umamin na ako. Ready na ako sa pag-walkout niya.

"Talaga? In a relationship ka ba ngayon? Sa girl o sa boy?" tanong ulit niya.

"Ba't may tanong pang kasunod?" sabi ko.

"Follow-up question yun."

"Hindi na follow-up question yun. Tsaka mo na itanong yan pagtapos ko magtanong."

"Andaya mo" sabi na naman niya.

"So, single ka ngayon? Mukha kasing hindi, kasi ang gwapo mo, mukha kang habulin. Both girls and boys ah. Sigurado may mga nagkakacrush sa'yo paglabas mo pa lang ng boarding house niyo."

Binato ko siya ng unan.

"Ako na sabi magtatanong eh."

Di ko inexpect na ganung kadali niyang matatanggap ang sagot ko. At least, one secret less ang nasabi ko na. Mas magaan na sa pakiramdam.

"Di naman ako nagulat. Ang hinhin mo kasi eh" pahabol pa niya.

"Although alam ko naglalaro ka ng basketball and all that, pero parang ambait-bait mo kasi. Gentleman na gentleman ang dating. Ang perfect. Just too good to be true."

"Andaming sinabi. Ako na magtatanong. Andaya mo" sabi ko.

"Okay. Go."

"Who are you ten years from now?" tanong ko.

Tumawa na naman siya.

"Ang korni mo talaga! Ano 'to, job interview? Sa tingin mo mananalo ka sa game natin kung ganyan mga tanong mo?"

"Sira. Walang mananalo sa game. The objective is to get to know each other better" sabi ko.

"Fine. Whatever Jelo. Basta ako, I'm gonna win this game."

"O sagot na? Ano sa tingin mo ikaw in ten years?"

"Hmm. Gusto ko talaga sa research. Sa news. Big companies. High school pa lang ako, so in ten years, I may be an assistant manager or something. Kung hindi man, may sarili akong business."

"Like what business?"

"Bar or something. Yung may light music. I like cooking. Isama mo pa yung hilig ko sa music at pagtugtog."

"You cook pala. Ano favorite mo?"

"Ikaw, ano ba gusto mo? Ipagluluto kita. Kaw kasi di ka man lang pumunta sa bahay eh. Ipaghahanda sana kita."

"Ng ano?" tanong ko.

"Hotdogs and eggs?" sabi niya sabay tawa.

"Footlong and eggs. Yung binati."

"Bastos ka talaga" sabi ko sabay bato ulit ng unan sa kanya.

"Haha. Ngayon mo lang ako tinawag na bastos."

"Sira."

"Hoy, Jelo, ako na pala magtatanong."

"O sige, go."

"Hmm."

Nakatingin siya sa kisame.

"Tell me about your first love na boy. Or first crush. Basta yung pinakamatindi."

"That's not a question" depensa ko.

"Eh di sige, how was your first love or pinakamatinding crush? Yung boy ah."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TUTORIALWhere stories live. Discover now