Part 6

132 0 0
                                        

Nang uwian na bandang 5:30 pm, tinanong ako ni Niccolo kung saan ako umuuwi.

"Ah, may boarding house ako malapit sa school. Dun ako tumutuloy. Pero umuuwi ako sa province every two weeks" sagot ko.

"Kaw, san ka?"

"Diyan lang sa Loyola, malapit lang" sabi niya habang nagliligpit ng ilang mga gamit.

"May gagawin ka pa ba?"

"Ha? Bakit?"

"Sama ka sa 'kin sa bahay. Chill lang. Meryenda muna tayo. Or early hapunan. Whatever suits you."

Napaisip ako. Or rather, di ko alam iisipin ko.

"Pero kung busy ka, siguro next time na lang" dugtong niya habang sinusukbit ang backpack niya.

Napatango na lang ako. Sa probinsya, may mangilan-ngilan akong tropa sa basketball ang nagyayaya sa mga bahay nila para tumambay at magkwentuhan. Pero walang ganitong pakiramdam.

Yung tuwa. Yung excitement. Yung nanginginig ang tuhod at kamay ko. At tangina, yung tinitigasan ako. Pero inosenteng pagyayaya lang naman ang inaalok ni Niccolo. Ako lang naman itong excited.

"Ano? Sasama ka ba sa 'kin?" tanong niya ulit.

Umepal ang supladong si Johan.

"Ako, di mo ko yayayain?"

Ngumiti lang si Niccolo.

Ngumiti na rin lang ako.

"Ah, oo, may aasikasuhin pa kasi ako eh. Siguro nga next time na lang. Kayo na lang ni Johan."

Nag-iba ang itsura ni Niccolo. Sumimangot. Disappointed. Parang batang pinangakuang isasama sa SM pero di natuloy.

"Okay" sabi lang niya.

"Alis na 'ko" sabay lakad palabas. Sumunod si Johan sa kanya.

Naiwan ako sa desk. Niligpit ko ang ibang mga gamit ko. Ang ibang tutors, may mga estudyante pa, pero nag-aayos na rin ng mga gamit. Si Ma'am Lisa, nakikita ko sa labas ng pintuan, may kausap na isang tutor. Nalungkot ako bigla. Pakiramdam ko, nadisappoint talaga sakin si Niccolo.

Siguro nag-ooffer lang talaga siya ng friendship. Pero sa di ko malamang dahilan, ayokong mag-open up sa kanya. Dahil ba natatakot ako na magkagusto sa kanya? O baka naman dahil may gusto na ako sa kanya at ayoko na lang magpahalata?

Isang araw pa lang naman kami magkasama. Mawawala rin 'to. Simpleng libog lang siguro, kasi nasagi niya titi ko. Ang babaw ko. Napakababaw. Bukas, hindi na ganito. Magsuot kaya ako ng makapal na shorts? Hehe.

TUTORIALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon