Part 15

95 0 0
                                        

Bumaling ako nang kaunti para tingnan kung ano na ginagawa niya. Pagkakita ko, nakahiga siya sa kama ko, nakatingin sa akin. Yung isa niyang libro, nakabuklat lang sa may dibdib niya.

"O, ba't di ka nag-aaral?" tanong ko. "Wala ka bang itatanong sa 'kin?"

"Tungkol sa lessons? Wala naman," sagot ni Niccolo.

"Tungkol sa'yo, siguro, marami."

"Ano naman?"

Natakot naman ako sa kung anong mga bagay ang gusto niyang malaman tungkol sa'kin. Baka nahahalata niyang gusto ko siya. Baka nahahalata niyang may nararamdaman ako para sa kanya. At sa huli, baka siya rin ang umiwas sa'kin. Alam mo na, pareho kaming lalake. Di kami talo.

"Di ko alam kung sa'n magsisimula eh" sagot niya, sabay tingin ulit sa libro niya.

Naalala ko yung laro namin ng mga kabarkada ko nung high school. 'Confessions' ang tawag. May pitong tanong ang bawat isa. Kapag may gusto kaming itanong sa isa, itatanong namin. Salitan sa pagtatanong. Pero bawal nang ulitin ang natanong na. At isa pa, bawal magsinungaling. Inexplain ko yun kay Niccolo.

"Sige nga, game" sabi niya.

"Basta ah" pahabol ko, "walang makakalabas sa kwartong 'to sa kung anuman ang masheSHARE natin."

"Go. Trust me."

Trust. Big word. Haha.

"O sige, una ka na" sabi ko.

"Hindi, una ka na. Excited ako sa kung ano itatanong mo" sabi niya sabay sarado ng libro at bagsak nito sa lapag.

"Hmm. O sige. Ano pinakamalaking frustration mo sa buhay?"

Natawa si Niccolo.

"Ano ba yan? Ang korni. Walang kabuhay-buhay yung tanong mo, Jelo. Affected ng lagnat yang utak mo?"

"Sagutin mo na lang" sabi ko.

Ang totoo, wala pa akong maisip na maitanong. Sa ngayon siguro, dead fish swimming in the current muna ako ulit. Mamaya na ako lalangoy.

"Sige, ano nga ba" sabi niya, nakatingin sa kisame.

"Gusto kong maging band member. Sumulat ng mga kanta. Maging sikat nang kaunti. Frustration ko yun. Gusto kong mas matutong mag-play ng guitar."

"Marunong ka?" tanong ko.

Alam ko naman may alam siya sa music. Nakasulat nga dun sa love letter niya. Ugh.

"Konti lang. I know the basics. A bit of techniques. Magtono kahit walang tuner" sagot niya.  "Minsan jamming tayo. Marunong ka?"

"Konti. So, nakasulat ka na ng kanta?" tanong ko na naman.

Tumingin siya sa'kin.

"Andaya mo. Ba't andami mo nang tinatanong? Akala ko ba salitan tayo ng tanong?"

"Follow-up questions lang yun" sagot ko.

"Wushu. Wala naman sa rule yun."

"Bakit, ikaw ba gumagawa ng rule?"

"Andaya mo. Ako na magtatanong" sabi niya, excited.

"Sige. Shoot."

.

.

.

.

"Straight ka ba?"

TUTORIALDonde viven las historias. Descúbrelo ahora