"So, fishballs pala aasikasuhin mo ngayon?" Si Niccolo.
Nakanganga lang ako. Lintek. Ba't andito siya? Di ba umuwi na siya ng bahay? Kasama pa nga niya si Johan di ba?
"Huy? Ano, ba't andito ka? Kala ko may aasikasuhin ka?" tanong niya, sabay upo sa tabi ko.
"Ah, mamaya. Nagpapahinga lang ako. 'Kaw, ba't andito ka?"
"La lang. Nakita kita eh" tipid niyang sagot.
"Penge nga niyan" sabay turo sa fishball.
"Wala na" sabi ko sabay subo sa huling fishball. "Ubos na."
"Ibang balls na lang" sabi niya sa 'kin. "Hehe. Squid balls." Eto na naman siya.
"Ba't ba di ka pa umuwi? Ba't ba andito ka pa? May pasok ka pa bukas ah."
"Kararating ko lang eh. Ayaw mo 'ko kasama?" sabi niya sabay ngiti nang mapang-asar.
"Ayaw."
"Wushu" sabi niya. "Eh 'kaw, ba't di ka pa umuuwi? Gabi na ah?"
"College na ako."
"So?"
"So you don't need to tell me when I need to get home."
"Ako rin. You don't need to tell me din when to get home" mayabang niyang sabi.
"At tsaka," dugtong ko, "My class starts at 1pm. Okay lang na late ako umuwi at matulog."
"Malapit lang boarding house mo dito?" tanong niya.
"Oo, isang ikot lang. Tas konting lakad."
"Punta tayo sa inyo" yaya niya.
"Sira, umuwi ka na. Don't you have exams tomorrow."
"Dapat alam mo kung may exam ako bukas. Kaw tutor ko eh" sabi niya.
"Si Johan ang tutor mo. Substitute lang ako" sabi ko. Sumikip ang dibdib ko.
Nag-iba ang mukha ni Niccolo.
"Di na. Sa'yo na 'ko magpapaturo. Di naman niya major ang math."
"Simpleng math lang naman yun" sabi ko.
"Tsaka may iba akong natututunan sa'yo" sabi pa niya.
"Huh? Math pa lang kaya."
Ngumiti lang siya at tumayo. "Tara na kasi sa inyo. Di ako magpapagabi masyado. Pramis, sir."
Tatanggi pa ba ako? Siya na nga lumalapit. Fine. Sabi ko nga kanina, go with the flow lang. Tumayo na rin ako. Tumawid kami para sumakay na sa jeep.
ESTÁS LEYENDO
TUTORIAL
Novela Juvenil"Bakit nga ba kailangan pa nating magmahal,kung alam naman nating masasaktan lang tayo ? Bakit pa kailangan pa nating subukan at ipaglaban kung wala naman tayong kalaban-laban ? Sabagay ganun talaga di ba ? Kapag ang puso na ang nagdikta wala na tay...
