Part 14

101 0 0
                                        

"O, ano yan?" sabi ko sa kanya.

"Magpapaturo ako eh. Periodical test namin bukas sa math at physics" sagot niya, nakangiti.

"Langya ka talaga. Pumunta ka pa talaga dito para magpaturo" sabi ko habang lumalapit sa kanya.

Naupo ako sa katapat na double deck bed. Shet, ang sarap niya kapag nakasando at pantalon lang.

"Ba't di ka na lang magpaturo dun sa center?"

"Ayoko dun. Sa'yo ako sanay magpaturo, lalo na sa math at physics. Sa'yo lang ako nakakapagCONCENTRATE eh," sagot niya habang binubuklat ang isang libro.

"Sira ka talaga eh nuh? Alam mong may sakit ako. Bahala ka diyan" sabi ko sabay higa sa kamang inupuan ko.

"Talaga? Okay lang na dito ako?" sabi niya, nakangiti. "Kahit wag mo na ako turuan. Magtatanong na lang ako pag may di ako alam."

"Oo, sige na. Wag lang makulit" sabi ko sabay talikod.

"Yey. Di mo talaga ako matiis nuh? Di mo ko paaalisin?"

Oo, di kita matiis. Tangina.

"Kapal mo, umuulan kaya sa labas. May payong ka ba? Gusto mo rin magkasakit?"

"May kapote ako, di tayo magkakasakit" sabi niya.

Tangina. "Ano?"

"Wala, malakas resistensya ko. Di tulad mo, maambunan nang konti, may lagnat agad. Haha" sabi niya.

"Thanks sa concern" dugtong pa niya.

Naiimagine ko, nakangiti siya habang sinasabi yung huli.

"Mag-aral ka na lang diyan" sabi ko.

Naririnig ko lang siyang nagbubuklat ng libro.

"Teka nga, ba't ba nakatalikod ka sa'kin?" tanong niya.

"Maliwanag yung ilaw, nasisilaw ako" palusot ko.

"Papatayin ko? Lights off pala gusto mo?" tanong niya, sabay tawa.

"Sira ka ba. Andilim kaya pag pinatay mo. Paano ka mag-aaral?"

"Eh ba't andyan ka sa kabilang kama? Sige ka pag dumating yung roommate mo, dadaganan ka nun. Gusto mong pumatong siya sa'yo dyan?" sabi niya sabay tawa.

"Loko ka pala eh. Nakakalat kaya mga gamit mo sa kama ko. Paano ako hihiga dyan?" Di na palusot yun. At ayaw ko talaga siya katabi. Masagi na naman niya titi ko.

"Ililigpit ko na?" sabi niya.

"Sira. Mag-aral ka na lang diyan. Di ba sabi ko wag makulit?"

"Okay. Uminom ka na ng gamot?" tanong niya.

Andami niyang tanong. Sinabi nang wag makulit eh.

"Oo, kanina pa. Mamaya pa ulit alas-otso."

"Eh ba't di ka pinagpapawisan? Gusto mo magpapawis?" tanong niya.

Ramdam ko, nakangiti siya, yung nang-iinis na ngiti.

"Umuulan kaya di ako pinagpapawisan."

Tumahimik siya. Mga five seconds.

Pagtapos, naramdaman ko, kinukumutan niya ako.

"Pahinga ka lang dyan. Dito lang ako sa kama mo" sabi niya.

Di ko na siya sinagot o kaya tiningnan. Pumikit na lang ako. Gusto ko lang yung nararamdaman na nasa malapit lang siya sa 'kin.

Tahimik lang siya nang matagal. Di naman ako makaidlip, nakapikit lang ako. Naririnig ko lang yung paminsan-minsan niyang paglipat ng pages ng libro o notebook, mga tatlong beses na pagkahulog ng ruler at calculator, at dalawang beses na pagpindot sa cellphone. Hindi siya nagsasalita. Ni hindi siya nagtatanong ng kahit ano tungkol sa lesson. Mga kalahating oras na siyang ganun. Lalong lumakas ang ulan.

TUTORIALWhere stories live. Discover now