Part 2

261 1 0
                                        

"Hi, Jelo tol" sabi ko kay Johan sabay abot ng kamay.

Tumango lang siya, kasabay ng tipid at pilit na ngiti.

"Uhhh," sabi ko sabay kamot ng ulo.

"Mahirap ba magturo dito. First time ko kasi eh. I mean, makulit ba yung mga bata?"

"Kung iisipin mong mahirap, mahirap talaga," sabi ni Johan.

"Ah, hehe, oo nga."

Balik siya sa pagbabasa. Katabi ng desk ko ang desk nya, kaya siguro siya na lang ang sinuggest ni Ma'am Lisa na mag-assist sa 'kin. Suplado ang itsura ni Johan, parang ugali niya. Maputi, malaki ang mata, medyo makapal ang kilay, di katangkaran. May maliliit na pimples. Pero sino ba ang di pa nagkaroon nun? Ang cute nga tingnan eh. Strategically-placed yung mga maliliit na tigyawat nya sa pisngi. Nakapolo pa siyang blue. Kaya lang ansuplado. Kala mo siya lang marunong magturo. Kung iisipin mong mahirap, blah blah blah.

Tumingin sakin si Johan, medyo nakakunot ang noo. Tinititigan ko pala siya, di ko napansin.

"Ahh, hehe, uupo na ko dito" sabi ko sabay kamot sa ulo at upo sa desk ko.

Mukhang mahihirapan akong basagin ang isang 'to. Di ako magaling makipag-socialize, at kung suplado rin lang tulad ni Johan ang pakikisamahan ko, mahihirapan nga talaga ako. Katabi ko pa naman. Sana yung isang girl na lang dun sa kabilang desk na may kakwentuhang bata, o kaya yung kuya na tinuturuan yung isa pang bata tungkol sa adjectives. Wag lang si supladong Johan. Buti airconditioned yung office. Nakakainit kasi ng ulo.

Patingin-tingin lang ako sa buong kwarto. May mga walong desks sa loob ng office. Dalawa malapit sa pintuan, apat sa gitna, at dalawa dito sa may bintana kung san ako at si suplado nakapuwesto. May dalawang magkaharap na upuan sa bawat desk, para sa isang tutor at isang estudyante. Lima pa lang kaming tutors, mukhang mga estudyante pa lahat. Tanungin ko kaya si Johan kung estudyante pa siya? Matagal na ba siyang nagtututor dito? Para lang makulitan sakin. Bubwisitin ko lang.

"San ka pala nag-aaral?" tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sabay turo sakin. Kumunot ang noo ko.

"Kung di ka poser lang, schoolmate tayo" sagot niya.

"Ha?"

"Your shirt."

Tumingin ako sa Tshirt ko. Ah. Binili ko sa school. Schoolmate nga yata kami.

"Hehe, anong course mo? Student number?"

"Econ. 2011. Kaw?"

Wow, interesado siya. O baka verbal filler lang. Alam mo na, nagtanong for the sake of asking. Parang yung ginagawa ko.

"Chem Eng, 2013."

"Ah okay" sabay balik sa binabasa niya. At nawala ko na naman siya.

Minsan patingin-tingin ako sa iba pang tutor. Nakikipaghagikgikan na yung girl dun sa batang kakwentuhan nya, habang medyo nakakunot na yung noo nung kuya na nagtuturo ng English. Yung isa pang tutor, dalawang high school girls na ang tinuturuan. 3:30 pm na. Wala pa rin akong estudyante. Si Johan din, wala pa. Pero di bakas ang pagkainip sa kanya. Baka sanay na. Suplado naman kasi siya. Kwentuhan sana kami. Kung ano hilig nya. Bakit siya nagtuturo. Ano height nya. Ano magandang panghilamos sa mukha. Kung may gelpren na siya. Kung virgin pa ba siya. Haha. Ako kasi, oo.

Tumayo ako para kumuha ng textbook. Pinapahirapan ko lang kasi sarili ko sa paghihintay, eh pwede nga naman pala akong magbasa. Marefresh man lang ang utak ko sa ibang high school subjects. O kunwari lang na may gagawin ako. Dahil di naman talaga ako makakapagbasa. Di pa ako kumportable. Lalo na sa tabi ni supladong Johan.

Nang nakapili na ako ng libro (Trigonometry), napansin kong nakatitig sakin si Johan. Or rather, nakatitig sa may puwitan ko. Nang mapansin ko, pasimple lang siyang bumalik sa pagbabasa. Tiningnan ko yung puwitan ko, baka nilagyan kasi ng loko yung upuan ko ng kung ano, at sinisigurado niyang naupuan ko yun.

Pagbalik ko sa upuan, nagbasa na rin lang ako ng libro. Kunwaring nagbabasa lang. Palipat-lipat lang ako ng pages ng libro. Araw-araw kong nakikita sina cos, sine, at tan. Mga best friends ko sila ngayon, at medyo nakakasawa na rin silang kasama araw-araw. Puro problema dala nila sakin. May ruler at protractor sa desk ko, kaya kunwari sinusukat-sukat ko yung mga angles sa libro. Kunwari lang. Pampalipas-oras. Ano kaya pwede pang masukat? Yung height kaya ni Johan, sukatin ko. Tiningnan ko siya, nagbabasa. At kumambyo. Oo, kumambyo. Ng titi. Sukatin ko kaya titi ng lokong to? Haha. Malamig kasi sa office. Baka tinitigasan.

Nahuli ako ni Johan na nakatitig sa crotch niya. Kumunot na naman ang noo niya. Bumalik ako sa pagbabasa. Ang yabang niya. Kanina nga tinitingnan niya puwitan ko. Inirapan ko ba siya? Di naman di ba?

Sinukat-sukat ko ulit yung mga angles sa libro. Yung titi kaya ni Johan, diretso lang, o nakakurba pakaliwa o pakanan? Yung akin kasi, diretso lang. Mga anim na pulgada. Di ko pa nasukat sa ruler, pero dahil magaling ako tumantya, alam ko mga six inches ang alaga ko. Batak sa pagjajakol. Bakit, sinong binata ang hindi marunong magjakol? Nakahiligan ko lang. Pampalipas-oras. Pero virgin pa ako, pramis.

Nakakanuod din kasi ako ng porn paminsan-minsan. Alam mo na, curious eh. Straight at gay porn. Lesbian porn din. Tinitigasan ako sa mga yan. Siguro nga di ako straight. Tanggap ko naman yun. Di lang talaga halata na silahis ako.

Medyo maraming nagkakagusto sa akin na mga babae nung high school pa ako sa probinsya. Minsan na rin akong naging player ng basketball sa barangay. Pero ni minsan, wala pa namang nanligaw sa'king lalake. Ewan lang dito sa Maynila. Di kasi ako masyado lumalabas ng bahay. May wifi ang kapitbahay. May pinaglumaang laptop si Tita na binigay sakin. Alam nyo na kung paano ako nakakapanuod ng porn.

Biglang tumayo si Johan nang may pumasok sa pinto. Napatingin din ako sa pinto. May estudyante, nakauniform kasi. Lalaki, maputi, medyo chinito. Sa tangkad at katawan nya, mukhang basketball player ng high school class nila. Pero di pa gaanong well-formed ang katawan, medyo bata pa.

Mukhang boy-next-door. Nginitian siya ni Johan, ang unang beses na nakita kong ngumiti nang totoo ang suplado. Tumango lang yung estudyante at lumapit sa kanya

TUTORIALWhere stories live. Discover now