Tahimik lang kami sa biyahe, mga 20 minutes. Magkatabi kami sa tabi ng driver. Kapag nakatingin siya sa kalsada, tinititigan ko lang siya. Minsan, nahuhuli ko siyang tumitingin sa 'kin sa side mirror. Umiiwas ako ng tingin. Pagbaba sa jeep, niloko ko pa siyang umuwi na kasi gabi na. Tawa lang siya.
"Ayaw mo talaga sa 'kin ha. Masyado ba akong mahirap turuan?" sabi niya habang naglalakad na kami papuntang boarding house ko.
"Sakto lang. Simple pa naman yung lessons eh" sagot ko.
Umakbay sa'kin si Niccolo habang naglalakad. Mas matangkad siya sa akin ng mga dalawang pulgada. Hindi na siya mukhang high school student sa suot niyang pambahay na damit, pero mukhang boy-next-door pa rin. Marahan ang pagkakapatong ng kamay niya sa balikat ko.
Sa second floor ng boarding house ako tumutuloy. May apat na palapag, kasama na ang rooftop. Sa first floor may isang laundry shop at bantay na rin sa bawat papasok na boarder at bisita. Binati ko ang bantay at pinakilala si Niccolo.
"Tropa ko po" sabi ko.
Pag-akyat sa second floor, makikita ang isang maliit na kusina kung saan pwedeng magluto at kumain ang mga boarders. Pwede rin dito mag-aral. Sa bandang kanan makikita ang pintuan ng kwarto.
"Tropa mo pala ako?" sabi ni Niccolo.
"Bakit, ano pa ba gusto mo?" tanong ko.
"Wala, kala ko sasabihin mo, estudyante mo ako."
Natawa ako. "Sira. Parang magmumukha kasi akong matanda pag ganun."
"Di naman siguro. Di naman halatang 25 ka na" sabi niya sabay ngiti, yung pang-inis.
"Umuwi ka na nga."
"Hehe. So, ilan kayo sa kwarto?" tanong niya.
"Apat kami ngayon. May tatlong double decks. Yung dalawang bunks unoccupied. Tinatambakan nila ng mga gamit."
"Ah, tapos, dito shower?" tanong niya sabay turo sa isang pintuan.
"Oo, yang magkatabi. Toilet yung isa, pero pwede naman maligo dyan pag may tao sa shower."
"Maliligo ka na?" sabi niya, sabay ngiti.
Nagsimula na naman siyang mambuwisit.
"Mamaya na pagkaalis mo."
"Di naman ako aalis eh. Dito ako matutulog. Gabi na kaya" sabi niya, sabay upo sa isang silya.
"Sira ka rin eh nuh?" sabi ko sabay pasok sa kwarto para ibaba ang mga gamit ko.
May isa akong roommate, nakahiga sa kama niya, nagbabasa. Di ko siya binati. Busy eh. Isa pa, di kami masyadong close. Lumabas ulit ako pagkababa ng mga gamit ko.
"May kasama ka?" tanong ni Niccolo pagkalabas ko.
"Oo, bakit?"
"Ba't di mo ko pinapakilala?"
"Ba't naman kita papakilala?"
"Siyempre" sabi niya. "Para kilala ko friends mo."
Nangiti lang ako. "Sira, di ko siya friend. Roommate lang."
"Weh? Eh ba't ako, wala pa ngang isang araw, tropa agad?" sabi niya, mayabang ang tono.
"Nasagot ko na yata yan?"
Sumimangot siya.
"So, di tayo friends?"
"Palagay mo?"
"Di ako taga-Assumption."
"Yang mga bagay na yan, hindi na dapat tinatanong. Parang kasing-abnormal lang yan ng kapag may nagtetext sa'yo na random number ng 'Hi! Can we be friends?', kasi sa tunay na buhay, wala namang manghaharang sa'yo sa daan at itatanong ang ganyang bagay."
Tahimik lang si Niccolo.
"At tsaka," dugtong ko, "nararamdaman mo naman yun. Kung pakiramdam mo eh kumportable ka sa isang tao na maging totoo sa harap niya, at kaya mo siyang pakisamahan at damayan nang walang kapalit, sa tingin ko, alam mo na kung anong relasyon ang meron kayo."
"Magsyota?" sabi niya, nakangiti.
YOU ARE READING
TUTORIAL
Teen Fiction"Bakit nga ba kailangan pa nating magmahal,kung alam naman nating masasaktan lang tayo ? Bakit pa kailangan pa nating subukan at ipaglaban kung wala naman tayong kalaban-laban ? Sabagay ganun talaga di ba ? Kapag ang puso na ang nagdikta wala na tay...
