Part 12

101 0 0
                                        

Nanginginig ang mga kamay ko pagkatapos ko basahin yun. Nangingilid ang mga luha ko sa mata. Tangina. Sino si J? Di ko alam kung maiiyak ako sa selos. Di ko alam kung aasa akong para sa 'kin yung sulat na yun. Gusto ko bang malaman? Sa isang banda, oo, para kahit papaano, alam ko kung sa'n ako lulugar. Sa kabilang banda, ayoko. Simple lang: ayokong masaktan.

Tinitigan kong mabuti ang papel. Di ko alam kung ano gagawin ko. Nakakainis. Hinayaan ko kasing madevelop ang nararamdaman ko kay Niccolo. F*ck with going on with the flow. Naalala kong only dead fish swim with the current nga pala. Isa na lang akong patay na isda ngayon. Patay na malansang isda.

Nakatingin pala sa'kin ang supladong si Johan habang nakatulala lang ako. Inipit ko ulit ang papel sa notebook ni Niccolo at kunwari nagpunas ng pawis sa mukha, para matanggal ang mga namuong luha sa mata ko. Si J kaya si Johan? Tugma kasi. Tugmang-tugma.

There, I rest my case. Sa sembreak, uuwi muna ako ng probinsya. Siguro hahanap na lang ulit ako ng ibang part-time na trabaho. Ayoko muna sigurong madikit kay Niccolo. Kelangan, magfocus sa mga mas importanteng bagay. Tama, sa mas importante. Kaya lang, importante sa'kin si Niccolo. Di ko na alam ang gagawin ko.

Nang bumalik si Niccolo, napansin niya ang itsura ko.

"O? Bakit ka malungkot dyan? Namiss mo 'kong turuan?" sabi pa niya nang nakangiti habang paupo sa silya niya.

"Sira" sagot ko. Nanahimik na lang ako.

"Eh anong problema?" tanong ulit niya.

"Wala" sabi ko sabay buklat sa isang nakakalat na libro.

Inagaw sa'kin ni Niccolo ang libro.

"Di tayo mag-aaral kung di mo sasabihin sa'kin" sabi niya nang medyo malakas.

Nagtinginan ang ibang tutors at estudyante.

Nagulat ako.

"Sira," sabi ko, sabay tawa nang mahina.

"Naalala ko lang yung mahirap naming exam kanina. Baka kasi mababa grade ko dun" palusot ko.

Kumunot ang noo ni Niccolo.

"Grades lang yan. Wag ka masyadong grade conscious. Nakakamatay ba yun ha? Ako nagpapatutor lang hindi dahil gusto ko ng grades kundi gusto ko matuto pa."

Tahimik lang. Balik sa pagtuturo ang mga tutors sa ibang desks.

"Tsaka," dugtong niya, "makasama yung nagtuturo sa 'kin."

Napatitig na lang ako sa kanya. Napanganga ako. Ni hindi ko alam ang sasabihin ko. Nag-eexpect ako ng idudugtong niyang sasabihin na makulit na hirit, pero wala nang katuloy.

Unti-unti nang nagliligpit ng mga gamit ang ibang mga tutors. Si Johan, nakatingin lang sa'min habang nagliligpit ng gamit. Nakakainis yung tingin niya. Yung tingin na parang lalamunin ako. Yung tingin na parang sa kanya si Niccolo at di ko dapat galawin. Nagmadali na rin akong magligpit ng gamit.

"Yey, uwian na" sabi ni Niccolo.

"Punta tayo sa inyo?" tanong niya sa'kin.

"O sa 'min na lang? Di ka pa nakakapunta dun eh. Sa makalawa na periodical tests ko, kaya dapat..."

"Ah, eh" sabi ko sabay sarado ng bag, di ko na pinatapos ang sinasabi niya.

"May exam kasi ako bukas. Kelangan ko magreview ngayong gabi. Next time na lang."

Disappointed ang itsura niya.

"Ah, sige. Pagtapos kaya ng periodical tests ko?"

Dali-dali akong naglakad palabas ng kwarto. "Siguro. Sige una na ako."

"Bukas ulit?"

Di na ako sumagot. Ramdam ko ang bigat ng pagtitig niya habang palabas ako ng kwarto. Gusto ko na siyang iwasan. Di naman talaga tamang magkagusto ako sa kanya, lalo na kung may iba naman siyang gusto. Ayoko naman masaktan. Ayoko rin makasakit.

Paglabas ko sa kalsada, biglang bumuhos ang ulan. Sakto, umiyak na ako.

TUTORIALWhere stories live. Discover now