"Sira" sabi ko sabay sipa sa kanya. "Friends ang pinag-uusapan, napunta naman sa syota."
"So, pakikisamahan at dadamayan mo ako nang walang kapalit?" tanong niya.
"Oo naman, ba't hindi" sabi ko.
"Yes!" sabi niya. "Libre na ang tutorial sessions."
"Sira ka talaga."
Nakangiti lang siya.
"So, totoo ka sa harap ko?"
"Gago. Hinde" sabi ko sabay ikot ng mata ko.
Nakangiti pa rin siya.
"Halata naman eh."
"Ano? Anong halata?"
Biglang lumabas ng kwarto ang roommate ko. May mga dalang gamit panligo. Natigilan kami ni Niccolo. Tumingin ako kay roommate at tumango. Tumango rin si roommate at ngumiti, at tsaka pumasok sa banyo.
Nakatingin lang sa 'kin si Niccolo.
"Ba't di mo pa ko pinakilala kay kuyang roommate? Mukha namang close kayo."
"Tsaka na, pag di na siya maliligo. Haha. Umuwi ka na nga. Gabi na."
"Di nga ako uuwi 'di ba?" sabi niya.
"San ka matutulog? Sige, sa sahig."
"Okay lang. Nakakatamad umuwi eh. Pero teka, matitiis mo na sa sahig lang ako matulog? Ba't di na lang sa kama mo?"
Nagsimulang manigas ng titi ko sa ideyang tabi kami sa kama.
"Sira, di tayo kasya. Sa laki mong yan. Malikot ako matulog."
Kumunot ang noo niya.
"Ha. Bakit, kala mo tabi tayo? Ikaw sa sahig. Ako bisita kaya ako sa kama."
"Kapal mo rin eh nuh? Uwi na nga."
Tumayo na siya at naglakad papasok sa kwarto.
"San dito kama natin?" sabi pa niya.
"Kama ko. Diyan" sabi ko sabay turo sa isang double deck sa may bintana.
"Ah. Cool. Top o bottom?" tanong niya.
"Sa ibaba ako natutulog. Hassle pag sa top bunk" sagot ko.
"Eh di bottom ka?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi ah!"
"Ha?" kumunot ang noo niya. "Kala ko ba sa ibaba ka?"
Ta***na. Oo nga naman. "Ah, oo, oo. Sa ibaba nga."
Nakangiti lang ang loko. May sira talaga 'to.
"Lumabas ka na nga at umuwi. Ihahatid na kita sa sakayan."
Biglang pumasok ulit si roommate. May nalimutang gamit panligo. Tahimik lang kami ni Niccolo hanggang lumabas ulit si roommate.
"Sige na nga, uwi na ako. Hehe. Wag mo na 'ko ihatid. Gawa ka na lang assignments mo" sabi niya nang makalabas si roommate.
"Okay. Ihahatid na lang kita sa ibaba."
Ngumiti lang si Niccolo.
BINABASA MO ANG
TUTORIAL
Teen Fiction"Bakit nga ba kailangan pa nating magmahal,kung alam naman nating masasaktan lang tayo ? Bakit pa kailangan pa nating subukan at ipaglaban kung wala naman tayong kalaban-laban ? Sabagay ganun talaga di ba ? Kapag ang puso na ang nagdikta wala na tay...
