Part 7

127 0 0
                                        

Nag-early dinner ako sa may isang tapsilugan sa school. Mula kasi sa tutorial office, dadaan muna ng campus bago makarating sa tinutuluyan kong boarding house, kaya dito na lang ako kumain. Isa pa, gusto ko munang maglakad-lakad sa school. Lagpas alas-sais na nun, kaya medyo madilim na, pero marami pa rin namang tao.

Nag-iisip-isip lang ako habang naglalakad. Ano na kaya ginagawa ni Niccolo? Kumakain ng early dinner. Kasama niya ang supladong si Johan. Baka kinakain na siya ni Johan. Ugh. Kinabahan ako. Di nga kaya? Pansin ko nga, laging nakatingin si Johan kay Niccolo. May gusto kaya siya dun?

Di ako magaling kumilatis kung silahis ang isang lalake, pero kung iisipin, siguro nga silahis si Johan, at type niya si Niccolo. Kaya siguro nainis sa 'kin ang suplado. Kaya siguro gusto niya sumama kay Niccolo. Kaya siguro, baka ngayon, kinakain na niya si Niccolo. Naalala ko yung inimagine ko kanina, yung nagsesex sila sa classroom. Naiinis ako. At di ko alam kung bakit.

Huminto ako sa isang open field sa school kung saan maraming mga puno. May nagtitinda ng fishballs, etc. sa tapat ng isang building malapit dun kaya bumili muna ako at umupo sa may damuhan sa field. May mga naglalaro ng frisbee, mga batang namumulot ng plastic bottles, mga nagjojogging at nagbibisikleta at mga estudyanteng palakad-lakad.

Ansarap ng fishballs. Haha. Gusto ko lang i-clear ang utak ko sa mga nangyari. Wala naman talaga nangyari, di ba? May nakilala lang akong mga bagong tao. Normal lang yun dahil may bago akong trabaho. Pero bakit ganun? Di ko maalis ang isip ko kay Niccolo. Yung mga mata niya. Yung labi niya. Yung pag-crinkle ng ilong niya. Yung ngiti niya, lalo na pag diretsong nakatingin sa akin. Nakakatunaw.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganun. Parang yung naramdaman ko sa ex-girlfriend ko nung high school. Pero iba eh. Ibang-iba. Isa pa, sa lalake pa. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Let go with the flow na lang siguro. Kung may gusto ako sa kanya, eh ano naman? Pwede ko naman siya makita araw-araw kung magtuturo ako at kung magpapaturo siya. Walang kaso dapat. Parang tropa lang dapat. Parang kaibigan lang.

Isusubo ko na sana yung huling piraso ng fishball ko nang may biglang kumalabit sa 'kin.

TUTORIALWhere stories live. Discover now