Part 13

98 0 0
                                        

Nang sumunod na araw, nilagnat ako. Pero di ako umabsent sa kaisa-isang class ko.

Sabi nga ng prof ko, "Never be absent in class unless it's a matter of life and death."

Ginawa ko nang motto yan sa pagpasok ko sa school araw-araw. Di naman nakamamatay ang lagnat. At kasalanan ko rin naman, nagpaulan kasi ako kahapon, kasabay ng pagdadrama ko. Mas okay nga ako ngayon. Di baleng may lagnat, makakaiwas naman kay Niccolo. Ayoko muna siya isipin. Mas importante ang exam ko ngayon.

Maaga ako natapos mag-exam, kaya alas dos pa lang diretso na ako sa boarding house. Nagpaalam na ako kay Ma'am Lisa na hindi ako makakapasok sa trabaho dahil may lagnat ako. Okay lang daw, enough naman daw ang tutors for the day kahit hell week ng mga high school students.

Ako lang mag-isa sa kwarto pagdating ko. Malamang, may mga exams din ang mga roommates ko at ako lang ang maagang nandun. Ibinaba ko ang mga gamit ko at dahan-dahang nagbihis. Ang sakit ng ulo ko. Ang sakit ng katawan ko. Ang sakit ng puso ko. Magpapahinga muna ako. Isa pang exam bukas, sembreak ko na. Di na ako makapaghintay umuwi ng probinsya. Namimiss ko na sila dun. Mamimiss ko si Niccolo.

Nakatulog ako kakaisip. Paggising ko, 4:30 na ng hapon. Ayos, dalawang oras ang tulog sa hapon. At umuulan pa. Anlamig. Buhay-tamad. Karapatan ko yun nuh. May sakit kaya ako. Medyo giniginaw nga ako. Dahan-dahan akong bumangon para umihi sa labas. Pero paglabas ko, laking-gulat ko, nakadukdok sa may lamesa si Niccolo. Si Niccolo, ang lalaking iniiwasan ko.

Nang mapansin niya ako sa may pintuan, dali-dali siyang tumayo.

"May sakit ka raw? Kanina pa ako katok nang katok sa kwarto nyo eh. Nakatulog ka ba? Ba't di ka nagtext man lang sa'kin na may sakit ka pala? Okay na ba pakiramdam mo?" sunud-sunod niyang tanong.

"Alin dyan uunahin kong sagutin?" sabi ko. "Excuse me muna, naiihi ako."

Nangiti siya. "Kelangan mo ng tagahawak?"

Napatingin ako sa kanya. Nakakunot ang noo ko. Tangina. Mamimiss ko yang mga ganyang hirit.

"Tagaalalay" sabi niya, nakangiti. "Alam mo na, baka nahihilo ka, bigla kang bumagsak, ganyan."

"Kaya ko. Okay lang ako. Wag kang OA" sabi ko sabay pasok sa cr at lock ng pinto.

Ba't ba siya nandito? May test kami pareho bukas tapos nanggugulo siya dito. Di ba niya naramdamang gusto ko siyang iwasan? Sabagay, kahapon lang ako nagsimula sa drama ko. Hindi nga naman halata. Tsaka na niya mahahalata pag sembreak na, pag di ko na siya itetext. Pag pasukan na, kasi hindi na ako magtututor sa kanya. Nagtagal pa ako sa banyo. Di ko alam kung dapat ko pa ba talaga siyang harapin.

Paglabas ko ng cr, wala si Niccolo sa kusina kung saan ko siya iniwan. Tiningnan ko siya sa kabilang cr pero wala rin. Pagpasok ko ng kwarto, andun na siya, nakaupo sa kama ko. Nakasando at pantalon na lang siya. Yung uniform niya, nakasabit sa isang hanger. Yung sapatos at medyas niya, nasa paanan ng kama ko. Andun siya, at naglalabas ng mga notebook at libro galing sa bag niya.

TUTORIALWhere stories live. Discover now