Part 5

142 0 0
                                        

Tangina. Ano bang trip ang nalalaman ng batang 'to? Kumunot lang lalo ang noo ko sa kung saan papunta ang usapang ito. Di ko na alam isasagot ko. Nakakainis. Naiinis ako dahil di ko makontrol. Naiinis ako dahil gusto ko.

"Sa ibaba ng libro kako. Dyan sa page na yan" dugtong niya, sabay turo sa isang problem sa libro.

"Dyan tayo natapos."

Kukutusan ko na talaga siya. Nainis ako.

"Gawin mo mag-isa. Ichecheck ko na lang mamaya" sabi ko, masungit ang tono.

"Ha? Bakit?"

"Kaya mo na yan. Iga-guide na lang kita pag nagawa mo yang isa. Para alam ko kung sa anong parte mas dapat natin pagtuunan ng pansin" sabi ko, parang teacher kunwari.

Ngumiti siya.

"I like that, sir. Ano kaya muna dapat nating pagtuunan ng pansin."

"Yang tigas ng ulo mo."

Nanlaki ang chinito niyang mga mata. Ay, tangina, ano nga yung sinabi ko? Pati ako nahahawa sa trip ng batang 'to. Ah, ewan, bahala na.

Binigay ko sa kanya ang libro niya.

"Gawin mo yang una at pangalawa. Sabihin mo kung saan ka nahihirapan."

Kinuha lang niya ang libro niya at ginawa ang pinagagawa ko. Sa mga oras na yun, may dalawa pang tutors at ilang estudyante pa ang nagsidatingan sa kwarto. Yung iba, nagbabasa nang mahina. Yung iba, nagkukwentuhan lang. Si Johan, pinasasagot ng assignment yung tinuturuan niya, pero siya, nakatitig sa sinusulat ni Niccolo. Naiinggit siguro si suplado coz I can teach math well and he can't. Haha. Ang yabang ko lang.

Di ko naman talaga tinuturuan pa si Niccolo. Di pa ako ganun kakumportable. Siguro, ganun din si Niccolo sa'kin. Di pa kami gaanong kakumportable sa isa't isa, although we did some small talk. Kaya lang, sa trabaho kong ito, kailangan kong tanggapin na makikisalamuha ako sa mga mas batang estudyanteng di ko naman kakilala at maaaring kumwestiyon sa abilidad kong magturo dahil estudyante rin lang ako.

Pinanuod ko na rin si Niccolo habang nagpa-plot siya ng points. Mukhang di naman siya mahirap turuan. Madali naman siya pumick-up ng instructions. Sadyang makulit lang siya. Nakakainis na nakakatawang kulit.

Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya. Medyo mahaba pala pilikmata niya. May butas ang kaliwang tenga. Tinanggal lang siguro niya hikaw niya kasi bawal sa school. Medyo matangos ang ilong niya, pero may mannerism siya na kumukunot ang ilong. Parang rabbit. Medyo pink ang labi niya, at nakalabas pa nang kaunti ang dila habang nagpoplot ng points. Sira talaga.

"Pag ba ako natunaw, paano mo 'ko patitigasin?" ang tanong ng walang hiyang si Niccolo.

"Ano?!" sabi ko.

Nahuli ako ng lokong nakatitig sa kanya.

"Eh di ilalagay sa freezer! Haha" sabi niya. Lalong lumiit ang mga mata niya.

"Sira ka talaga."

"Ba't ka nakatitig sa'kin?" tanong niya habang nagdodrowing ng mga linya.

Nahuli ako ng loko.

"Sira, malamang yung ginagawa mo tinitingnan ko kung tama. Baka paliku-liko eh" palusot ko.

"Tama yan. Ako pa" buong pagmamayabang niya.

"Eh alam ko na ngayon kung saan ako pupunta."

Ngumiti siya sa 'kin. Yung ngiting walang halong kulit. Simpleng ngiti lang. Yung satisfied na ngiti.

TUTORIALWhere stories live. Discover now