XXII

1.4K 45 2
                                    

Nagising ako na mainit ang pakiramdam. Akala ko ay nilalagnat na ako pero nang idilat ko ang mga mata ko ay namataan ko si Yumi sa aking paanan na may hawak na warming pan o bed warmer.

" Mabuti na po ba ang inyong pakiramdam? "

Napahinga ako ng malalim sa tinanong nya at marahang tumango na lamang. I get on too much trouble this past few days.

Halos araw araw ay may nangyayaring hindi maganda at madalas pa akong mawalan ng malay at gumigising na parang bangungot lang ang lahat.

Kailan ba to matatapos?

" Nais nyo po bang ipadala na lamang dito ang inyong agahan o nais ninyong sumabay sa Capo? "

Napatingin ako kay Yumi sa itinanong nya. Naalala ko nanaman ang nangyari kagabi at hindi ko alam kung ano na talaga ang nangyayari sa aking sarili.

I'm still on trauma after what happened last night at talagang nagpapasalamat ako sa pagdating nya dahil kung hindi ay hindi ko na alam ang mangyayari.

Pero hindi ko din maiwasan ang magalit at sisihin sya dahil pagbalibaliktarin man ang mundo kasalanan nya ang lahat kung bakit ako napunta sa ganoong sitwasyon. Kung sana ay hindi nya ako kinidnap ay hindi ako magiging desperada sa pagtakas at lalo nang wala ako ngayon dito at hindi ko mararanasan ang nangyari kagabi.

" Milady? Ano pong nangyayari? Nais nyo po bang tawagin ko na ang Capo? "

Napapitlag ako nang makitang nasa harap ko na si Yumi at hawak hawak ang kamay kong hindi ko namamalayang masyado na palang mahigpit ang hawak sa kumot, na labis na ikinalukot nito. Idinampi ko din ang mga palad ko sa pisngi at natagpuang basa nga ito sa mga luhang dulot ng alaala kagabi.

" Ipagbibigay alam ko po sa Capo "

" W-wag na " pigil ko kay Yumi nang ambang aalis na sya para iwan ako.

" Sasabay ako sa pagkain. Maliligo lamang ako " saad ko bago bumaba sa kama at dumiretso na sa paliguan.

Tuloy ang agos ng luha ko kasabay ng lagaslas ng tubig sa aking katawan. I feel so dirty kahit wala namang nagawa sa akin si Ridge kung hindi ang pagpunit lamang ng damit. But I feel like I was harassed like what Ian did to me months ago. Paulit ulit kong kinuskos ang bawat parte ng katawan ko dahil pakiramdan ko ay nanatili ang amoy nya sa akin kahit alam kong wala na ito sa ilog pa lamang.

" M-Milady ... kanina pa po kayo naliligo. Baka po mababad kayo ng husto " napalingon ako nang biglang magsalita si Yumi mula sa likod.

Hindi ko nanaman namalayan ang oras at tulala lang nanaman ako. I smiled at her as if everything's just fine when I saw how worried is she. Nababakas ko sakanya ang kaibigang si Kiara. I suddenly miss them. Kamusta na kaya sila? Do they know where I am? Are they worried? I hope not. I don't want them worried.

Nagbihis at nagsuklay lamang ako ng buhok bago nagpasyang ayain si Yumi bumaba sa hapag kainan at duon nga nadatnan ko ang lalaking puno't dulo ng lahat ng ito.

In a black dress shirt which sleeves are rolled up to elbows and the first two buttons aren't done is Kaius Gavril Vercetti looking darkly astonishing in his rude bored grey eyes.

Pinasadahan nya ng tingin ang buong katawan ko bago ito tumingin sa mga pagkaing nakalatag habang bumubulong ng mga salitang hindi ko marinig masyado.

Mukhang kanina pa talaga sya nandito at matagal syang naghintay pero kahit ganon ay halatang wala syang ginalaw mula sa mga nakahain sakanya.

Nasa kabisera sya ng lamesa kaya't umupo ako sa kabilang kabisera nito tulad ng huli naming ayos noong kaming dalawa lamang ang nasa hapag.

Inayos ng mga kasambahay ang mga pagkain sa tapat ko at hindi ko maiwasang panuorin ang bawat kilos nalamang nila dahil sobrang naiilang ako sa mga titig na ipinupukol sa akin ng halimaw kahit pa napakalayo na ng distansya naming dalawa.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon