XLV

1K 20 16
                                    

" So when is the wedding date? " tanong ni mama sa hapag habang nagtatanghalian kaming lahat.

Umuwi kami ni Kaius dito sa Subic upang opisyal daw syang mamanhinkan. I almost laugh with the thought dahil ang pagkakaalam ko ay dapat kasama ang mga magulang nya but he said no. This is not some business matter daw kaya dapat hindi na included ang Don at ang asawa nito.

" Ahmm hindi pa po namin napag-uusa-- "

" Maybe at the end of this month madame " Kaius butt in that made my eyes grew bigger.

What?! Ang alam ko ay pagpaplanuhan palang namin matapos maaprubahan ng magulang ko. Anong sinasabi nyang at the end of this month?

Nilingon ko sya at kaswal lamang syang ngumunguya ng pananghalian namin. Habang si papa naman ay tumikhim upang maagaw ang atensyon namin.

" Are you planning for a civil wedding? " he asked demandingly.

Ibinaba ni Kaius ang mga kubyertos at maayos na hinarap ang aking ama.

" No sir. I plan to prepare a grand wedding for my wife " he answered that made my mom confused.

" If you want it grand? Then maybe at the end of the month is too early for the wedding date. Kailangan ng mahaba haba at masinsinang preparasyon para dito " saad ni mama.

Nilingon ko si Kaius at tumango tango. Ang inaasahan ko ay sa susunod na taon pa dahil may mga nakalinya pa akong proyekto at gusto ko ring maging hands-on sa kasal ko.

" Wedding planners arr used to rush madame. Don't worry I'll make everything happen to what your daughter deserves " he said firmly and held my hand.

Wala nang nasabi si mama tungkol dito at nagpatuloy nalang sa pagkain. Maging ang ama ko ay wala nading naging argumento pa. I guess .. they really trust Kaius despite of his background.

Sobrang hectic ng sumunod na linggo. I agreed for us to be married at the end of this month since doon din naman mapupunta iyon? Why delay it right?

Hindi rin naman ako masyadong stress sa paghahanda sa kasal. Nagkataon lamang na sinasabayan ko ito ng ilang proyekto sa pagmomodelo. Actually, my wedding preparation became my stress reliever. Naeenjoy ko masyado lalo pa't hands on din sya kagaya ko at ang pinakamagagaling na wedding planners talaga ang hinire nya para sa kasal namin.

Today is my shoot for Vogue at sa labas ay naghihintay sa akin si Kaius upang ihatid ako sa venue kung saan pipili ako ng wedding gown. Sabi ko ay wag nya na akong samahan dahil may pamahiing bawal makita ng groom ang bride na nagsusukat ng wedding gown. He said he don't believe in those yet I said I can't risk it. Baka mamaya hindi pa talaga matuloy ang kasal.

" Thank you for the hard-work Ms. Quinzel or rather Mrs. Vercetti? " saad ng head ng ginagawa kong proyekto na panis ko lamang na nginitian.

He's just fishing for information dahil kahit kabi-kabila ang balita tungkol dito ay hindi pa namin ito talagang kinukumpirma. I don't even think there's a need for that because it's freaking obvious.

Ilang beses na kaming namataang magkasama ni Kaius sa mga shoots ko sa linggo na ito at mayroon pang artikulo na lumabas tungkol sa engagement ring ko.

It actually became the talk of the town since what I'm wearing is the Hope Diamond which costs $250 million in the market. Sa lahat ng iyon ay palagay ko'y hindi na namin kailangan pang maglabas ng official statement tungkol sa nalalapit naming kasal.

My team packed up at humiwalay na rin ako sakanila. Agad akong sinalubong ni Kaius sa labas at pinagbuksan ng pinto ng sasakyan nya. I've seen another paparazzi from afar but maybe because of Kaius men and authority, they can't go near us.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon