XVII

1.7K 45 9
                                    

Nagising ako sa sakit na naramdaman sa aking buong katawan. Pakiramdam ko ay sumali ako sa isang wrestling at nabugbog ng husto.

Idinilat ko ang mata ko at sinalubong iyon ng mataas na sikat ng araw mula sa biglaang pagbukas ng kurtina sa bintana.

" Magandang umaga Milady, kamusta po ang iyong pakiramdam? "

Napakunot ang noo ko nang makita si Yumi sa tabi ng bintana at inaayos ang pagkakaladlad ng kurtina nito.

What the heck just happened last night? Naalala ko ay tumakas ako kagabi hindi ba? Pero bakit ngayon ay nandito pa rin ako kwartong to? Am I just dreaming?

" Nagamot na po ang mga sugat at galos na natamo ninyo kagabi kaya't kailangan nyo nalang po ng magandang paligo upang mawala ang pananakit ng inyong katawan "

Unti unti ko ulit ipinikit ang aking mata nang makumpirma lang ni Yumi na tunay nga ang lahat ng alaala na mayroon ako kagabi.

Every bits of my memory last night actually did happened. The dinner, the mercenaries, the forest, the cave, the two bloody men, my runnings and that freaking creatures in the forest.

Lahat iyon ay totoo?

Ipinilig ko ang ulo ko dahil talagang hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyari kagabi. Napaupo sa kamang kinahihigaan nang maalala ang huling nangyari bago ako mawalan ng malay kagabi.

" Where's your boss? " tanong ko kay Yumi na maingat ang matang nag aabang sa akin.

" Umalis po siya kaninang madaling araw at may biglaang kailangang asikasuhin. Pero ipinagbilin nya po na babalik din sya agad bago dumilim "

Bumagsak ang panga ko sa sinabi ni Yumi sa akin. How can he do other monkey business gayong kinidnap nya ako dito?

" Ipinagbilin din po ng Capo na ipagbigay alam sakanya kung may kayo po ay may kailangan. Nais nyo po ba syang makausap?"

Agad akong umiling sa iminungkahi ni Yumi sa akin. Heck no! Ayaw kong makausap yung demonyong yun noh!

After what happened last night? After witnessing his cruelty and experiencing the most tragic night I ever had in the forest. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako at buhay pa ako hanggang ngayon o kaya buo pa ang katawan matapos ang tangka kong pagtakas kagabi.

I wonder why he didn't punished me. Buong akala ko ay katapusan ko na sa oras na mahuli nya ako.

" Nakahanda na po ang paligo ninyo Milady "

Hindi na ako umalma pa kay Yumi dahil kung tunay ngang mawawala ang pananakit ng katawan ko sa paligo ay talaga nga namang kakailanganin ko ito.

Bumaba ako sa kama at napansing iba naman na din ang bihis ko at malinis na ang katawan ko. Isang mahabang baby pink na regency dress pa din ang suot ko. I wonder kung para sa akin ba talaga tong mga damit na isinusuot ko?

Inalalayan ako ni Yumi sa pagtayo. Malamlam ang kanyang mga mata at gaya ko ay tila pagod na pagod din sya. Naguilty ako bigla dahil marahil ay napagalitan sya.

Gustuhin ko mang magtanong kay Yumi tungkol sa mga bagay bagay ay hindi ko na isinatinig pa. Natatakot sa posibleng isagot nya.

I want to know where am I? Why his boss abducted me? Who is she? Why is she always helping me? What's his boss' plan regarding me? Papatayin din ba ako o ano?

Ang dami kong tanong na kahapon ko pa nais masagot. Pero hindi ko alam kung bakit parang ayaw ko nang stressin ang sarili ko tungkol dito.

I'm so exhausted and drain. All I want is peace of mind. Nakukulta na ang isip ko sa lahat ng nangyayari. Gusto ko nalang matapos lahat ng ito pero hindi ko alam kung paano.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon