XXX

1K 36 2
                                    

Dumaong na ang yate na sinasakyan namin at nang tuluyan nga itong huminto ay tinulungan ako ni Felix sa pagbaba dito.

Nang makababa ay hindi ko parin maalis sa isip ang lahat nang ibinahagi sa akin ni Felix kanina. I can't help but to imagine the pain Kaius went through and I also can't help but to admire him because he's too brave and strong to survive that, kung ako iyon marahil nawala na ako sa katinuan. Tunay nga ang sinabi ni Felix kanina, he is cruel because his nature calls for it and his life shapes him to be.

Nang tuluyang makababa sa yate ay tinanaw ko ang Chateau ngunit imbes ang matayog na gusali ang matanaw ay ang pares nang madidilim at kulay abong mata ang sumalubong sa akin. His dark brooding eyes screams anger and it feels so lethal that I can't contain it, dumako ang mapanganib nyang mata sa kamay ko at halos maramdaman ko ang init non dahil sa nagbabagang paninitig nya. Huli na nang mapagtanto kong nakahawak nga pala ako kay Felix dahil inalalayan nya ako sa pagbaba.

Shit! Agad akong bumitaw kay Felix at naglakad patungo sa kinatatayuan ni Kaius. He is in a black pants and dressshirt which sleeves are folded till the elbow and its first two buttons are down. His hair is a bit damp and disheveled while his eyes are truculent. Scrutinizing my every moves, halos manginig ako sa paraan ng pagkakatitig nya sa akin.

" H-hindi ka na dapat nag abalang umuwi agad. S-sa barko lang naman ako at may hinanap l-lang " I trembled as I tried to dodge  an eye contact from him.

" You don't want me home " malalim at tunog nag aakusa iyon. Umiling agad ako dito. Shit! Ba't parang ang hirap mag explain?

" H-hindi naman sa ganon kaso --- "

" Head to your room and change your fvcking clothes. I'll tell the maids to deliver your foods " he said in a cold and very bland manner.

Napakagat ako sa labi ko lalo na nang walang kaemo'emosyong tinalikuran nya ako at nauna na pabalik sa Chateau. I can almost feel the freezing in my stomach due to the coldness he showed off. Pakiramdam ko ay may napakalaki akong kasalanan kahit na wala naman talaga. Is he that mad that I made his men broke his rule?

Napasapo ako sa noo dahil parang nawala lahat ng enerhiya ko lalo pa nang makapasok na ako sa loob ng Chateau at sinabi ng katulong na nasa opisina na sya at nagtatrabaho kaya't dadalhin na lamang ang hapunan sa aking kwarto. Akala ko ba ay sabay kaming maghahapunan?

Shit ka Brielle! Ang gaga mo kasi.

Nagshower ako at nagpalit sa isang mas komportableng oversized tshirt at maikling short na galing sa Lacoste. Maya maya lamang ay may kumatok na sa aking kwarto at pumasok nga si Yumi, ngunit nagtaka ako dahil ala singko palang at hindi pa dapat oras ng hapunan.

" Dumating ang bagong tagapagluto Milady  tinatanong kung ano ang gusto nyong ihain para sa inyong hapunan "

Nagtaka ako sa tanong na ito. Sa tagal ko nang nandito ay ngayon lamang sila nagtanong ng kung ano ang gusto ko at isa pa hindi naman ako nagreklamo dahil masarap ang laging inihahain.

Napakurap kurap ako nang bumalik sa isipan ko ang alalala kagabi sa ship deck habang kumakain kami. I remembered I requested for some 'normal' foods and he said that he'll hire someone with specialties to the food I mentioned. Don't tell me ito na yon?

" Ahh ... ano bang nirequest ni Kaius? " tanong ko upang masiguro nga kung totoong hindi sya sasabay sa akin.

" Wala pong ibinilin na kahit ano ang Capo ngunit marahil kahit ano na ibigin nyo at ihahatid nalang po ng isang kasambahay sa kanyang opisina habang sya ay nagtatrabaho" bumagsak ang balikat ko sa tinugon na ito ni Yumi.

So talagang hindi sya sasabay sa akin? But I want to talk to him. Pero sa anong bagay naman? Wala naman akong gustong pagusapan, pero kasi hindi ako sanay sa ipinakita nyang coldness sa akin kanina. I feel like he's angry to me o di kaya ay totoong galit talaga dahil kung hindi ay hindi naman ganoon ang iaasta nya sa akin diba?

CAPTUREDOnde histórias criam vida. Descubra agora