XLX

362 9 0
                                    

The town that I am in right now is just magnificent. People are minding each other's business and everything is peaceful. Base sa nalaman ko ay wala pa yata sa dalawang daan ang bilang ng populasyon dito.

Walang masyadong teknolohiya, simpleng pamunuhay at malayo sa gulo. Ngunit malayo rin sa taong mga mahal ko.

It's been a year since the day that I runaway from my wedding. The first months had been so hard. Halos gabi gabi ay binabangungot ako ng sitwasyon ko.

Ngunit sa tuwing nagbibigay sa akin ng update ang mga tauhan ni Ridge tungkol sa pamilya ko ay gumagaan ang pakiramdam ko.

They told me to write a letter and leave it on my bed before I leave my unit on the day of my wedding.

Ang sulat na iyon ay naglalaman ng kasinungalingang hindi ko talaga gusto ang magpakasal kay Kaius at upang tuluyan s'yang takasan ay magpapakalayo layo ako. Sinabi ko rin sa sulat na iyon na h'wag na mag-alala at h'wag na akong tangkaing hanapin pa. Alam kong papatulan iyon ng magulang ko dahil noong una pa lamang ay ipinakita ko na ang muhi ko para kay Kaius at sa ideyang s'ya ay pakakasalan ko.

Ngunit kay Kaius ... hindi ko sigurado. Pero baka oo, ilang beses ko na yata s'yang pilit na tinakasan. Nasisiguro kong huling hibla na ang napigtas ko noong araw dapat ng kasal.

He's a man of power and authority. The said wedding was even covered by media from all over the world. Tiyak na napahiya ko s'ya hindi lamang sa corporate world ngunit pati na rin sa mga kasapi ng La Cosa Nostra na s'yang pinaka-maiimpluwensyang tao sa mundo.

I know he'll never forgive me.

I put on my cardigan as I finished brushing my hair before leaving the apartment that I am renting. Pinatutuloy ako noon ni Ridge sa isa sa mga Villa n'ya ngunit isang buwan lamang ako roon ay nagpasya na akong sabihin sakan'yang mamumuhay nalamang ako ng sarili ko at mag-isa. Hindi ko kayang manuluyan sa ilalim ng pag-aari ng demonyong iyon.

Hinayaan n'ya ako basta raw ay h'wag akong magtatangkang icontact si Kaius o kung sino man sa Pilipinas dahil matetrace ako. Sumang-ayon ako dahil wala rin naman akong ibang pagpipilian. Hawak n'ya ang buhay ng pamilya ko, at isa pa .. paniguradong galit sa akin si Kaius.

Ngunit kahit pa pinayagan n'ya ako alam kong sa paligid ko ay may tauhan pa rin s'yang nagmamasid. Linggo linggo ay nagsesend s'ya sa phone na ibinigay nila sa akin noon ng footage at update ukol sa pamilya ko.

Tulad nang napagkasunduan. Para masigurado kong tumutupad sila sa usapan. Base sa ipinapasa sa aking reports at videos ay mukhang makalipas nga ang ilang buwan ay naka move on na rin sila at bumalik na sa dating sigla ng buhay. Kampante sa huling sulat ko.

At si Kaius? Napalunok ako sa pait na bumalot sa sistema ko nang maalala ang nagiisang lalaking minahal ko sa buong buhay ko.

Mas binilisan ko ang pagpepedal sa bisikletang pinatatakbo ko ngayon sa pag asang matalo ng pagod ang sakit na unti unti nanamang gumuguhit sa puso ko.

I have no updates or any kind of information about him. Hindi sila nagbibigay dahil ang usapan ay pamilya ko lang naman.

Besides, I don't want to hear anything from him as well. Sigurado akong galit na galit iyon sa akin at ayaw na akong makita.

I remember his face when I was running away from him. Cold and lethal. Wala kang mararamdamang emosyon. Kung hindi panganib.

Ano kaya ang magiging reaksyon ko sa susunod naming pagkikita? Will he kill me?

CAPTUREDWhere stories live. Discover now