IX

2.7K 64 4
                                    

I know that I should be thankful sa nangyari kay Ian dahil sa pambabastos na ginawa nya sa akin, but I am not heartless to wish someone to die, at lalo na sa ganoong paraan.

Matapos ang tatlong araw nang maganap ang krimen kay Ian ay hindi pa rin natutunton kung sino ang gumawa ng pagpatay. Masyadong magaling at malinis ang gumawa kaya ngayon ay hindi pa rin nakakamtan ang hustisyang hinihingi ng pamilya at mga kaibigan nya.

Unfortunately, I know who did it.

Ayaw kong magbintang dahil wala naman talaga akong sapat na ebidensya o ano, pero tanga nalang ako kung hindi ko pa alam at nararamdaman ang nagaganap sa paligid ko.

Bumaba ako sa basement ng building at dinrive ang sariling kotse. Hindi ko na ipinaalam kay Kean o kay Kiara ang balak ko dahil sigurado naman akong pipigilan nila akong bumalik sa pamilya ko. Bukas ay magsisimula na ulit ako sa trabaho kaya ayaw na muna nila ako masangkot sa kahit anong gulo.

But I don't care! This needs to be stop!

Masyado na syang nakakatakot. Kahit anong pilit na pagsasawalang bahala ko ay hindi ko mapigilang gapangan ng pangamba. Imagine that. He knew the tiny things I share with people. Alam nya ang pagpunta ko sa Cebu, ang pangako kong halik kay Alexander pati ang paghingi ng regalo kuno sa akin ni Ian ay alam nya. How could he know that?

Para bang may mga mata at tenga syang nakasunod sa bawat kilos ko, and I am not okay with that.

Bumaba ako sa kotse pagkapark ko nito sa tapat ng gate namin. Hindi na ako nag abalang ipasok at iparada ito sa garahe dahil sigurado naman akong hindi ako magtatagal.

" Ma'am Brielle dadating po pala kayo walang naibilin saamin si Madam " gulat na salubong ng mayordoma sa akin sa entrada palang ng bahay.

" Nasaan sila? " tanong ko agad dahil wala na akong panahong magpaliwanag pa sa pagdating ko.

" Nasa garden po si Madam, si Sir naman po ay nasa office nya samantalang si Zaidee ay nasa school pa po " tumango nalamang ako sa tinuran ng mayordoma at dumiretso na sa likod bahay kung nasaan ang hardin.

" Brielle " gulat ang ekspresyon ni mama ng mamataan ang pagpasok ko sa hardin.

Nagaayos sya ng palumpon ng iba't ibang klase ng bulaklak na siguro ay pinitas nya para ipangdisplay sa loob ng bahay.

" Oh my Brielle you're here. Mabuti naman at umuwi ka " biglaan ang pagyakap sa akin ni mama. Mahigpit ito na para bang kakawala agad ako.

What's with her? Bakit parang sya parin ang dati kong mama, samantalang ang huli naming paguusap ay napaka cold nya at ang huling pagkikita naman ay parang wala lang kahit nakita nya na sinampal na ako ni papa.

" I need to talk to you and dad "

Nawala ang sabik na mga ngiti ni mama sakanyang mukha nang siguro ay namataan ang hindi magiliw kong ekspresyon. Mukha namang nakuha nya ang saloobin ko sakanya tungkol sa huli naming mga pagkikita kaya hindi na sya nakipagtalo pa at iginiya nalamang ako papasok sa mansyon upang samahan sa opisina ni papa.

Right. I need to set things straight. I need to know who that freaking guy is and I need him to stop whatever he's doing now that regards me.

" What brought you here? "

Hindi ko pinansin ang malamig na pagsalubong sa akin ni papa bagkus ay nilipad ng mata ko ang kanang kamay nya na nakapatong sa lamesa nya.

It has a cast on it. Mukha ngang nasaktan sya ng husto ngunit hindi din naman mukhang malala. My blood raged again, I wonder who did it. May palagay ako na ang lalaking iyon nga ang may gawa pero ayaw ko din magpakasiguro. Why would he do that? He's my father, kung tunay ngang gusto nya ako pakasalan ay hindi nya sasaktan ang ama ko diba?

CAPTUREDWhere stories live. Discover now