V

3.8K 94 0
                                    

It's been two weeks since the incident in Crimson bar. Napag alaman ko na si Will Scott ay isang model sa agency na kasosyo si Kean kaya kilala nya nga ang modelo. Hindi nahanap ang may sala kaya hanggang ngayon ay nag iimbestiga pa rin ang pulisya.

I didn't go out either since that incident and just decided to spend my vacation in my condo unit. Hindi na rin naman ako kinulit ng mga magulang ko tungkol sa isyu, kaya nakakahinga na ako ng maluwag na siguro ay hahayaan nalang nila ako sa gusto kong gawin sa buhay. Hindi naman siguro iyon ganun kaseryoso dahil hindi naman na nila ako sinundan at pinilit na pakinggan sila.

Yesterday was my last day of vacation, kaya naman balik trabaho na ako ngayon. It's eight in the morning when Kean called to remind me of my schedule for today.

I just took a quick shower then dressed myself up with a simple white asymmetrical silk top  and a high waist crop flare jeans. I just paired it with my black sling back heels and then finished fixing myself in a neutral make up. I just let my hair to flow naturally since my first schedule will be just a meeting with this seasons fashion organizers.

Nang matapos pasadahan ang sarili sa salamin ay kinuha ko na ang purse ko at lumabas ng kwarto.

" Good morning Brielle. Inayos ko na ang lahat ng gagamitin mo for this week, para dadalhin nalang sa mismong mga araw " si Kiara na ngayon ay nasa sofa ko at may tinitignan sa tablet nya.

Hindi na ako nagulat nang nadatnan ko sya sa living room ng condo unit ko. She and Kean has an access to my unit. Malamang ay kanina pa sya dyaan at hindi lang ako inabala sa kwarto kanina.

" Should I order your breakfast or sa labas ka na kakain?" she asked me when I wonder around my kitchen.

" No thanks Kiara. Mayroon akong garden salad dito. Yun na muna ang breakfast ko. How bout you? " tanong ko pabalik sakanya.

" Kumain na ako bago umalis ng bahay " saad nya.

She's living in a house she built from her money while Kean lives in a subdivision. We'd been together for five years, since I started modelling when I was just seventeen kaya pamilya na ang turing namin sa isa't isa.

After my breakfast ay bumaba na kami sa basement to ride my car. Ako na din ang nagdrive ngayon at nasa passenger seat sya. I refuse to have a personal bodyguard in my non-working days since I'm a very private person despite of being a popular model. Hindi ako masyadong lumalabas kung hindi naman kailangan sa trabaho. Though I have body guards but only in events or shoots, since we'll just have a meeting today, there's no need for them.

Nang makarating sa building ng meeting place ay agad na kaming sinalubong ni Kean.

" Hey, how are you? " I asked as I gave him a hug.

Simula nga ng mangyari ang sa Crimson ay nagkulong na ako sa condo at nakibalita nalang sakanya through messages, this is my first time to see him after two weeks at ganun din kay Kiara na kakauwi lang galing sa probinsya nila.

" I'm fine now Brielle, hindi ko naman din gaanong close si Scott kaya hindi ako masyadong affected, nashock lang talaga ako that time " I smiled on what he said.

" How 'bout you? " tanong pabalik sa akin ni Kean.

" Well as I told you guys, hindi naman na nila ako kinukulit tungkol doon, so I think it's fine now " I answered. Alam nadin ni Kiara ito dahil naikwento ko sakanya ng minsang tumawag sa akin noong nakaraang linggo.

Umakyat na kami sa palapag kung saan gaganapin ang meeting at nakitang kumpleto na sila at kami nalang ang hinihintay.

" So what we'll gonna talk about is this season's summer look book " panimula ng isang Art Director na nakaassign siguro para sa project na to.

CAPTUREDWhere stories live. Discover now