XIII

1.6K 41 6
                                    

A sudden glitch of pain stabbed my forehead that woked me up from my deep slumber. Shit! Bakit ang sakit ng ulo ko? Para bang may part na sinisilaban.

Uminom ba ako kagabi para sumakit ng ganito ang ulo? Hinawakan ko ito at inalala ang mga nangyari kagabi kung talaga bang nakainom ako. Pero teka?!

Napabangon ako ng wala sa oras ng maalala ang nangyari kagabi. Shit! Hinabol ako kagabi diba? Tapos ano? Nabangga ako! Yun yung naaalala ko. Then what? What happen next?

" Gising na sya " napabalikwas ako nang may narinig akong bulong sa sulok kung saan.

Tumingin ako sa paligid at kinailangan ko pang ipikit at kusutin ito ng matagal dahil baka namamalikmata lang ako. Pero kahit anong kusot ko dito ay hindi nagbago ang paligid ko. Where the heck I am?

Nasa isang napakalaking kwarto ako, na sa sobrang laki ay halos kasing laki na ito ng buong condominium ko. Ang mga muwebles ay hindi rin pamilyar. Para bang sinauna? I'm into designs kaya nasisiguro kong Baroque Inspired ang architecture nito. The color palette of the room is just white and gold that made it seems like I'm in a greek themed baroque period. Everything is eccentric and old yet still astonishing and classy.

" Gising na po pala kayo Milady. Ano pong nararamdaman nyo? "  nanlaki ang mata ko sa kumausap sa akin.

" Sino ka?! " hindi ko man nais sigawan ito dahil malumanay nya naman akong kinakausap ay hindi ko na napigil.

I don't know her and I don't know where the heck I am!

" Ako po si Yumi. Isa po ako sa mga naatasang magbantay sainyo? " kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

Magbantay? For what? Pinasadahan ko sya nang tingin mula ulo hanggang paa at lalong naguluhan sa mga nangyayari sa paligid. She's wearing a long pale peasant dress that reached the ground, her hair is in a neat bun under a mob cap.

Who the heck on earth will wear something like that? I mean it looks ancient. Like how the ancient maids are dressed in movies.

" Huwag po kayong mag alala ipinatawag ko na kay Lina si Ginang Rosetta "

Lalong napakunot ang noo ko sa mga pinagsasabi nya. Anong Lina? Anong Ginang Rosetta? Hindi ko sya kilala, hindi ko sila kialala at hindi ko alam kung nasaan ako?!

Gusto ko nang mag freak out pero kailangan ko ng presence of mind sa mga oras na ito. I need to process things. I need to know who they are? Where I am? Who the heck brought me here and what happened last night?

Wait. Hindi ba nabangga ako kagabi? Hindi kaya nacoma ako at ang nangyayari sa paligid ko ay ang mga panaginip ko?

Because everything is freaking weird. Mula sa Baroque architectural design ng kwarto kung nasaan ako, sa babaeng kumakausap sa akin na nakasuot ng damit na hindi mo na makikitang suot ng karamihang babae ngayon at pati na rin ang paraan ng pagsasalita nya.

Everything is freaking weird and I don't see any good thing about it.

Nagulat ako ng magbukas ang napakalaking pintuan ng kwarto. It's a freaking double doors. Why it has to be double doors for a freaking room? Samantalang ang double doors sa amin ay main door na ng buong mansyon.

Iniluwa noon ang dalawang babae na may katulad na suot ng babaeng kausap ko. Ngunit ang isa ay matanda na at siguro ang edad ay nasa higit singkwenta na. Samantalang ang isa at ang kausap kong babae kanina na Yumi daw ang pangalan ay siguro matanda lang sa akin ng kaunti.

Pagpasok nilang dalawa ay tumayo sila ng maayos bago bahagyang yumuko.

" Magandang gabi Milady " sabay at parang praktisado silang dalawa nang banggitin iyon.

CAPTUREDWhere stories live. Discover now