Chapter 17

85.7K 1.8K 39
                                    

17.


Muntik nang literal na malaglag sa sahig ang panga ko. Jeez. Hindi niya kilala si Patrcia?


Automatic na napatingin ako kay Gavin, expecting na pag narinig niya ang pangalan na Patricia (na sa tingin ko nga ay ang mama niya), magrereact siya.


Pero wala.


Mas ako pa ang nagulat  sa sarili kong tanong at sa naging sagot ni George. Nakakunot ang noo niya na parang nahihiwagaan at nagtataka sa mga binabanggit kong pangalan.


Sabi ko kanina, mag-iisip na ko nang next na tanong pero wala, na blanko ang isip ko. Lalo akong nahiwagaan kay Patricia. Sino ba yun? Maliban sa alam kong naging girlfriend siya ni sir, hindi ko na alam ang ano pa mang detalye mula sa buhay niya. Pero malaki ang hinala kong meron siyang major na participation sa storyang ito.


“Max, who is Patricia?” tanong ulit ni George.


“Hindi.. hindi ko alam.”


“Max you know—“


“George!” nagulat siya nung bigla akong tumayo at lumipat sa tabi niya. Nakatingin lang siya at nag-aantay nang susunod kong sasabihin.


“George! Diba mag ex si Celine at Sir Niel? Sa tingin mo.. matutulungan mo ba kong magkabalikan sila?”


“What?”


“Anong what? Sabi ko, matutulungan mo ba ko na—“


“I heard you. Kaya lang, what do you mean na tutulungan silang magkabalikan? Bakit?”


Umupo ako nang maayos pero di ko pa din inaalis sa mukha ko ang excitement. “Kasi, natulungan ako ni sir Niel minsan, so naging deal ko sakanya tutulungan kong maging sila ulit ni Celine.”


“Kanina, it seems like you were surprised to know na naging sila. Now you’re asking me to help him as if you already know yung about sakanila. Which is which?” Uy. Medyo smart pala tong si George.


“Oo nga. Ganto kasi yan, aksidente kong narinig yung pag-uusap nila dati kaya nalaman kong parang may past sila. Pero hindi ko yun matanong nang diretso kay  Celine kasi malalaman niyang nakinig ako dati sa usapan nila. Tsaka nasabi ko na kay sir Niel na ilalakad ko siya kaya gusto ko talagang gawin yun.” No choice. NAsabi ko na ang ibang part nang sikretong tinatago ko. Pero di ko pa sasabihin sa kanya lahat.


“I see. But I think you don’t need to do it.” Ngumuya ulit siya nung cracker at nakatingin sa nakakunot kong noo.


“Bakit hindi?”


“Because Niel doesn’t need it. He can have her if he really wants.”


“Nako George. Nakita ko kung paano siya umiyak para makiusap kay Celine na maging sila ulit at kung paano siya nag lasing kinagabihan.”


“Wai—what? He cried? With tears?” sabay tawa. Bakit naman niya tinawanan si sir.


“Uy grabe ka. What’s so funny sa pag iyak?”


“Nothing. It was just so.. not him.” Ngumuso ako at pinilit niyang itigil ang tawa niya.


Tinignan ko ulit si Gav at nakitang malapit na siyang matapos sa pag kulay dun sa baka na kalahating green at kalahating orange.


Tumayo muna ako para iligpit yung ibang pinag kainan. Naubos na kasi yung sandwich kaya kinuha ko ang pinaglagyan non na plato tapos yung pitsel namin na naubos na din ang lamang juice. Dinala ko iyun sa kitchen at nagulat ako nung sumunod sakin si George.


“Max are you mad?”


“Uy hindi. Bakit naman?” sinalansan ko ang mga plato sa lababo para hugasan.


“Okay sige. I’ll help you with Niel and Celine. But, I’m not really sure na may maitutulong tayo sakanila. Anyway, for you, I’ll do it.”


“Talaga? Yehey! Thanks!” sabi ko sabay saboy  sa mukha niya nung tubig galing sa gripo.


Nagulat siya kaya natawa ako, natawa na din siya.


Napansin mo ba? Siguro hindi. Sinegway ko na sa pagpapatulong kay George yung plano ko na magkabalikan si Celine at sir Niel para lang mawala ko ang usapan about kay Patricia. Hindi ko alam kung gaano na katagal ang storya ni Patricia at hindi na naabutan pa ni George iyun sa buhay ni  sir Niel. Kung 5 years na silang magkakilala, ibig sabihin mas late pa dun ang kay Patricia.


Hindi ba nakkwento ni sir si Patricia kay George at sa iba pa nilang kaibigan? Kung si Patricia ang first girlfriend ni sir, diba dapat makkwento niya yun sa mga kaibigan niya kahit papano?


Since no choice ako kanina, naisip ko nalang na magpatulong kunyari. Okay na din siguro na may kasabwat ako para mas madali ang mga plano na naisip ko.


Sorry George.


--


Ate Jing : Kamusta naman ang trabaho mo?

Ako: Ayos naman.

Ate Jing : Ang ikli nang sagot mo! Magkwento ka naman kay ate. Namimiss na kaya kita.

Ako: Wala naman akong makwento kasi… sakto lang naman.

Ate Jing : Ano nga? Wala bang nang-aaway o nang-aano sayo dyan. Mga ganon.

Ako: Wala. Mababait lahat ng tao dito. (Bigla kong naisip si Sir Niel. Gusto ko ng masuka.)

Ate Jing : Max, ayaw mo pa bang umuwi? Nakita mo na ba post ko?

Ako: Alin? Yung picture na madaming hashtag?

Ate Jing : Naman eh. Yun pa napansin. Yung caption!

Ako: hahaha. Oo nakita ko! Pero.. ayos naman ako dito. Gusto ko na talaga kasing ituloy yung plano ko. Yung pag-aaral ko ng Law, gagawin ko yun ate.



Matagal bago sumagot si ate. Iisipin ko ngang binaba na niya kundi ko lang naririnig ang bawat buntong-hininga niya.



Ate Jing : Gusto ka na naming umuwi dito bunso.



Ako naman ang hindi agad nakasagot. Yung pagkasabi kasi ni ate, kumurot agad sa puso ko. May bumukol agad sa lalamunan ko at nag moist ang mata ko.


Si ate pinapaiyak ako!


Nilayo ko ang cellphone ko sa tenga at nag paypay nang mukha nung tumulo na yung luha ko talaga. Namimiss ko na siya, namimiss ko na sila. Ang hirap din talaga na malayo sa pamilya. Imagine, buong buhay ko kasama ko sila araw-araw. Pinaka-matagal kong wala sa bahay at di sila kasama ay yung mga jamboree nang Scouting na sinamahan ko nung highschool pero 1 week lang yun! Ngayon, halos mag dadalawang buwan na ko dito sa Maynila at sobrang tagal ko na silang di nakikita. Nakakaiyak.



Ako : Sige na ate. Tapos na kasi yung ano.. tapos na yung break ko. Babalik na ko sa floor. Bawal kasing ano.. lumagpas sa oras ng break dito.



Pinipilit ko na hindi niya marinig sa boses ko ang pag iyak ko. Nakakainis. Napaka iyakin ko talaga.



Ate Jing : Sige. Magtext ka pa din palagi ah. I love you Max.
Ako : Sige na. Babye. I love you ate. Pasabi nalang sakanila.



Nagpupunas pa ko nang luha nung kumatok si ate Marina sa nakabukas ko namang kwarto.


“Max, ayos ka lang?” alam kong bakas pa sa mukha ko yung pag-iyak ko kaya hindi naconvince si ate Marina nung tumango ako.


Lumapit siya sakin at niyakap ako.


“Ate mo ulit?” tumango ako.


“Namimiss mo na sila no? Alam ko yung pakiramdam mo, nararanasan ko din naman yan. Nakakamiss talaga ang pamilya. Buti nga wala ka pang anak kasi mas masakit kapag anak mo na ang namiss mo. Pero naiintindihan kita.” Hinayaan kong icomfort ako ni ate Marina. Madalas naman niya kasi akong nakikita na umiiyak lalo na pag nagkakausap kami nila ate Jing.


“Si Gav po?” tanong ko nung mahimasmasan ako.


“Tulog pa din naman. Tara, kain tayo sa baba. Meron akong hinandang kape at chichirya.”


10:43PM na sa orasan sa sala nung bumaba kami. Tulog na tulog na si Gavin. Tumawag si ate nung after kong mag shower para sana matulog na. Pero since kakaiyak ko lang at nagyaya naman si ate Marina nang foodtrip, dito na muna ako.


May nakabukas na Lays, Pringles, Boy Bawang at Chicharon ni Mang Juan na kulay brown sa center table at kape. Isang malaking mug nanaman ito at pampatulog nanaman ni ate Marina.


“Timplahan kita?” kahit pa alam kong mulat nanaman ako magdamag pag uminom ako, nagpatimpla na din ako. Baka mawala ang kalungkutan ko pag uminom ako ng kape.


Hindi na kami masyadong nagusap ni ate Marina, kumain lang kami habang nanonood nang lumang pinoy movie sa Cinema one. Di ko nauunawaan ang kwento kasi tulala ako sa kape ko na onti-onti kong hinihigop. Napapatingin nalang ako sa TV pag biglang tumatawa si ate Marina.


Nung matapos ang movie, naubos namin ang Mang Juan at Lays, naubos na din ang kape ni ate Marina.


“Tulog na ko Max. Ikaw?”


“Di muna. Di din naman ako inaantok.”


“Ililigpit ko na to?”


“Ako na. Sige tulog ka na.”


“Wag mo na isipin pamilya mo, lalo ka lang malulungkot.” Huling habilin niya bago natulog.


Nakabukas pa din ang TV, di ko na lalo alam kung anong nagpplay doon, basta tulala ako. Di ko alam kung bakit naging masyadong senti ang pakiramdam ko ngayon. Dati naman na kong naiiyak pag after naming mag-usap ni ate Jing pero saglit lang. Biglang namiss ko kasi sila mama, papa at yung dalawa kong ate. Namiss ko din bigla yung mga pinsan at pamangkin kong makukulit.


Namiss ko yung ginagawa namin pag ganitong Friday night at walang pasok kinabukasan.. Videoke. O kaya Scrabble, o kaya  Word Factory, o kaya Pinoy Henyo.


Madami kaming kalokohan sa bahay kasi madami kami. Lumabas ka lang nang pinto puro kamag-anak na namin ang bubungad sayo. Andon yung makukulit na bata, mga nagsisigawang tita dahil sa pag chichismisan, nagtatawanang tito habang may inaayos na motor, lahat, nakakamiss.


Nangyayari siguro to sa isang taong malayo sa pamilya niya, may isang gabi siguro talaga na maaalala mo nalang sila bigla. Mamimiss mo nalang bigla yung buhay mo na iniwan mo para sa mas magandang buhay.


Nauunawaan ko na yung feelings nang mga OFW , ang hirap pala talagang malayo sa pamilya?


“Why are you still up?” hindi ko na magawang magreact masyado sa boss ko na dumating. Naka-yakap pa din ako sa tuhod ko at bumubuntong hininga every 3.56 minutes.


Nakita kong umupo siya sa kabilang sofa. Siguro mag tatanggal lang to nang sapatos at aalis na. Di ko na siya kakausapin kasi tatarayan din naman niya ko.


Pumikit nalang ako ulit at inalala ulit yung Davao at yung—


“Is there any problem here?” dinilat ko ang mata ko at tinignan ulit siya. Nakasandal na siya dun sa sofa, nakahubad na ang coat at maluwag na ang necktie. Di nalang ako sumagot ulit.


“Bakit ka nag dadrama dyan?” I chuckled. Nagsasalita pala siya nang mga ganong words?


“Di po ko nagdadrama sir, may iniisip lang.”


“Like what? Care to share?” napaayos ako nang upo. Really? Si sir ba tong nasa harapann ko?


“Seryoso? Si sir Niel ka ba talaga o aparisyon ka lang niya?” bigla siyang tumawa, hindi tawang-tawa pero tumawa pa din siya. Alam mo yung tawa na parang ubo na mahina? Ganon.


“Maybe, I am  just his apparition. So… what’s in your head?” nag stretch siya nang paa, pinatong sa ibabaw nang table at humalukipkip. Nilayo ko agad ang mga pagkain kasi baka maduro naman yung Boy bawang.


Di pa din ako makapaniwala na nasa harap ko si sir Niel ngayon, nakataas ang paa sa center table, at tinatanong kung anong problema ko. Amazing right?


“Namiss ko lang po bigla pamilya ko. Nakakamiss yung bahay namin. Yung kama ko. Yung mga pamangkin ko. Yung kapit bahay namin. Yung street namin. Yung buong Davao namimiss ko kahit na hindi ko pa yun naiikot.” Ngumisi siya. Gwapo si sir lalo pag nakangiti.


“Why don’t you go home and visit? Payag naman ako mag leave ka for a while.”


“Di naman po kasi ganon kadali.”


“Bakit naman?” napatingin ulit ako sakanya. Hawak na niya yung Pringles at kumakain dito. Nakakapanibago ah.


“Eh si papa nga po diba. Basta. Komplikado.”


“Yeah yeah. Ano nga bang nangyari sa inyo nang papa mo? I mean, you haven’t told me the whole story about that. As far as I know, magagalit sila pag nalaman na hindi ka call center agent. But other than that, I don’t know anything about you.”


Humigop ako ulit nung kape. Hindi ko kasi maexplain yung feeling ko. Naghalo kasi yung pagkalungkot, at yung pagtataka sa pangyayari ngayon.


“Nag away kasi kami ni papa bago ako lumipad pa Maynila. Nagalit siya sakin nung ibinagsak ko yung Licensure Exam nang pagiging teacher.”


“What? You did that?” napailing siya nang nakangiti habang sumusubo nang Pringles. “I never thought na babagsak ka sa Licensure Exam.”


“Uy sir, binagsak yun. Correction lang. Sinadya ko kasi ayaw ko pong mag teacher. Gusto ko maging lawyer pero ayaw ni papa, pinush pa rin niya yung Educ sakin nung college, binagsak ko nalang yung exam para sana makatakas ako. Di ko alam na magagalit pala siya nang ganon.” Yinakap ko nalang ulit yung tuhod ko.


“So you mean, you accepted the job I offered without their knowledge? Now you are pretending to be an agent para lalong di magalit? Ganon ba?”


“Una sir, nasa right age na ko para magdecide nang trabaho na gusto ko. Pangalawa, no choice na ko sa pagprepretend since di ko masabi sa tita ko kung ano talaga work ko. Tulad nang sabi ko nga nung interview niyo sakin, babarilin talaga ako nang papa ko kasama kayo pag nalaman niya trabaho ko ngayon.”


“Tutor ka naman ni Gav, you’re still teaching, what’s wrong with that? Isa pa, you can tell them that you have changed your mind about being a teacher kasi technically teacher ka din naman ngayon. Isang bata nga lang.”


Napaisip ako sa sinabi ni sir. Oo nga no? Teacher nga din ako ngayon. Oo isang bata lang pero yung ginagawa namin ni Gavin, ganon pa din. Nag tuturo pa din ako sakanya na parang teacher. Gumagawa pa nga ko nang lesson plan at materials. Pero.. di lang din naman ako tutor ni Gavin? Para na din niya kong tita. Kasi inaalagaan ko siya at binabantayan. Sumobra pa pala ang trabaho ko sa isang normal na teacher.


Pero masasabi ko pa din ba kay papa?


Pwede ko bang sabihin sa kanya na nagbago ang isip ko at gusto ko na talagang mag teacher kaya personal tutor ang kinuha kong trabaho? Eh paano yung plano kong pagaaral nang law?


Sigurado ako pag sinabi ko sa pamilya ko ang tunay kong trabaho at ang dahilan ko ay gusto ko na ‘pala’ ulit magturo, hindi na ko makakapag take ng law. Kasi hindi magiging kapani-paniwala ang dahilan ko.


“Kaya lang sir.. mahirap pa din eh. Pag sinabi kong kaya ko kinuha tong trabaho na to kasi gusto ko nang maging teacher talaga, magcoconflict siya sa kagustuhan kong mag aral nang law.”


“Bakit mo kasi iniisip na mag dahilan sakanila pertaining to the job you have right now? Why don’t you just  tell them the truth? Tell them the true reason on why you accepted my offer. Then tell them that you are still pursuing your dream in becoming a lawyer. Telling the truth is easier than building lies over lies. They may get hurt, yes, but whenever you decide to tell them, either now or later, they will still be hurt.”


“Wow. Ang galing mo naman mag advice sir! Dati ka bang nagtrabaho sa Radio Station bilang DJ?”


Tumawa ulit siya, maikli pero mas malakas nang onti ngayon at tumayo. Kinuha na niya yung coat niya at nagsimulang maglakad papunta sa hagdan.


“Oh sir, matutulog na kayo?”


“Yup. Matutulog na ang aparisyon.”


Nakangiti akong nakatingin sa taas hanggang sa marinig ko ang pag sara niya nang pintuan. Wow. Ibang klase ang gabing ito. Itatatak ko to sa calendar nang isip ko. Nakausap ko nang matino si sir. Hindi siya galit at ngumingiti pa, may bonus pang tawa.


Dalawa ang narealize ko tonight, 1. Tao din pala si sir at marunong tumawa at ngumiti, 2. Ang gwapo niya talaga, lalo na sa mga ganitong pag kakataon.


Kilig factor? Medyo.

CEO's SON (COMPLETED)Where stories live. Discover now