Chapter 6

107K 2.3K 37
                                    

6.

Tahimik ako habang kumakain kami sa hapag kainan nila tita Minda. Kanina pa nagkkwentuhan ang dalawa at hindi na ko nakasunod kasi ang daming tumatakbo sa isip ko.

Una, yung offer sa akin ni Mr. Marquez. Kanina nung yumakap sakin si Gavin at makita ko ang nakakaawang itsura nang papa niya sa likod ko, mabilis akong nagdesisyon na tanggapin na ang offer. Hindi dahil sa pera at kung ano-ano pang packages na kasama non, kundi para sa bata.

Hindi ko alam bakit naging ganon kalapit sakin ang bata, siguro dahil isa din akong anak at minsan din naging bata kung kaya’t alam ko ang pakiramdam nang isang batang naghahangad ng pagmamahal. Binugbog kami nang pagmamahal ni mama at papa simula bata kaya naging masaya ang childhood ko. Hindi man namin nabibili yung mga gusto naming damit at laruan, napupuno naman kami ng kaligayahan dahil sa mga ginagawa ng magulang namin. Lagi kaming may family bonding at lahat yata ng pwedeng icelebrate ay sinicelebrate namin kahit simpleng perfect na quiz lang.

Kaya naaawa ako sa mga batang hindi yun nararamdaman. Sabi ng prof namin, ang mga taong may attitude problem ay madalas merong mga hindi magagandang karanasan nung bata pa sila. Ayokong mangyari yun kay Gavin, lalo na kung alam kong meron naman akong magagawa para hindi siya maging ganon. So, tinanggap ko na nga talaga ang offer.

Pangalawa, sila mama at papa. Anong sasabihin ko sa kanila na hindi sila magagalit sakin lalo na si papa. Sa tingin ko si ate Jing ang makakaunawa sakin kasi pre-school teacher din siya at alam niya yung needs ng mga ganong bata. Siya nga ang nag encourage sakin noon na pre-school nalang ang kunin kasi alam niyang mahilig ako sa bata. Pero sila mama at papa? Plus ang panggagatong ni ate jessa? Plus ang mga kamag-anakan kong teachers sa Davao?

Alam kong bagsak ang result nang Licensure Exam ko pero ako lang saming magkakapatid ang grumaduate na Cum Laude, kaya lalong magiging mahirap tanggapin para kay papa ang mga naging desisyon ko this past few months.. lalo na yung naging desisyon ko kanina.

Pangatlo, paano ko sasabihin kela tita Minda ang trabahong natanggap ko? Alam ni Ms. Becky ang offer sakin nang boss niya kaya nakiusap ako na wag muna sabihin kay tita at hayaan na ako na ang magpaliwanag. Ngumiti at tumango lang naman siya sakin at sinabing  “No problem.”

Di ko sure  kung matatanggap ni tita na maging yaya ako. Mapride ang pamilya ko, lalo na sa side nila mama, kasi sila ay galing sa may sinabing pamilya, alam kong  di ookay kay tita tong pinasok ko. Isa pa, kailangan kong umalis sa bahay nila dahil sa usapan namin ni Mr. Marquez na dun ako magstay mismo sa bahay nila. Stay-in yaya ang peg.

Kanina kasi, ayaw ako pakawalan ni Gavin kaya sinama nila ako hanggang sa Condo Unit ni sir na andon lang naman din pala sa Eastwood. Napakalapit lang nito mula sa office pero nagkotse pa kami. -___-
Nakatira sila sa Penthouse nang pinakamahal na Condominium sa Eastwood. Well, ano pa bang aasahan ko eh CEO tong kausap ko. Ang kinagulat ko lang, sa Condo sila nakatira, hindi sa bahay talaga. Bakit kaya?

Anlaki nang unit, anlaki nang dining area, anlaki ng kichen, anlaki nang living room, may veranda at pang mayaman ang lahat ng gamit! Ganon pa man, hindi ako magpapadala sa mga ito. LOL

So yun na nga, nung andon kami sa bahay nila tinuro niya ang magiging kwarto ko which is nasa tabi nang kwarto ni Gavin. Yung current yaya naman ni Gavin ay nasa Maid’s room sa may baba (2 floors kasi ang unit nila). Sabi ni Mr. Marquez hindi naman daw niya papaalisin si yaya (nakahinga ako ng malalim) para may makatulong pa din ako sa pag-aalaga kay Gavin. Wala naman daw akong ibang gagawin sa bahay kundi tutukan si Gavin dahil may iba daw na gagawa ng mga gawaing bahay.

Hindi ko naman dala ang mga gamit ko kaya nung nag-iiyak si Gavin nung aalis na ko, kinausap ko siya. “Big boy, okay ba na bumalik nalang ako bukas? Hindi ko kasi dala yung mga damit ko naiwan ko pa sa bahay. Pero promise babalik ako bukas.” Sabi ko nung nakaupo ako sa sofa nila at nakakandong siya sakin, bakas pa din ang mugto nang pagiyak.

CEO's SON (COMPLETED)Where stories live. Discover now