Chapter 15

91.3K 1.9K 296
                                    

15.

Hindi ako nag pahalata na gustong-gustong-gusto ko na malaman ang true story behind nang love story nila. Sarap kayang kiligin sa kwentong pag-ibig nang ibang tao. 

Bumuntong hininga siya habang nakatingin lang ako sa mukha niya, pinapakita na wala akong kaalam-alam sa pinagsasabi niya at interesado ako at the same time.

"I know you are thinking, why did I hid my feelings? I hid it simply because I always know na kaming dalawa lang naman ang magkasama sa buhay. Remember diba binubully siya before? So, you know, pretty girls before do not want to be with someone who's being bullied. Ako lang talaga ang nag stay sa kanya."

Humigop ako nang Hot Choco nung nag pause siya, parang iniisip niya kung anong dapat isunod sa kwento niya.

"Then.. Patricia came in to our life, into his life."

Whoa there! Dagdag character nanaman to ah. The who si Patricia? Anong kinalaman niya sa buhay nilang dalawa. LOL

"Sino naman si Patricia?" tanong ko nung medyo natagalan siyang dugtungan yung last statement niya. Hello. Baka mabitin pa ko sa kwento niya eh moment of truth na nga itu.

"Patricia's family moved in to a newly built mansion beside Nathan's, so katapat namin sila nang bahay technically. She's a shy type girl kaya wala siyang naging friends agad sa school. I regret the day I invited her to join us in our table sa cafeteria one time, kasi yun ang naging start nang lahat."

Napalunok ako. 

"We became friends, kaming tatlo. Tapos Patricia's cousins also moved in our village.. kaya nga nagkaron kami nang group of friends, because of Patricia's cousins."

Okay. Tapos?

"I enjoyed being wih many people, with many friends. You should understand me kasi antagal na kaming dalawa lang ni Nathan ang magkasama. But, sa sobrang saya ko with the group, I didn't notice that there were something going on between my bestfriend and Patricia."

Hinihimay-himay ko nalang ang tinapay ko. Nagsisi ako bigla bakit dalawa lang ang binili ko at bakit ang lalaki nang kagat ko dun sa una. Wala na tuloy akong kinakain habang napapasarap si Celine sa pagkkwento.

"Until one day, they announced that they are officially on. I was like.. 'For real? Naunahan ako?!'  I thought walang magbabago since kaming tatlo naman yung laging magkakasama before, but of course! Sinong couple ang gusto nang thirdwheel sa mga dates. Like I want to see them kissing and hugging all the time, diba!"

Anlamig na nang Hot Choco ko, kaya di ko na siya tatawaging hot sa mga susunod na paragraph, ininom ko ang Warm Choco ko at agad nagsisi kasi nabuo-buo na pala yung ibang particles nung inumin ko kaya naubo ako. 

Napatayo si Celine sa upuan niya para daluhan ako sa epic kong pag ubo na may kasamang panaka-nakang pag luha. Jusko! Ang sakit sa lalamunan. Parang masusuka ko pa lahat nang kinain kong tinapay! No no no!!! Ang mamahal niyong mga tinapay kayo! Di kayo pwedeng lumabas sa bunganga ko agad!

CEO's SON (COMPLETED)Where stories live. Discover now