Chapter 18

90K 1.7K 45
                                    

18.


“Basta bilisan mo na! Isama mo na si Gavin para maexperience naman niyang lumabas ng Eastwood! See you there!”


Di na ko nakapag salita pa sa huling hirit ni Dette bago niya i-off ang call ko.


Nagyayaya siya na magpunta daw sa Cubao, wherever that is. Tinuro niya kung paano ako makakapunta mula sa Eastwood. Madami din daw malls dun na pwede naming galaan.


Nakakakaba, 1. Hindi ko alam yun, 2. First time kong lalabas nang Eastwood kasama si Gavin, 3. Hindi ko alam yun.


Since highschool, hindi ako takot na magpunta sa mga lugar kahit first time ko lang, mas exciting kasi para sakin yung ganon. Yung nagtatanong ka lang kung anong sasakyan mo at kung anong landmarks tapos makakapunta ka na dun. Mahilig ako sa ganon, masaya yun lalo na kung kasama ang friends at pare-parehas kayong shunga sa lugar. Ansaya!


Pero iba kasi to, kasama ko si Gavin at di ko alam kung dapat ba kong mag-paaalam kay sir Niel or hindi na. Hindi naman siya araw-araw umuuwi dito tsaka hindi naman niya ugaling icheck ang mga ginagawa at pinupuntahan namin ni Gavin. Siguro ayos lang.


Sabi din naman ni Dette malapit lang yun. Isang sakay lang ng jeep.


“Alam ko din naman yun Max. Wag ka kabahan.” Pagyayabang ni ate Marina. Pero nung andon na kami, di na niya alam san bababa.


“Dito na nga lang!” sabi ko nung di na talaga sure kung san ba dapat bababa.


Sa pagkakasabi ni Dette, palatandaan ko daw ang Alimall, pwede daw dun. Kaya lang di ko kasi napansin ang Alimall dahil nung time na medyo malapit na kami sa Cubao nakatulog si Gavin.


Natututwa ako kay Gavin, sobrang excited siya. Sinabi ko kasi na pupunta kaming Cubao (kahit di ko alam kung ano yung Cubao, kainan ba yun o mall?) at sasakay lang kami nang jeep.


“What is jeep tita?”


“Isang uri nang sasakyan. Walang aircon at sinasaksayan nang mga nagtitipid tulad namin.” Singit ni ate Marina. Inunahan pa ko sa pag sagot.


“Huh?”


Natawa pa siya sa reaksyon ni Gavin, umiling nalang ako at nag explain.


“Tama naman si yaya Gav, it’s a kind of vehicle. Wala siyang aircon pero mas masarap sumakay dun compare sa sasakyan niyo.”


Dahil hindi kami nagpaalam, hindi din kami susunduin o ihahatid ni kuya Jaime. Tatakas lang kami ngayon. Siguro naman iisipin lang ni sir na lumabas kami somewhere in Eastwood pa din.


Luminga-linga ako at hinanap ang Alimall. Asan ba yun?


Nakatayo kami sa harap ng Cubao Expo na katabi nang parang ginagawang condominium. Hala. San na ba kami?


“Kuya, asan yung Alimall?” tanong ko dun sa nagtitinda sa may harap ng expo.


“Ay dun mam. Lumagpas kayo nang baba. Lakarin niyo lang pabalik. Dun sa may kanto lang. Tawid na kayo as kabila.”


“Salamat po.”


Tumawid na nga kami sa kabila, bitbit ko si Gavin na antok antok pa, at si ate Marina na nakasunod sakin dala-dala ang isang bag na laman nang mga damit na pamalit ni Gavin.


Naglakad kami pabalik at isang tumbling lang nakita ko din ang Alimall. Pagpasok sa loob nang mall tinawagan ko na agad si Dette.



Ako : Asan ka na? Andito na kami sa Alimall.
Dette : Andito na din. San kayo mismo? Puntahan ko kayo.
Ako : Sa… harap nang National Bookstore.
Dette : Sige punta na kami dyan.



Kami? Napagtanto kong dalawa sila ng bf niya ang ibig sabihin nang ‘kami’ ilang segundo bago niya ko kulbitin sa likod at yakapin nung humarap ako.


“Hi girl!”


Nginitian naman ako ni Romualdo (pffft!) kaya ngumiti nalang din ako sakanya, kunyari di ako natatawa sa pangalan niya.


“Kasama mo pala boyfriend mo! Di mo sinabi.” Bulong ko sakanya nung nakayap siya sakin.


“Syempre! 1 week siya nag leave kaya dun siya sa apartment ko tumutuloy. Alangan naming iwan ko siya.” Bulong naman niya pabalik.


“Hi Gavin!” tapos nikiss ni Dette si Gav sa pisngi. Nagsmile naman ang bata sakanya. Natandaan siya infairness. “So ano.. san tayo?” tanong niya. Pinagkunutan ko siya nang noo.


“Hindi nga naming alam dito e! Lumagpas pa kaming Alimall kanina. Ikaw ang mag ikot samin dito.” Sagot ko.


“Ay oo nga pala.” Sabaw tawa niya at angkla sa boyfriend niyang gwapo pero pang lolo pangalan.


Naglakad kami sa Alimall, tingin-tingin nang kung ano-ano. Hinayaan ko si Gavin na maenjoy yung mall. Tumatakbo kasi siya minsan at nauuna samin pero bumabalik din. First time din niya dito kaya minsan parehas kaming napapatingin pag may mga bagay na amazing sa mata naming.


Tumawid kami at nagpunta sa SM. Kakaiba ang SM na ito kumpara sa ibang SM na napuntahan ko. Parang buong mall ay Department Store lang! Wala siya yung mga stores na hiwa-hiwalay tulad sa ibang SM. Ang galing.


Nagpunta din kami sa Gateway, dun na din kami nag hanap nang makakainan. Dala ko ang Credit Card ni sir Niel kaya di ako takot na kumain kahit sa mahal. (yabang)


“Masarap dito.” Tinuro niya ang isang resto at hinila na kami papasok. Burgoo. Naisip ko agad kung puro burger lang kaya ang tinda dito.


Binigyan kami ng Menu at nagsuggest yung waiter nang mga best seller nila. Tumango lang kami kasi may nakikita akong mas mukhang masasarap compare sa sinabi niya.


Natuwa ako nung makitang may crayons sa ibabaw nang table at may papel na brown na nakalatag sa buong table.
“Ay.. may crayons talaga?” kinuha ni Gav yung crayons nung inangat ko ito at tinanong sa waiter.


“Yes mam. PWede kayo mag doodle dyan habang nag aantay po nang order.”


“Oh Gav.You can draw here daw oh.” Lumaki naman ang ngiti niya at nag umpisang ilatag ang iilang crayons tapos nag umpisang babuyin.. este.. gawing master art yung part ng papel sa tapat niya.


“So ano pong order niyo mam?” tanong nung smiling face na waiter.


“Kayo Max?” tinignan ako ni Dette. Naghahanap pa din ako ng pwede naming kainin.


“Sige una na kayo magsabi.” Sagot ko naman habang di inaalis ang paningin sa menu. Grabe. PArang ang sarap ng lahat!


“Chicken Tender regular for our appetizers, Baby Back Ribs regular..” “Seafood Linguini din.” Singit ni Romualdo. “Yes yun din na Large.. tapos Filet Mignon.” Sabay ngiti siya sa waiter. “Kayo Max?”


“Ano sayo ate Marina?”


“Hindi ko naman to mga alam Max. Ikaw na pumili.”


“Mam, yung servings naman namin for 2-3 person kaya pwede naman na pang sharing ang kunin niyo.” Sabi nung waiter.


“Ganon.. Sige. Ahmm.. Seafood Jambalaya yung regular.. Shrimps and Ribs Platter regular din tsaka.. Carbonara nalang.”


“Wag na Carbonara Max! MAdalas nang kinakain yun e. Tikim ka nang iba.” singit ni Dette tapos tumingin ulit siya sa menu. “Miss, Chicken Teriyaki nalang na Large instead of Carbonara. Padagdag na din nang Supreme Pizza yung Large na din.”


“Okay maam. Repeat order ko lang po. Chicken Tender Fingers regular, Oklahoma Baby Back Ribs, Seafood Linguini Large, Filet Mignon, Seafood Jambalaya regular,  Shrimps and Ribs Platter regular then Chicken Teriyaki large. Is that all mam?”


“Yes.” Sagot ni Dette.


“You can call me mam, I’m Diane, if ever you need anything po.” Tapos tumalikod na siya.


Bigla akong napaisip sa mga inorder, di ba parang madami yun? Tsaka kakainin ba ni Gavin yung mga pinag oorder ko? Parang puro masarap para sakin lang ang kinuha ko ah.


Tinignan ko siya at enjoy pa din siya sa pag cocolor niya.  Atlis improving na kasi yung bundok niya kulay green na.


“So girl, ano namang balita sayo?” mula sa drawing ni Gavin ay inangat ko ang mata ko para tignan si Dette na sweet-sweetan pa din sa bf niya kahit nakaupo na kami.


“Ayos naman.” Sagot ko sabay tingin ulit sa drawing ni Gavin, naglalagay na siya nang isda sa dagat niyang kulay brown. Madumi na ang paligid sa imagination ni Gavin. Haha.


“Nako Dette, may love life na si Max.” excited na sinabi ni ate Marina kaya agad akong napatingin sa kanya.


“Oy grabe. Wag ganon ate.”


“Talaga? Sinong lovelife niya? Si Mr. CEO ba?” tanong ni Dette na excited.


“Hoy. Magtigil ah. ASA naman ako kay Mr. CEO mo! Di ko pangarap girl.” Sagot ko.


“Eh sino?”


“Si George! Yung kaibigan ni  sir Niel! Ang gwapo!” bida ni ate Marina. Nyee. Yun ba sinasabi niyang lovelife?


“OMG!! Sino yun? Pano mo nakilala? Kwento naman girl!!” sinimangutan ko lang silang dalawa ni ate Marina kaya nagtawanan.


“Hindi ko lovelife yun! Nakilala ko lang siya nung nag Vikings kami nila tita sa Megamall tapos andon pala si sir kasama mga kaibigan niya. Ayun. Tapos nung nakaraan nagkita kami sa Bonchon sa Eastwood kaya nakakwentuhan namin. Ito si Ate Marina issue nanaman eh.”


“WOW!! Destiny yun!! Nakakakilig!!” di ko na nga pinansin ang masyadong OA na pagkakilig nito sa walang kabuhay-buhay kong pagkkwento, siguro talagang nagiging OA ang babae pag kasama ang boyfriend.


“Di sinabi ni Max na hinatid kami non at nagpunta sa unit nung sumunod na araw!” dugtong ni ate Marina.


Nung sinabi ni ate Marina yun, bigla kong naalala yung pangyayari nung gabing yun. Nakipag kwentuhan sakin si sir Niel at napakabait pa niya. Nagadvice pa siya sakin  tungkol sa buhay-buhay. Unexpected and unbelievable.


Para sa isang empleyado na palaging nakikita ang masungit niyang aura, isang malaking pagbabago ang nakita ko nung makipag usap siya sakin nung gabing yun. Imagine, bigla-bigla nalang siyang eepal sa pagmumuni ko para lang makipag kwentuhan? Di ko ineexpect na magiging ganon si sir kahit isang gabi lang sa buhay niya.


Sana tuloy- tuloy na okay kami kahit na ilang araw na ang lumipas since nung gabi na yun at di na kami nagkita ulit.


“Dapat ate Marina mapush na tong si Max para magkalovelife!” bumalik ako mula sa daydream ko nung magsalita ulit si Dette.


“Bernadette, wala akong planong maglovelife soon. Masaya ako sa ganito, pagala-gala kasama si Gav, pakain-kain kung saan. Walang iniisip. Walang problema.”


“Max, di naman lahat ng lalake sakit nang ulo. Kailangan mo lang mahanap yung lalakeng swak sayo para walang problema.” Ngayon lang nagsalita si Romualdo mula pa kaninang kwentuhan namin. Napatingin kahit si Dette at ate Marina sakanya.


“Kami kasing mga lalake, as much as possible, as long as we can, ayaw namin na nakakaramdam ng sakit ng ulo yung babaeng mahal namin kasi ang una naming naiisip, baka iwan kami. Kaya kung ang lalake ay deserving, hindi ka non bibigyan ng problema.”


“Wow. Nakakakilig naman yung sinabi mo beb!” sabay kiss ni Dette kay Romualdo. Ba yan. Umay sa mata.


Pero tumatak sa isip ko ang sinabi niya.


Masarap nga ang lahat ng pagkaing hinain samin! Lalo na kung titimplahan mo nang salt at pepper na nasa table din. Nagenjoy si Gavin sa pagkain, pero sa tingin ko mas nag enjoy siya sa pagdodoodle sa table.


Naglakad-lakad pa kami sa loob nang Gateway, naisip ko ding bilan si Gavin nang bagong damit gamit yung credit card ni sir. Di naman siguro magagalit yun diba?


Nabilan ko siya nang tatlong pares nang damit. Ang mahal pala ng damit nang batang lalake! Pero since sabi naman ni sir ay pwede kong gamitin ng gamitin yung card, para naman to kay Gav, binili ko pa rin.


May nakita din akong store na nag titinda nang shirt na pang family. Yung design na nagustuhan ko ay dress para sa kin (pang nanay) na kulay blue tapos may kapartner na blue shirt pang batang lalake at pang matandang lalake (pang tatay).


“Miss, kunin ko to. Pero yung dalawa lang. Yung dress at yung pang bata na shirt.” Sabi ko dun sa sales lady nung store.


“Ay di po pwede mam. Set po kasi ang pagbenta nito.”


“Wala kasing magsusuot nito miss eh. Samin lang ni Gavin ang kailangan ko.”


“Sa daddy niya mam. Pang family set po talaga kasi to. Single mom ba kayo?” nginiwian ko siya at natawa naman si ate Marina sa tanong nung babae.


“What is single mom tita?” biglang singit pa ni Gavin pero agad din tumakbo sa labas nung makita sila Dette na lumabas na din ng store.


“Ay tita ka po nung bata? Sorry mam. Kala ko po single mother kayo. Bilin niyo na po ito at ibigay nalang sa boyfriend niyo o sa tatay talaga ng bata. Magandang klase po kasi yun at last set na naming yan. Mabenta ang design kasi.”


“Nako Max, bilin mo na! Malay mo magamit niyo ni sir yan in the future!” sabay bungisngis siya.


Gusto ko talaga ang dress at shirt para kay Gavin pero nabobother ako dun sa shirt na pang tatay. Ganon pa man, binili ko pa rin. Itatago ko nalang yung shirt na pang malaki para masuot ni Gavin pag binate na siya.


Naglakad din kami sa Farmers Plaza, mall din pero hindi kasing susyal nang Gateway. Nag icecream kami sa DQ don tapos naglakad ulit.


Sa pinakababa nung Farmers Plaza ay foodcourt tapos merong laruan na parang timezone. Nung bumaba pa nga  kami ay may nagsasayaw dun sa Just Dance na game. Ito yung game na yung mga players (o dancers) ay nakatayo sa harap ng malaking TV at sasayawin nila kung ano yung steps na sinasabi dun sa screen.


Nanood kami don saglit tapos nakita ni Gav yung mga sinasakayan na anek anek sa loob, yung hinuhulugan nang token.


Bumili ako nang 10pcs na tokens at nagumpisang sumakay si Gav sa mga rides. Parang first time niya! Haha.


Nakita ko sa ibang magulang na pag nakasakay ang anak nila ay todo picture sila, naisip ko na picturan din sa Gavin para may remembrance naman ang first gala namin dito sa Cubao.


Nilabas ko ang phone ko at kinuhanan siya. Nung mga pangatlong picture na ko, ayaw na. Nag eerror.


Kaya napabusangot ako at tinignan kung anong error yung lumalabas.


“Oh bakit ka tumigil sa pag shot sa anak mo?” pagbibirong tanong ni Dette.


“Nagerror eh.”


“Ha? Tingin nga.” Kinuha niya bigla sa kamay ko yung phone ko at inabot kay Romualdo. “Tignan mo beb. Anong error?”


Tinignan ng bf niya at ngumisi, “Insufficient memory ka na.”


“Ha?” sabay naming tanong ni Dette.


“Bakit mapupuno agad memory ko eh malaki naman ang sd card ko.” Sabay kuha ko ulit sa phone ko na nasa kamay ni Romualdo.


“Ilang gig?” tanong niya.


“2gig kaya to!”


Sabay na tumawa yung magjowa.


“Pinagmalaki mo pa 2gig mong memory card eh napakaliit non. Malamang andami mong apps at picture.” Sabi ni Dette.


“Tsaka Max, magpalit ka na nang phone. Baka sa sobrang luma kasi niyan kahit walang laman nag iinsuf na.” dugtong naman ni Romualdo.


“Bakit naman magpapalit eh gumagana pa naman. Tagal na kaya nito sakin. Tsaka ito ang una kong android phone!” pagmamalaki ko.


“Kaya nga! Eh yan din ang unang android phone nang Samsung! Lolo na yan nang cellphone ko!” sabay pakita ni Dette nung Samsung S5 niya. ”Magpalit ka na!”


Lolo na agad? Diba bago pa naman tong Galaxy Y? Tsaka hindi naman ito yung unang android phone ng Samsung, grabe.


“Ako nalang mag pipicture kay Gav, itatag ko nalang sayo sa fb.” Tapos nag start siyang mag picture sa iba-ibang anggulo.


Kahit nung nagpalipat-lipat na si Gav nang masasakyan ay todo picture pa din si Dette, nageenjoy sila ni Romualdo na samahan si Gav sa mga gusto niyang puntahan habang ako naman ay namomoblema sa cellphone ko.


Bandang 5pm nagsabi sila Dette na may iba pa silang pupuntahan ni Romualdo. Naisip kong late na din kaya uuwi na kami.


“San kami sasakay?”


“Dun din sa binabaan niyo. Bye girl!”


Naglakad na kaming tatlo papuntang exit nung Alimall. Dun sa pinasukan din naming para di na ko malito pa.


“Tita are we going to ride a jeep again?” tanong ni Gav nung malapit na kami sa pinto.


“Yes! Nagenjoy ka ba sa pag sakay kanina?”


“Yep!” nagsmile ako sa sinabi niya. “Good.”


Kaya lang nung medyo malapit na kami, dun ko lang napansin ang rason kung bakit parang nagkukumpulan ang mga tao sa labas nang pinto.


“Umuulan Max. Wala tayong payong.”


“Patilain nating onti. Dun muna tayo.” Sabay turo ko sa MCdonald’s na andon malapit sa pinto. Dito nalang kami mag stay habang nag aantay na tumila yung ulan.


Para di naman nakakahiya yung pag upo namin, umorder na din ako nang fries at Sundae para sa bata.


Dumadami ang tao sa labas at dumadami din ang nakatambay dito sa Mcdo, siguro mga nagpapatila din ng ulan. Medyo malakas kasi at may kasamang hangin kaya kahit nakapayong ka, siguradong mababasa ka pa din.


“May bagyo siguro.” Yun nalang nasabi ko nung pinagmamasdan ko yung malalaking patak nang ulan na tumatama sa salamin ng Mcdo.



George:
Where are you Max?



Di ko nireplyan ang text ni  George kasi naisip ko na baka magabala pang pumunta dito para sumundo. Nakakahiya naman diba. Naisip ko din na baka tawagan ako nito once matagalan akong magreply kay pinatay ko nalang din ang phone ko. Sabihin ko nalang na nalowbat ako.


Bandang 6pm na nung medyo tumila ang ulan, meron pa ding ambon pero ayos na to, kaysa naman gabihin kami. Pinandungan ko lang si Gavin at kinarga, sabi ni ate Marina mag taxi na kami, pero wala, sa mga ganitong panahon at oras, ginto ang taxi, mahirap makahanap.


Nagdecide na kong mag jeep na talaga kaya nagumpisa na kong maglakad papunta sa binabaan namin kanina. Halfway bago makarating sa Cubao Expo, bumuhos ulit nang malakas yung ulan.


“Shocks!” sigaw ko.


“Takbo na Max!” sigaw ni ate Marina kaya napatakbo ako bigla at mabilis na naghanap nang pwedeng silungan. Tumawid agad ako sa kabila at nakita kong halos punuan lahat ng jeep! Ano ba naman to?!


Alam kong basang-basa na si Gavin kasi ako ngang may karga sa kanya sobrang basa na eh nakaharang pa siya sakin niyan.


Kulang nalang mang hablot ako nang mga taong nauuna pa samin sa pag sakay sa jeep kahit na nakikita naman nilang may dala akong bata! Lalo na yung mga lalake, nambabalya pa!


After ilang attempts sa pakikipag unahan, nakasakay din naman kami. Pag akyat sa jeep tinignan ko agad si Gavin, gising na gising pero nilalamig na siya. Parehas ba naman kaming basa.


“Ate, papalitan kong damit si Gavin.”


Agad kinuha ni ate Marina yung damit na baon namin, basang-basa din si ate Marina at nakita kong tulad ko ay medyo nanginginig din. Paano pa kaya ang bata diba?


Kaya agad ko siyang tinanggalan ng shirt, pinunasan nang bimpo ang buong katawan at sinuotan nang bagong damit, buti nalang naisip kong baunin kanina yung hoodie niya kaya nagamit ko. Di ko siya makarga sa jeep kasi basa ako at mababasa lang din siya kung kakalungin ko.


So since excited naman siya sa mga nakikita niya, nakatayo lang siya sa likod nang driver at nakatingin sa labas.


Lamig na lamig na ako at antok na antok, sobrang traffic pa. Nagsisi ako agad kung bakit ba ko pumayag pa sa pag yaya ni Dette sakin. Bigla ko ding naisip na sana pala talaga nagpasundo na kami kay kuya Jaime.


Umuulan pa din nung bumaba kami sa may Citybank kaya yung hoodie at isang bimpo ang pinandong ko ulit kay Gavin nung tumakbo kami papasok nang Eastwood.


“Oh, san kayo galling?” tanong nung guard na madalas kong kabatian sa lobby ng condo.


“Dyan lang po.”


“Basang-basa si Gavin. Baka magkasakit yan. Ikaw din sobrang basa! Maligo ka agad pag akyat mo nako lalagnatin ka niyan.” Bilin ni manong guard  bago kami sumakay ng elevator.


Sa isip-isip ko, onti nalang, onting Segundo nalang makakaakyat na ko sa condo nang hindi nalalaman ni sir!


Nang biglang may malaking kamay na humarang sa papasarang pintuan. Mga kuko palang, alam ko na.




Patay.

CEO's SON (COMPLETED)Where stories live. Discover now