Chapter 40

156K 3.1K 678
                                    




40.


"But don't get me wrong Maxine, alam ko naman ang namagitan sainyo ni Niel. I just hope hindi masyadong mataas ang expectations mo towards him. He once told me na hindi ka niya mabitawan because of Gavin. The kid is so into you, no doubt about that. But once Gav outgrew his love to you, madali ka ng iwan."

Napapalunok na ko at di ko na alam ang pwede kong sabihin. Bigla niyang tinibag ang natitira ko pang pader nang tiwala at pagmamahal kay sir.  Lahat ng doubts ko noon pa sa relasyon namin ay pinapamukha sa akin ngayon ni Patricia at sobra na kong nasasaktan.

"Mahal ako ni sir." Hindi ko alam kung sino ang kinoconvince ko, siya ba o ang sarili ko.

Napailing siya at tinaasan ako ng kilay habang nakangisi. "This is so simple Maxine, if he really loves you, bakit hindi mo man lang alam na magkasama kami sa mga projects niya noon pa? Na hindi nawala ang communication namin kahit sila pa ni Celine? Na kasama niya ko sa isla sa Palawan because I'm his head architect? I already told him about our planned merging of businesses the night he slept there. Napag-usapan na namin to long long ago pa. So I'm not doing this for me, I'm doing this for him. Because we planned this, we've talked about this, wala ka pa sa eksena. Wala ka pa sa Manila."

Napalunok ako at naisip kong may ilang gabi talaga na hindi naman umuwi si sir non sa tinutuluyan namin sa Palawan. Totoo namang hindi ko siya kasama non sa lahat ng araw na stay namin don at hindi ko din naman tinanong kung sino ang mga kasama niya don. Ang tangi ko lang naaalala na problema na sinabi niya ay sa suppliers, walang problema sa architect.

"Maxine, you're bright. Niel told me na matalino ka at mataas ang pinag-aralan. Why don't you use that knowledge now to leave their family? Why don't you use it now to save that little dignity you have? I pity you Maxine, because you were so blinded by your love with Niel and your dream that someday, he'll marry you and you'll be together. I'm his first and I will always be the last."

Tumayo siya at iniwan ako sa inuupuan ko, sinundan ko siya ng tingin at nakita kong lumabas na siya ng ospital at sumakay sa kanina pang nakaabang na Royce sa labas.

Kailangan kong kumalma, ayokong makipag-usap sa mga magulang ni sir ng hindi okay ang pakiramdam ko. Kahit sila ay hindi sinabi sakin ang kung ano mang meron kela sir at sa babaeng yun. Maputi lang naman! Hmmp!

Umakyat ako ng tahimik sa floor kung saan nandon ang kwarto ni sir, nagulat ako nung makasalubong ko sa lobby nung floor si Mheanne na parang worried na worried.

"Max, kamusta?" tapos hinila niya ko sa isang tabi.

"Okay lang. Andon na si Gav sa loob?"

Tumango siya. "Iniwan ko na don kasi andon naman ang parents ni Sir Marquez. Anong sinabi sayo nung babaeng yun?"

"Katotohanan." Ngumiti ako at nagstart ng maglakad papunta sa kwarto ni sir pero hinabol niya ko at hinarangan sa daan.

"Teka, anong katotohanan? Wag ka magpapadala dun sa babaeng yun, kahit mabango siya naaamoy kong mabaho ang ugali niya. Basta Max, wag mo bibitawan si Sir Marquez. Tulad nung mga sinabi mo sakin noon, fighter Max! Okay?" ngumiti ako ulit at naglakad na papasok sa loob ng kwarto.

Pakiramdam ko bibitayin ako. Pakiramdam ko papasok ako sa kwartong to para patayin ang sarili ko. Suicide.

Isang malakas na buntong hininga ang binitawan ko bago kumatok at pumasok nung marinig ko ang boses ni Tita Nathalia.

Mabilis akong nagbeso at nagbless sa kanya, ganon din kay Tito Jonathan. Nakita kong naglalaro si Gav ng iPad niya sa couch at nagkiss lang sa akin nung pumasok ako. Hindi na ako nagulat nung makita kong meron pa kaming ibang kasama sa kwarto.

CEO's SON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon