Chapter 10

112K 2K 30
                                    

10.


Pag baba namin andon na nga si kuya Jaime sa labas ng condo at nag aantay. Fortuner naman ang dala na sasakyan. Kulay gray ito at ngayon ko lang nakita. Mga ilan kaya ang sasakyan ni sir Niel?


“Sa harap na ko Max.” sabi ni ate Marina.


“Hala ayoko nga! Yoko katabi si sir no.” natawa pareho si kuya Jaime at ate Marina.


“Kung gusto mo Max sa likod ka nalang.” Suggestion ni kuya Jaime sabay bukas nang pinto.


“Tita, I want to sit next to you.” Nagulat ako sa sinabi ni Gavin. Nakasakay na kasi kami at nag aantay nalang sa papa niya. Nasa likod ako at siya naman ay nasa gitna, so kung sasakay si sir, tabi silang dalawa.


“Ha? Why naman? Okay nga kasi tabi kayo ng papa mo. You miss him na diba?”


“Yes I miss him. But.. he’s angry.” Sabi niya sa malungkot na boses.


“No he’s not. Sakin siya galit kasi matagal kami bumaba kanina. He loves you so much kaya tapos namimiss ka na niya kaya tabi na kayo.”


“Really?”


“Syempre! Lika nga! Pa hug nga tsaka pakiss sa poging Flash!” tapos tumayo siya sa upuan at yumakap sakin. Kinikiss niya ko nang paulit-ulit sa pisngi kaya natatawa ako at nakikitawa din si ate Marina at kuya Jaime nung biglang bumukas yung pinto at pumasok si sir Niel. Naabutan niya na nakayakap sa leeg ko si Gavin at kinikiss ako sa pisngi.
Tumingin lang siya samin at nag utos din agad nang, “Jaime, let’s go.”


“Upo ka na nang maayos Gav. Aandar na oh.” Sabi ko kay Gavin na parang awkward nanaman sa papa niya. Nakakainis kasi tong tatay niya, puro galit ang pinapakita. Di man lang nafifeel yung kasabikan nung bata sa kanya. Umayos na din ako nang upo nung umaandar na si kuya Jaime.


“Papa do you have a gift for Jelly?” nagulat ako sa pagtatanong ni Gavin nung makalabas kami sa vicinity nung condo. Inantay ko ang isasagot niya at kung sasagot nga ba siya.


“Nothing.” Malamig na sagot nang papa niya na nakapikit lang at nakasandal ang ulo sa headrest.


“Ha? Why? She wants everybody to have something for her.” Inaabangan ko ang bawat isasagot niya. Wala pang sagot si sir Niel at nakatingin lang si Gavin sa kanya kaya ako na ang sumagot para di siya mapahiya.


“Ahmm Gav, dalawa naman ang gift natin for Jelly eh. Yung isa para sayo then yung isa sa papa mo. Pareho na kayong may gift! Jelly will be happy na.”


“Yey!” buti nalang medyo madali pang mabola to si Gavin, at buti nalang dalawa ang binili kong gift.


Nakasmile ako habang nakatingin kay Gavin nung mapansin kong nakatingin sakin si sir Niel kaya tinaasan ko siya nang kilay. Pumikit lang naman siya ulit nung tignan ko. Ano nanaman? Sapakin kita eh.


Nakarating din kami sa condo nila Jelly, pauso kasi padala-dala pa ng sasakyan, kung nilakad namin to mas madali kami makakarating. Andami pa naming ikot-ikot dito sa Eastwood pag sa sasakyan. Pero pag lakad lang mas malapit.


Bumaba kami sa lobby nung condo at meron na kaming ibang bata na nakakasabay papasok. Iba-iba din ang costumes at alam mo na pinag handaan ang mga ito. Buti nalang kahit ako naghanda. Haha.


Pasakay kaming elevator, kasama nang dalawang batang naka superman at wonderwoman, dalawang yaya at mga magulang ata nila, may pumasok na isa pang set ng pamilya.


“Nathaniel! I’m surprised that you’re also here!” bulalas nang isang may katandaan na lalake. Siguro apo niya yung kasama niya.


“Good day Mr. Reyes, well I need some fresh air and I think kids' party is the best escape.” Tapos nagtawanan sila. Pinindot nila ang 36th floor, andon siguro ang clubhouse.


Pagpasok namin sa floor, bumungad samin ang mga pink, red at yellow na balloon na nakapalibot sa malaking tarp na may nakasulat na  “Happy 5Th Birthday Jelliana Marie Sanchez Tolentino” at may iba-ibang pictures ni Jelly sa paligid nun.


Maeexcite talaga ang bata kasi iba-ibang pictures nang Justice League ang nasa paligid. Nagtataka nga ko bakit Justice League ang theme eh babae siya. Sabi ng yaya ni Jelly, favorite niya talaga si Wonderwoman. Siguro yun ang gagawin niyang costume ngayon. Kaya lang ang dami niyang kapareho.


Sa pinakaloob ng venue kung saan nakalatag ang mga tables at chairs na naka arrange, nakita kong medyo madami na ding tao kahit 3PM pa talaga ang start, mga bata kasi excited eh. Umupo kami sa isang table, ako si ate Marina at si Gavin, pero nakita ni Gavin na merong inflatable na laruan sa dulo at nandon halos lahat ng bata kaya nagsabi agad na pupunta siya don.


“Okay. But be careful. Wag mang-aaway remember?”


“Yes tita.” Sumasagot siya pero sa laruan siya nakatingin. Excited.


“Sige na. Habang di pa nag start yung party you play na.” agad siyang tumakbo papunta don at sumisigaw pa din nang “I am Flash!!”


Natawa pa kami ni ate Marina. Ginala ko ang paningin ko sa paligid at nakakasaya kahit sa matanda ang nasa paligid, puro masasayang bata, mga pagkain na naka set sa buffet table, may mga clowns, may part na naglalagay nang face paint at yun nga yung inflatable na blockbuster sa mga bata.


Tinignan ko din ang mga magulang at yaya na nandon, halatang mayayaman at may kaya ang mga bisita. Nagulat ako nung biglang umupo si sir Niel dun sa upuan na pinanggalingan ni Gavin kanina at sa harapan ko yun.


Kaya umikot ako at humarap sa table, kunyari inaayos ko yung gifts namin kay Jelly. Buti din pala pinag hiwalay ko ang balot. Ang plano ko pa naman, sasabihin ko galing sakin yung isa at kay Gavin yung isa, epal kasi tong katabi ko, nasabi ko tuloy kanina na galing kunyari sakanya tong isa. Ako pa nawalan. Bibilan ko nalang ng iba si Jelly.


“Thanks for saving me a while ago.” Napakunot ang noo ko at napatingin kay sir Niel. Siya ba yung nagsalita?


“Po?”


“In the car. When you told Gavin that the other gift is from me. You saved me from shame there.” At ngumisi. Wow. Kahit ngisi lang, ngumisi pa din, oks nay un!


Naisip ko na magthank you na din sa presence niya kasi kahit pa nagsungit siya kanina kay Gav, alam kong masaya yung bata na kasama niya sa ganitong party ang papa niya. Nung magsasalita na ko biglang may lumapit sa kanya.


“Nathaniel! My boy!” nilingon ko yung isang matandang lalake, parang pamilyar.


“Mr. Sanchez!” bati ni sir Niel. Ahhh. Naalala ko na, ito yung kameeting niya nung time na pumunta ako sa office niya noon.


“I’m so glad that you came despite your busy schedule, huh?” umupo na don sa table namin si Mr. Sanchez.


“Yes, it is my pleasure to be invited, kahit pa children’s party to, it’s still part of your family events.” Family? So kaano-ano ni Mr. Sanchez si Jelly?


“Of course! You know I’m still betting on you to be part of this family, too.” At nagtawanan silang dalawa. Ngunit di na yun sinagot pa ni sir Niel.


“Nathan?” napalingon ako sa boses nang isang babae galing sa likod ko. Wow. Chick na chick. Matangkad, maputi, mahaba ang buhok, makinis ang mukha. Simple lang ng suot niya maging nung mga accessories na suot niya pero sumisigaw yun nang karangyaan.


Tumayo si sir Niel sa pag lingon niya dun sa babae at agad lumapit at humalik sa pisngi nito. Tumayo din si Mr. Sanchez.


“Celine. I thought you’re not coming.” Sabi ni sir Niel.


“Of course I’ll be here. It’s my favorite niece’s birthday, I would not miss this.” Sagot niya sa magandang accent nang English. Wow. Unang tingin palang alam mo nang may sinabi ito sa buhay, iba pa pala pag nagsalita.


“So.. you’re not with your..”


“Nathan, stop calling Mark names.”


“Wala pa kong sinasabi.” Tapos nag smile siya nang bongga. Naks. Siguro chikabebe niya tong si Ms. Celine kaya ganyan makangiti. Ngayon ko lang nakita na ngumiti siya nang ganyan. Kala ko yung ngisi niya kanina sagad na yun, mas gwapo pala talaga siya pag tumatawa nang ganyan.


“Celine, that’s why I don’t like that guy. He can’t even spend his time with us on a day like this. This might be just a kid’s party but this is a family gathering too.” Mariin na sinabi ni Ms. Sanchez, natitigan ko sila at parang may similarities sila sa mukha, mukhang magtatay sila.


“Dad, he’s on a business trip. If he's here in the country he would be here.”


“I told you to leave that guy and marry Nathaniel instead. He’s a responsible guy, he has time to accompany his son to a party such as this! He should be in a trip, too.”


“Dad, can we please—“


“Mr. Sanchez, that’s fine. Maybe his business is very important and can’t be rescheduled. Mas okay naman na wala siya so I can spend some time with Celine. We need some catching up to do.” Pinutol ni sir Niel ang isasagot pa sana ni Ms. Celine. Ayos na yun, kasi mukhang mag-aaway pa sila.


Sa pakikinig sakanila, ito napagtanto ko, 1. May bf si Ms. Celine, 2. Type ni sir Niel si Ms. Celine, 3. Ayaw ni Mr. Sanchez sa bf ng anak niya. Oh well. Wala nakong kinalaman dyan.


Bumaling na ko ulit sa harap ko at tiniginan si Gavin na naglalaro pa din sa inflatable playground. Mukha namang walang nang-aaway o inaaway kaya hinati ko ang atensyon ko at nakinig nalang sa pag-uusap ni sir Niel at Ms. Celine na nakatayo sa likod ko.


“He’s always like that to Mark.”

“You can’t blame him, your boyfriend’s kinda weird.”

“Nathan! What do you mean?”

“Like… he doesn’t want to be around people.”

“Whatever. I know him, he loves me, I love him, I don’t care to what others will say.”

“That lucky bastard.”

“Nathan!!”


“Huy! Si Gavin ayan na palapit na oh! Nakatungaga ka dyan!” nagulat ako sa pag siko ni ate Marina sakin. Masyado ata akong nahook sa pakikinig sa dalawa kaya di ko napansin na pabalik na si Gavin sakin.


“Tita!! That is so fun!” tapos tinuro niya yung inflatable.


“Mukha nga eh! Pawis ka na oh! Tsk tsk. You want to change? You’ll be smelly pag lumabas na si Jelly later. Eewww.” Tapos ngumiwi pa ko. Ngumuso siya at nagsalubong ang kilay. Kaya tumawa ako at kiniliti siya. “Joke lang!” kaya biglang siyang napatili sa pag tawa. Nakuha niya ang atensyon nung love birds sa likod ko.


“Oh my God Gavin! You’re so tall na! Can I hug you? It’s been so long since the last time I saw you.” Sabi ni Ms. Celine sakanya. Yumuko pa ito para mas mapalapit kay Gavin, nakangiti akong tinignan si Gavin at nakita ko ang pagtataka sa mukha niya, di niya siguro maalala. Baka bata pa siya nung last nilang kita kaya ganon.


“No! I don’t know you!” sigaw niya na ikinagulat ko. Antaray na bata nanaman.


“Gavin! Stop it! Be polite to tita Celine!” singhal nang papa niya. Nakita ko nanaman ang takot sa mata ni Gavin kaya agad kong hinawakan ang pisngi niya para tumingin sakin.


“Big boy, tita wants to hug you oh. She knows you kaya! Kaya lang baby ka pa nung nagkita kayo before kaya di mo na maalala.” Tapos bumulong ako, “And she’s kind and pretty. Go hug her and say sorry. Her name is tita Celine.”


Pag layo ko sa kanya tumingin siya sakin at nginitian ko siya na parang sinasabi na, go lang.


“Sorry tita.. Celine. You can hug me.” Tapos binuka niya yung dalawa niyang arms at tinanggap naman yun ni Ms. Celine. Habang magkayakap sila, tumingin siya sakin at ngumiti, then she mouthed “Thank you.” Nginitian ko din siya. Wew. Ang ganda talaga ang bait pa.


“Tita Max, I’ll play again please.” Sabi ni Gavin after niyang humiwalay sa yakap ni Ms. Celine.


“Sige. Pero 10mins before mag start I’ll call you to stop na ah. Di ka na mukhang Flash eh. Basang-basa ka nang pawis.” Sabi ko habang pinupunasan siya nang pawis ni ate Marina.


“Okay.” Tapos tumakbo ulit. Mga bata talaga walang kapaguran. Nakita ko sa peripheral vision ko na parang may binulong si Ms. Celine kay sir Niel.


“Celine, they are Gavin’s yaya.” Sabay turo samin ni ate Marina. Ano? Yaya?


“Hi po, I’m Gavin’s personal tutor po, Maxine.” Sabay lahad ko nang kamay nung tumayo ako. Nakita ko pang tumikhim si sir Niel. Iirapan ko sana eh, ipakilala ba naman akong yaya. Kainis tong lalakeng to. Kanina lang may pathank you thank you pa.

 
“Hi. Can I call you Max? Gavin called you Max kasi. By the way I’m Celine and Gavin’s father’s long time friend.” Sabi niya nung kamayan ako. Hahaha. Gusto kong matawa kasi talagang friend lang ang tingin niya kay sir, halata naman.


“Opo. Okay lang po.”


Maya-maya lang din ay nagstart na ang program at lumabas na si Jelly, at tama ako, naka wonderwoman siya na costume. Pero kahit may ibang bata na don na nakaganon ding costume, mas angat pa din si Jelly kasi parang sa Movie Version na wonderwoman ang ginaya niya at hindi yung sa drawing.


Hindi na umupo sa table namin ulit si sir Niel at kasama nalang si Ms. Celine buong party, paminsan-minsan ay may kausap na mga lalake na sa tingin ko ay business partners niya.


Madaming naging games, may magic show pa. Kita kong nageenjoy si Gavin sa mga nangyayari sa party. Kaya alam ko talaga sa mga ganitong party, mayaman o mahirap na bata, sasaya.


“Kanina mo pa sinusundan ng tingin si sir ah.” Biglang sabi ni ate Marina nung makabalik kami sa table galling sa buffet.


“Huy. Di ah. Napapatingin lang. Akala ko kasi nagpunta siya dito para kay Gavin, yun naman pala manchichicks lang at makikipag usap sa mga business partners niya.” Sagot ko at nag umpisang kumain. Kinuhanan ko na kanina si Gavin nang pagkain at dun siya kumain sa table na pambata, medyo malapit sa parang throne ni Jelly sa harap.


“Nako ganyan naman mayayaman. Kahit ganitong panahon, puro pera pa din pinag uusapan.”


“Oh anong pinaguusapan niyo dyan?” nagulat ako nung umupo sa table naming si ate Nimfa, yung yaya ni Jelly.


“Oh Nimfa! Buti pwede ka kumain?” biro ni ate Marina.


“Nako, buti nga pag ganitong party mas abala ang mga amo ko. Syempre kunyari sila nag aasikaso kay  Jelly araw-araw. Pakitang gilas sa mga amigo at amiga.” Natawa kami sa sagot niya.


Nagkwentuhan lang kami don at kumain. Naka tatlong balik kami sa buffet table kaya lalo kaming natatawa, antakaw daw kasi namin. Biniro pa ko nung dalawa kasi kahit anong kain ko daw di ako tumataba.


“Eh ganyan na talaga yan. Sagad na.” sagot ko naman na pabiro din. May iba pang mga yaya kaming nakita, mga nakakasama din naming sa park pero karamihan kasi tutok sa mga alaga nila kaya hindi makastay nang matagal sa pwesto namin.


Pinapunta ang mga bata sa table nang mga parents nila, dito yun sa table nang matatanda. Iikot daw kasi si Jelly per table para kunin ang gifts at mag papicture na rin. Tumakbo si Gavin sa tabi ko at pinakita ang iilang prizes na nakuha niya sa mga games na sinalihan niya.


Biglang nag ring ang phone ko, si Kylie tumatawag. Medyo nasa dulo ang table namin kaya alam kong maya-maya pa kami mapupuntahan. Tumayo muna ako.


“Tita, where are you going?”


“May tawag lang ako baby. Wait ah.” Lumayo ako at lumabas nang clubhouse. Andon ako sa tapat nang elevator, meron don parang column kay dun ako sa likod non pumwesto. Siguro naman hindi rinig dito ang ingay nung party.



Ako: Hello?

Kylie: Couz! Where are you?

Ako: Sa.. office. Bakit?

Kylie: Office? Why can I here some music? Parang may party ah. Birthday ng boss niyo?

Ako: Ahhh. Yup! So ano yun? Babalik pa kasi ako sa table.

Kylie: Pinaparemind lang ni mommy yung dinner tomorrow. Don’t forget ah. I basically beg for Kyle para mag stay siya til tomorrow night. Dapat kasi uuwi na siya today.

Ako: nako. Nakakahiya naman sa kanya. Kung okay lang kahit next--

Kylie: No! No no no no no no no! This is set, we’ll be having dinner tomorrow. Aryt?

Ako: Sige. Okay okay.

Kylie: okay couz! Bye! I miss you.


Tinignan ko ang cellphone ko kaht na tapos na ang usapan naming. Haaaay. Kailangan talagang puntahan yun. Sa bagay nakapag-paalam na ko kay Gavin. Aalis nalang ako nang mga tanghali tapos—


“Nathan stop it!”


Nagulat ako sa sumigaw, parang kilala ko. Tsaka.. Nathan? Dahan-dahan akong sumilip mula sa likod nung column na tinatayuan ko. Nakita kong andon sa harap nang elevator si sir Niel at kinukulong niya si Ms. Celine sa pader gamit ang katawan niya.


“Please Celine.. we can work this out. We can still  save our relationship.” Tama ba naririnig at nakikita ko? Nagmamakaawa si sir Niel kay Ms. Celine na nakasandal sa pader at tinutulak ang dibdib ni sir Niel para lumayo sa kanya.


“Nathan, what are you talking about? There’s no us. There’s no relationship to save except for our friendship!”


“Celine… please. Please. Please.  I am begging you. Please. Take me again.” Rinig na rinig sa boses niya yung kagustuhan niya sa kung ano mang pinapakiusap niya kay Ms. Celine.


“Nate please. We.are.done. Matagal na. Alam mo yan! Why do you keep on bringing the past? It’s over. We can never be together again.”


“Leave that monkey so we can be together again. Please. Babe please.”


“Sorry Nathan. The night that you did that to her, the night you decided to be with someone else, we are over. I don’t want to say this again but… I don’t love you anymore and I will never want you back in my life.” Sagot ni Ms. Celine pero rinig yung iyak sa boses niya.


“Celine I’m sorry. But please hear me out. Please.”


“No. I need to go Nathan.” Tapos pinindot niya ang elevator at pumasok nung bumukas. Hindi naman siya hinabol ni sir Niel. Sumandal si sir sa pader nang nakaharap, nakatukod ang ulo niya sa pader. Nakakahabag siyang tignan. Kahit pala ang tulad niyang CEO, mayaman, boss at cold ay may puso ding nasasaktan. Gusto ko siyang icomfort pero alam kong wala ako sa posisyon na gawin yun, tauhan lang niya ko and besides, di ko naman alam ang buong storya nila.


Nagulat ako nung bigla niyang suntukin yung pader. “Ay nanay mo!” napatakip agad ako nang bibig at napabalik sa pinagtataguan ko.


Weee. Sana di niya ko narinig. Sana isipin niya na pusa lang ako. Sana wag na niyang silipin ang—


“Ms. Roxas.”


“Yaaaaay!!” sigaw ko nung bigla siyang sumilip sa likod ng column na tinataguan ko.


“Eavesdropping huh?” sabi niya sa malamlam na boses.


“Nako hindi sir Niel. May ano.. may kausap po ako sa cellphone ko kanina.. bago po.. ano. Bago po kayo nag ano po dyan sa ano.. Di ko po sinasadya na ano po..” di ko matapos-tapos yung pagpapaliwanag ko kasi nakatingin lang siya sakin don na parang isang teacher na nahuli ang studyanteng nag kakarakrus.


Huminga siya nang malalim at biglang tinapat sa mukha ko yung kanang kamao niya na nagdudugo. Nanlaki ang mata ko. Ito siguro yung pinansuntok niya kanina.


“Can you fix this? I don’t like Gavin to see me bleeding. He’s afraid of blood.” Agad ko binulsa yung cellphone ko at kinuha yung panyo kong yellow (bigay sakin to ng bestfriend ko eh. Huhuhu) sa loob nang slingbag ko at binalot sa kamay niya.


Hindi ako magaling sa mga ganito, sa totoo lang ayaw ko nga nang mga ganito. Pag mga sugat sugat at dugo dugo na umaatras ako, kaya lang, may choice ba ko? Boss ko tong nasa harapan ko.


Nung maitali ko na nang maayos yung panyo, tatalikod na sana ako para bumalik sa table naming at baka hinahanap na ko ni Gavin.


“Ms. Roxas.”


“Po.”


“Whatever you saw or heard, please keep it to yourself.” Di naman ako chismosa!


“Opo. Makakaasa po kayo.” Tumango lang siya at inunahan akong umalis. Di man lang ako sinabay, dun din naman pala siya didiretso sa table namin.


“Papa! I have prizes!” narinig kong sabi ni Gavin nung umupo ang papa niya sa tabi niya.


“Alright.” Sabi lang ni sir Niel at tinapunan lang nang malamig na tingin si Gavin. Sarap batukan. Paanong pinagmamalaki to ni Mr. Sanchez kay Ms. Celine eh wala ngang kaamor-amor sa anak niya.


Nasa katabing table na namin si Jelly, sakto pala ang dating namin. Nung umupo ako kinalabit agad ako ni ate Marina at nginunguso yung kamay ni sir Niel na nakapatong sa table at nakabalot ng panyo ko. Nagkibit balikat lang ako.


Pag lapit ni Jelly, agad tumayo si Gav at niyakap si Jelly.


“Happy birthday Jelly!”


“Thank you.”


“These are our gifts. This one is from me and this one’s from papa.” Sabay pakita ni Gav nung dalawang gift namin, proud na proud siya dun sa gift na hawak niya lalo na yung sa sinabi kong sa “Papa niya galing” na gift. Akin dapat yun eh. Hmp!


“Wow! Thank you tito Nathaniel.” Sabi nang masayang si Jelly at nag kiss pa sa pisngi ni sir Niel. Nginitian naman siya ni sir Niel at nagsabi pa nang “You’re welcome.” Wow feeling. Pera ko pinangbili ko dun sa isa.


Nagpicture-picture kami with Jelly, medyo matagal siya samin kasi kung ano-ano naiisip namin na pose. Tuwang-tuwa yung dalawang bata kasi pinag papartner namin sila palagi kahit na parang wala naman sakanila ang pang-aasar namin.


Natapos ang party nang mga bandang 6PM, yung children’s party lang ang natapos kasi maya-maya lang may mga siniserve nang liquor para sa mga matatanda, niyaya ko na sila ate Marina na umuwi. Pagod na din naman si Gavin at naghihikab nanaman.


“Si sir Niel iiwan natin?” bulong ni ate Marina nung tumayo kami sa table at naiwan si sir don na umiinom nang parang brandy habang kausap ang iba pang businessmen.


“Eh mukha namang iinom pa. Inaantok na si Gavin oh.”


“Magpaalam nalang tayo na mauuna na tayo.” Suggestion niya.


“Oh sige, paalam ka na. Mauuna na kami ni Gavin sa elevator.” Di ko na inantay na sumagot si ate Marina at binuhat ko na ang inaantok na si Gavin at dumiretso na sa elevator.


Nakasalubong ko si kuya Jaime na kakalabas lang sa elevator.


“Maxine, si sir? Uwian na ba?”


“Andon po, umiinom pa eh. Mauuna nalang po kami kasi si Gavin inaantok na.”


“Ihahatid ko pa ba kayo?” tanong niya bago ko iwan.


“Wag na po. Lalakad na kami. Si sir Niel nalang po antayin niyo baka malasing di makauwi.” Tumawa si kuya Jaime. “Malakas yan si sir. Di madaling malasing yan.”


“Nakahabol si ate Marina samin bago pa mag sara ang pintuan nung elevator, nainis pa nga kasi iniwan ko daw siya. Tinawanan ko nalang.


Madilim na pero maliwanag pa ang Eastwood Mall lalo na sa Citywalk, weekend kasi at madaming nag na-nightlife. Gising na gising ang mga kainan lalo na yung may mga inuman. Madaming tao.


“Max, umiinom ka ba?” biglang tanong ni ate nung naglalakad na kami sa gitna nung mga nagiinuman.


“Hindi eh. Ayaw ni papa. Tsaka ayaw ko din naman.”


“Ha? Bakit naman?”


“Ang baho kasi. Pag nababahuan ako sa pagkain o inumin di ko na hinahayaang pumasok pa yun sa bibig ko. Kadiri amoy eh.” Yun talaga ang rason ko kung bakit. Nababahuan ako sa alak at nababahuan ako sa mga lasing. Tumawa lang si ate Marina.


“Masarap naman pag nasa bibig na. Lalo na pag nalunok mo na.” tawa siya ulit. Umiling nalang ako. Ganon talaga, may iba-iba tayong pananaw sa buhay, kung ayaw ng isa, di siya dapat pilitin nang isa.


Tulog na si Gavin nung makarating kaming bahay kaya pinunasan ko nalang siya at pinalitan ng damit nung nakahiga na siya sa kama. Parang angel ang mukha nang batang to lalo na pag tulog. Haaaay. Nakakahabag tuloy isipin na kahit na meron siya ng mga bagay na inaasam lang ng ibang bata, salat naman siya sa pagmamahal ng magulang. Asan kaya ang mama nito?


Habang inaayos ko ang gamit ko sa kwarto, ang daming naging tanong sa isip ko. May relasyon ba dati si sir Niel at Ms. Celine? Sino yung tinutukoy niyang babae? Nasan yung mama ni Gavin? Sinong nauna, yung mama ni Gavin o si Ms. Celine?


“Anong ginagawa mo dyan inday?” biglang pumasok si ate Marina sa kwarto ko. Bagong ligo at may dala nanamang kape.


“Inaayos ko mga gamit ko. Nag alsabalutan ako diba kasi akala ko nga papaalisin na ko ni sir. Ibabalik ko lang sa cabinet.” Tumango siya habang sumisimsim nang kape. Di kasi ako pumunta ngayon sa kwarto niya kaya siguro siya na ang pumunta sakin.


“Ang tigas ng kama mo Max.” ngumiwi ako sa panlalait niya. Sa kanya kasi naka foam na makapal. Tumawa siya sa reaksyon ko.


“Ano nga pala nangyari sa kamay ni sir? Bakit nagdudugo?” nako ito na, sasagap na nang chismis si ate Marina. Malamang mapapansin niya talaga yun kasi kulay yellow yung panyo ko eh.


“Ha? Di ko alam.”


“Sus. Eh panyo mo yung gamit niya! Panong di mo alam.” Umirap ako sa kawalan. Nag-iisip nang pwedeng idahilan.


“Nanghiram nang panyo sakin kanina di ko alam kung san gagamitin, pang balot pala sa kamay. Di ko yun alam. Itatanong ko pa ba bakit siya nanghihiram sakin? Kaya nga kahit pinakaiingatan ko yung panyong yun kasi bigay yun nung bestfriend ko nung graduation naming ng HighSchool pinahiram ko pa din. Kasi nga, boss ko siya.” Paliwanag ko. Sana maniwala.


“Sa bagay.” Haaaay Salamat! “Pero ano kaya yun?”


“No idea.” Andami ko ng nagagawang pagsisinungaling simula nung tumapak ako sa bahay na to.


Nag usap pa kami nang ibang bagay tungkol sa mga nangyari kanina, mga pinagtatawanan naming costumes nung ibang bata. Mga susyal na magulang na sumama don para lang naman makipag-usap sa mga kapwa nila mayayaman. Mga yaya na mas pagod pa sa bata. Pati kung gaano kabongga yung handaan. Iba talaga nagagawa pag madaming pera.


Hinanda ko na din ang susuotin ko bukas. Nung Friday kasi na namili kami nang pang regalo kay Jelly, naghanap ako ng bagong damit para sa dinner namin bukas. Simpleng dress lang naman. Luma na kasi mga dress ko at since susyal naman ang dinner na hinanda nila tita, ayos lang na magdress ako talaga.


Napagusapan namin ni ate Marina na aalis ako nang after lunch tapos babalik ako nang Monday morning. Alam naman na yon ni Gavin pero uulitin ko para di umiyak pag nalaman nanamang aalis ako. Nasa kalagitnaan kami nang tawanan nung biglang may parang nabasag sa baba. Sabay pa kami napa “Ayyy!”


Nagkatinginan kami at agad tumakbo pababa para Makita kung ano yun. Nakita namin si sir Niel na halos nakadapa na sa lapag tapos may basag na baso malapit sakanya. Oh? Akala ko ba hindi nalalasing to?

CEO's SON (COMPLETED)Where stories live. Discover now