Chapter 1

177K 2.7K 82
                                    

1.

“Hindi mo naman kailangang umalis. Lambingin mo lang si papa at sabihin mo na uulit ka nang exam sa susunod na taon.” Nilalabas ni Ate Jing ang mga damit na pinapasok ko sa malaking maleta ko na nakapatong sa kama.

“Ate, hindi naman madadaan sa lambing si papa, at naiinis na din naman ako sa mga sinasabi niya no. Ano ako bato? Masakit din yung mga sinabi niya ah!” patuloy naman ako sa paglalagay nang damit sa maleta habang punas ng punas sa luha at sipon ko gamit yung loose shirt ko na blue na may naka-tatak na “San Roque Elementary School Teacher’s Day”

“Ikaw naman oh.. ganon naman talaga magsalita si papa pag galit. Tsaka ikaw din may kasalanan, di ka nag-aral mabuti eh. Bumagsak ka tuloy.” Di na ko sumagot. Pero tinuloy ko lang yung pagiimpake ko.

“haaay. Ate Jing.. di mo pa ba gets? Sinadya ni Max na bumagsak para di siya maging teacher. Yun nga lang palpak ang plano niya kasi nakatikim siya nang malutong na sampal kay papa.”

“Jessa!” sita ni ate sa kanina pang nakasandal sa hamba nang pintuan na isa ko pang ate.

“Totoo naman ate, ayaw niya mag teacher, dati pa. Di ba umiyak-iyak pa siya nun nung 1st yr college siya? Gusto niyan mag abogado.” Sagot ni ate Jes.

Huminga lang nang malalim si Ate Jing, alam ko na medyo hard ang pagkasabi ni ate Jes pero totoo naman talaga. Nasa plano ko nang hindi ipasa ang exam kasi akala ko titigil si papa sa pagpilit saking maging teacher kung babagsak ako. Tumigil nga siya sa pagpilit, pero tinakwil naman ako. Nakatanggap pa ko nang masasakit na salita at.. yun nga.. malakas na sampal. Mas masakit yun ah!

“Jes, tumawag ka na nga lang kela tita Minda sa Maynila para iconfirm mo na alam nilang ngayon pupunta don si Max.” malungkot na utos ni ate Jing kay ate Jes after ilang minutes nang pag nood sakin sa pagiimpake. Alam niya siguro na wala na tong atrasan.. aalis na talaga ako.

“Tss.” Umirap pa si ate Jes bago tumalikod. Ano bang pinaglalaban ng pangalawa kong ate? Kanina pa ko naiinis sa attitude niya, di man lang niya ko damayan. Pero oks na din, baka kasi pag parehas pa silang magpigil sakin ni ate Jing eh talagang di na ko umalis.

“Sigurado ka na ba?” tanong ni mama na dumating ilang minuto matapos akong makapag ayos nang gamit. Tumango lang ako.

“Sige. Akong bahala sa papa mo, kakausapin ko siya at pag mahimasmasan, umuwi ka agad ha.”

 “Opo.” Sabay yakap ni mama sakin. Hindi siya umiiyak tulad ni ate Jing na kanina pa ko sinasabayan sa pagluha. Ito ang isang ugali na gusto ko kay mama, strong ang personality niya, pero hindi niya ginagamit yun sa pagpilit samin na sumunod sa anumang bagay na gusto niya, di tulad ni papa.

“Nakakainis ka naman Max eh. Bakit kasi may palayas-layas ka pa? Nakakainis talaga!” sabi ni ate na yumakap din sakin habang kayakap ko si mama.

“Pasaway kasi siya, that’s why.” Nagulat ako sa pagsingit ni ate Jes na sumama din pala sa yakapan namin.

“Basta tatawag ka samin, magtetext ka din. Susugurin kita don!” iyak ni ate Jing sa likod ko.

“Wala akong pangload ate.. wala pa kong trabaho pag dating kong Maynila.” Biro ko. Tumawa lang sila ng mahina pero humihikbi pa din.

“Ako na magloload sayo! Basta wag ako ang itetext mo, si ate Jing.” Sabi ni ate Jes, natawa ako. Sa totoo lang medyo ganyan talaga si ate Jes, parang mana siya kay mama. Close naman kaming 3 pero mas close ako sa panganay namin.

Hila-hila ang maleta ko, plus yung backpack ko at isang sling bag, lumabas ako ng kwarto. Dahan-dahan yung lakad ko, nasa likod ko sila ate at mama.
Pakiramdam ko libing ko na at nasa prosisyon kami. Bawat hakbang ko masakit sa puso. Bawat bagay na nalalagpasan ko ay nagiging mga kutsilyong sumasaksak sa puso ko. Ang sakit. Ang sakit pala umalis ng bahay. Ang sakit pala umalis nang bahay kasi pina-aalis ka. Alam ko na nasa plano kong lahat na ibagsak ang exam at magalit si papa, pero di ko akalain na papalayasin niya ko dahil lang ayaw kong maging teacher tulad nila.

Mas nagpahirap sakin ay ang pag-iyak nang mga pamangkin ko sa pinsan na mga bata, nagyakapan sila sa binti ko habang umiiyak. Sinalubong din ako ng mga pinsan, tita at tito ko nang yakap. Nasaksihan nila yung sigawan namin ni papa at yung epic na pagsampal niya sakin. Huhu. Lahat sila kamag-anak ko sa side ni papa, ang kamag-anak naman sa side ni mama ay nasa ibang bansa at Manila - yun yung kela tita minda - at dun ako pupunta.

“Di mo naman kailangang umalis.”
“Sigurado ka na ba?”
“Ganon talaga ang papa mo, ikaw naman.”
“Wag ka mag-asawa don.”
“Magtetext ka pa din ha.”
“Babye po tita.”


“Bakit ka pa aalis tita? Sino nang kalaro ko? Sino nang magtuturo sakin sa assignments ko?” ang sinabi nang pamangkin kong si Del ang nagpahinto at nagpaluha sakin ng todo. Favorite ko to eh. Lumuhod ako para pantayan siya at niyakap siya at di ko mapigilang di maiyak.
“Si tita Jessa at Tita Jing andito pa oh. Pwede naman sakanila.” Para akong magkakahika kasi pinipigil ko yung malakas na pag-iyak.
“Ayoko kay Tita Jes, masungit!” natawa pa ko sa sinabi niya kahit pa umiiyak siya habang sinasabi yun.
“Oy ayaw ko din sayo no!” sagot naman ni ate Jes.

Kahit masakit para sakin, kahit na ngayon lang nagsisink-in yung katotohanang aalis na talaga ako sa bahay, pinilit kong lumabas ng gate at sumakay sa taxi na pinara nila kanina.

Ginala ko pa ang paningin ko sa paligid nang family compound, nageexpect na andon si papa sa paligid at pipigilan ako. Pero wala. Tanging yung mga kamag-anak ko lang ang nandon at umiiyak na kumakaway sakin. Kumaway din ako habang umiiyak. Aalis na talaga ako. Totoo na to.
Nakatingin ako sa kanila hanggang lumayo na yung taxi at di ko na matanaw yung mga taong kinalakhan ko. Yung bahay kung saan ako pinanganak at lumaki. Yung pamilya na kasama ko sa saya at lungkot ng buhay ko. For 21 years hindi pa ko umalis nang bahay nang ganito, yung ako lang mag-isa, yung madaming dalang gamit, yung pupunta sa Manila hindi para dumalaw lang kundi para makitira. Goodbye Davao.

Di ko pa rin mapigil sarili ko na umiyak. Simula ngayon bahala na ko sa buhay ko. Binigyan ako ng pera ni mama pero di yun magiging sapat. Alam ko naman na mas mahal ang pamumuhay sa Maynila, at hindi din naman pwedeng makitulog at makitira at makikain ako forever sa tita ko dun. Kaya kailangan ko mag hanap nang trabaho. Agad-agad.

“Miss. Pa Maynila ka?”
“Opo manong.”
“Ahhh.. pinalayas ka ba sainyo nang tatay mo at ngayon pupunta ka sa Maynila para dun makitira sa kamag-anak niyo dun para maghanap nang trabaho at magbagong buhay?” namangha ako kay manong, ang lupet nang conclusion niya.
“Opo. Paano niyo po nalaman?”
“Sabi ko na eh. Halata kasi sayo. Okay lang yan. Basta ba seryoso ka sa pagbabagong buhay mo, magagawa mo yan kahit mag-isa..” napapatango ako sa encouraging words ni manong driver.
“… ituloy mo lang ang pangarap mo at higit sa lahat lalayo ka sa mga.. alam mo na.”
“Sa mga ano po?”
“Sa mga tao na maaring magbenta sayo nang bawal na gamot, para hindi mo na maisip na gumamit ulit.”
“A-ano???!! Hindi po ako adik!!!!”

CEO's SON (COMPLETED)Where stories live. Discover now