Thank you!

113K 2.2K 721
                                    

DAhil maarte ako gumawa pa ko nito! LOL. Pero kasi gusto kong magthank you sa lahat!

Sobrang salamat sa lahat ng nagbasa at magbabasa pa ng kwentong ito. As of March 19, 2016 - 6:30AM, ito ang pinakamaraming reads sa lahat ng kwento ko. (tissue please!). Di ko akalain na aabot to ng 1M, promise! Nung nag 100 tapos 2k tapos 30k, tapos 400k, waaah! Mababaliw na ko non! hahaha.

Tulad ng lagi kong sinasabi hindi ako nagsusulat para magkareader, nagsusulat ako kasi stress-reliever ko siya sa work ko bilang Software Analyst (di ako teacher! haha.) at libangan kasi mahilig ako mag daydream ng mga kwento-kwento sa utak ko. hahaha. Kaya napakalaking bonus sa akin na may nagbabasa at nakaka appreciate nito.

Una gusto kong magthank you kay Lord kasi binigyan niya ko ng hilig sa pagsusulat kahit pa ang pangarap ko talaga ay maging dancer. haha. Dejoke. Pero salamat sa Kanya kasi binigyan niya ko ng magandang environment dito sa Eastwood para gumawa ng kwento. Naglalakad lang naman ako sa Open Park ng Eastwood Mall nung maisip ko to. hahaha.

Pangalawa salamat sa friend/boardmate/officemate/batchmate sa NJO/classmate sa bootcamp ko na si April Aquino kasi siya una bumasa nito. haha. Nakita lang niya na nagtatype ako tapos hinanap niya tapos nirecommend na kung kani-kanino! hahaha. Kaya nagkaron ng ibang readers. Kahit nakagat siya ng daga. hahahaha.

Pangatlo sa mga barkada ko na nagbasa nito kasi pinopost ko sa FB at nacurious daw sila. hahaha. Sinama ko na mga pangalan nila sa storya para may participation. Kahiya naman mga demanding eh. hahaha. (yung di ko nasama sa ibang stories ko ipapasok pati yung nagcomplain kasi wrong spelling daw -_-)

Pang-apat sa mga di ko naman kilala na readers na naging friends ko na. Mga masipag mag message, mag comment, mag post sa message board at kung ano-ano pa! Grabe kayo! Natutuwa talaga ako sainyo. Di ko ineexpect na magkakaron ako ng new friends dahil sa story na to! Salamat sainyo!

Panglima sa iba pang silent readers na nakakakadagdag ng reads ko per chapter. LOL. salamat sainyo kasi nagtyaga kayo sa storyang to kahit na lantaran ko ng sinasabi na basahin niyo yung kay Jonaxx kasi ang gaganda talaga ng stories niya (IDOL!). Salamat sa pagbabasa hanggang dulo. Salamat sa pag aantay sa matagal kong updates.


Pang-anim sa bashers. hahaha. Mga nagcocomment ng nakakasawa na daw at yung nagcocorrect sa grammars ko (sarcastically), salamat, kasi may proof-readers ako na libre lang at motivators. Feeling artista ako sa bash. hahaha.

Pang-anim sa SIr Niel ng buhay ko. LOL. Kahit pa sinasabi niyang troll accounts lang lahat ng nagbabasa sa stories ko at ako lang daw lahat yun at nag abala pa daw akong gumawa ng iba-ibang accounts para magcomment sa sarili ko (-_-), suportado pa din niya ko. Trivia, yung proposal ni sir ay proposal niya sakin. wahahahaha. Eksaktong lugar at pwesto. hahaha! Kaya kinikilig ako habang ginagawa yung proposal part kasi naalala ko yung sa amin. wahahaha.


So yun! Salamat sa lahat!


To God be the glory!

----------------

Para sa ikatatahimik ng damdamin ng mga umabot dito.. 

walang special chapter, kasi may book 2. Yes. May Book 2 po ito ang title ay "Ceo's Wife", makivisit nalang sa profile ko andon lang yun. hahaha.

CEO's SON (COMPLETED)Where stories live. Discover now