Chapter 31

122K 2.4K 652
                                    

31.



Antagal ko mag-isip ng isusuot. Magshoshorts ba ko (para porma) o mag papants (dahil malamig sa sinehan). Inisip ko nalang ang kahihinatnan ng mga buhok ko sa legs kung sakaling magshoshorts ako at malamig sa loob, buong palabas silang nakatayo! Wawa naman.

So nagpantalon nalang ako at v-neck shirt black. Inantay ko pang matapos si Gav sa pagpeprepare bago ako nagprepare ng sarili ko kaya alam kong nasa baba na ang dalawa at nag-aantay sakin.

Nag chucks nalang ako ulit kahit pa walking distance lang ang pupuntahan naming. LOL. Di naman siguro alam nung mga taga Eastwood na taga dito lang din kami.

Naabutan kong nakatitig sakin si sir nung pababa na kong hagdan, dinapuan ako ng hiya. Naka khaki shorts na black lang siya at polo-shirt na green tapos naka topsider na sapatos. Si Gav ay naka shorts lang din pero longsleeves na damit ang pinang taas ko sa kanya, kasalukuyan siyang naglalaro sa iPad niya.

"Wag po sana akong madapa." Ang paulit-ulit kong binubulong sa sarili ko dahil nakakatense ang pagtitig ni sir na akala mo naka gown ako! Susme pantalon at shirt lang naman to! Kaconcious.

"Ano, tara?" laking luwag sa puso ko na makarating sa sala ng hindi nadadapa o nababangga sa kung anong muwebles o makakatabig ng vase.

"Yes! Let's go!" tumayo si Gav at agad inilapag sa sofa yung hawak na iPad at humawak sa kamay ko. Tumayo na din naman si sir at hinawakan si Gav sa kabilang kamay.

"Oy sir, baka naman magkotse ka pa! Maglakad nalang tayo! Tatlong kembot lang ang sinehan dito!" tumingin muna siya ng matagal bago tumango at kinuha ang phone para magtext. Napangiti ako. Ayos naman yung maglakad-lakad kami no.

"Alis na po kayo?" sigaw ni Ate Marina mula sa kusina at naghahalo ng kung anong niluluto niya sa stove.

"Yup. We'll be back for dinner."

"Opo sir. Tapos na to mamaya-maya lang. Ingat po. Enjoy." Kumaway din ako sakanya at kumindat naman siya sabay nag 'aja'. Baliw. Sesemehen ke leng nemen sele se senehen. Wihihi.

Doble ang kaba ko, una baka merong mga kumags sa baba ng condo at bigla ko lang makita, kasama ko pa naman sila sir at Gav, tapos nakakakaba na isiping kaming tatlo lang ang lalabas at first time to!

Grabe ang kaba ko pagbukas ng pinto ng elevator sa Ground floor. Nako naman Lord, wag ko sana makita si Caleb or si Kim.

"Are you worried about them?" bulong ni sir nung naglalakad na kami sa lobby at tumitingin-tingin ako sa paligid. Tumango ako ng mahina, para san pa ang pagtatago ko kung alam ko naman na alam na lahat ni sir. Nagpapaimbestiga nga daw diba, sabi ni Ate Marina.

"Don't be, I'm here." And yes, walang hawak, walang yakap, but I felt secured sa apat na words na yun.

Lumakas ang loob ko na maglakad sa lugar na ito, kahit kanina lang dito ko nakasalubong si Kim para lang pala awayin ako, may pafront-front pa siyang mag-uusap daw. Kung sinabi niya sana na aawayin niya ko naready ko naman ang sarili ko, kaya lang hindi eh! Ang lumanay pa magsalita.

Nakalabas kami ng matiwasay, walang humaharang o tumatawag na kakilala. Hanggang makarating kami sa sinehan ay ganon pa din. Matiwasay at masaya sa pakiramdam kaya di ko mapigil na mangiti or ngitian si Gav pag may sinasabi.

Si Gav grabe ang excitement. Talon ng talon. Ginagawa niya habang naglalakad kami yung trip niyang sumasabit sa kamay ng nakahawak sa kanya. Madalas na gawin niya ito pag kasama namin noon si Caleb or si George. Pero, iba ang kilig ko nung si sir na ang nakahawak sa kabilang kamay ni Gav.

CEO's SON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon