Chapter 26

139K 2.2K 486
                                    

26.


Sabi ni sir City Tour ang lakad namin today. Wala pang beach. Owkaaay! Kaya nag shorts muna ako at sleeveless na pink top. Para terno kami ni Gav, pink na sando naman ang pinasuot ko sa kanya.

Nilagay ko sa maliit kong bag ang wayfarers na bigay sakin ni Caleb (couple Wayfarers ang tawag ko. LOL) at yung phone ko. Nagtext na din ako sa kanya para sabihin na gagala na kami ngayon.


Caleb:

Finally! Haha. Enjoy!


"Baby, wag kang lalayo sakin or sa papa mo or kay Ate Marina. We're not familiar with the places na pupuntahan natin kaya dapat, wag kang lalayo samin."

"Yes tita."

"Isa pa, don't be super kulit. Baka magalit si papa mo."

"Yes tita."

Mabuti ng bilinan ng mas maaga tong si Gav kaysa magkaproblema pa ko pag andon na kami. Kasalukuyan ko siyang binibihisan dito sa kwarto nila.

"Tita, you look pretty with that." Tapos nginuso niya yung damit ko.

Napanguso ako para pigilan ang ngiti at tinignan ang suot kong top, binili ko to para dito. Sleeveless para kung sakaling mainit, di ako maiinitan. Tulad ngayon super init.

"Thanks Gav." Tapos kinurot ko yung ilong niya.

"Tita, Kuya Caleb told me that I should look after you when we get here." Kumunot ang noo ko. "Ano?"

"He told me that you might get lost." Natatawa siya. Loko talaga tong si Caleb mga tinuturo kay Gav! "But he also told me that he'll be sad if you'll be lost." Napangiti nalang ako, halong kilig at kilig at another kilig. Si Caleb kasi eeh.

"Should I wear pink, too?"

Napalingon kami parehas ni Gav sa papa niya na nakasandal sa hamba ng pintuan. Tinaasan ko siya ng kilay. Nang-aasar nanaman to dahil terno kami ni Gav. Inggit.

"Hindi. Bakit naman? Okay na yang white sir, gwa- Okay naman yan, I mean." Jeez. Madudulas pa ko. Max. Wag mong kakalimutan na hindi naman kayo totally bati pa ng boss mo. Mga 48% palang. Wag mo siyang pupurihin!

At pwede ba wag kang mapapatitig nalang bigla.

Niyaya ko na si Gav sa baba, nilagpasan namin ang gwapo niyang papa na ngingisi-ngisi sa may pintuan. Nakita kong nakaready na din si Ate Marina at Kuya Jaime. Andon na ang Van na sasakyan namin para sa tour.

Biglang may pumasok sa bahay na isang babae na.. siguro mga late 30s or early 40s na, medyo chubby at mukhang foreigner. Nakashorts lang siya at sanding black.

"Hi, I am Donna. I'll be your personal tour guide today." Sabi niya ng nakasmile. Nyak. Mapapalaban pa yata kami ng English nito! Yung kinuha talaga ni sir na tour guide Amerikana? Asar! "Wow! Ang cute naman ng baby boy na ito. What's your name?"

"Gavin." Sagot ni Gavin sa NAGTATAGALOG NAMAN PALANG tour guide! Thank you Lord.

"Hello Gavin!" bumaling siya sakin, "How about you pretty lady. Are you Gavin's mum?"

"Hindi po. Tutor po niya ko."

Nanlaki ang mata niya pero nakasmile pa din. Tinignan niya ko at si Gav. "Sorry. Pero magkamukha kayo ah. Akala ko talaga ikaw ang mum niya."

"Madami nga pong nagkakamali. Pero di po, bata pa ko."

"Hi Donna, can we go?"

Napatingin kami sa baritone na lalakeng nagsalita sa likod namin, si sir. "Hello Niel, nice to see you again. Yes, we can go now. Everybody's ready?" tumango kami. "Okay!"

CEO's SON (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz