Chapter 22

5.4K 243 0
                                    

Kace Javier's POV;
Nagising ako ng may maliit na kamay na humahaplos sa pisngi ko.

"Good afternoon papa." Bungad ni Kaide habang si Cairo nakaupo sa gilid ng kama at may hawak na tray.

"Tanghali na papa kain kana." Ani ni Kaide na kinalingon ni Cairo na nagbabalat ng apple.

"Kumain kana." Yaya ni Cairo ng mapansin kong nakabihis na ako bumangon na ako.

Hindi katulad kanina medyo okay na ang pakiramdam ko.

"Papa kami nagluto ni daddy niyan hihi." Proud na proud sambit ni Kaide na kinangiti ko.

"Talaga?" Tanong ko ng iabot sakin ni Cairo yung tray.

Nang tikman ko yun natawa ako ng mahina dahil hindi ko maintindihan yung lasa mukhang yung mag ama ko nga nagluto.

"Whats funny papa?" Inosenteng tanong ni Kaide.

"Wala ang sarap ng dinuguan niyo." Sagot ko na kinagusot ng mukha ni Cairo habang si Kaide naman nakanguso.

"Papa its called Batsoy hindi dinuguan." Ani ni Kaide na kinalaki ng mata ko bago natatawang hinalikan sa pisngi si Kaide at tapikin ng mahina sa pisngi si Cairo na nakasimangot na din.

"My bad akala ko dinuguan haha." Ani ko na kinanguso ni Kaide.

"Pasalamat ka andito si Kaide." Pagsusungit ni Cairo na kinatingin ni Kaide.

"Daddy stop hurting him ha?kakagatin kita ulit." Pagbabanta ni Kaide na kinatawa ko ng mahina ng bilatan siya na parang bata ni Cairo.

"Papa o si Daddy." Sumbong ni Kaide na kinailing ko na lang ng magkilitian na yung mag ama ko habang kumakain ako.

"What a cute family." Napatingin ako sa pinto ng makita ko si papa na nakahilig sa sandalan ng pintuan.

"Hi paps!" Bati ni Kaide bago nanakbong lumapit kay papa na agad binuhat si Kaide.

"Mamaya na yung flight ko baka gusto niyong ihatid ako." Nakasimangot na sambit ni papa na kinatawa ko dahil nagiging kamukha ito ni Cairo pag nakasimangot.

"Kaya mo na yan tanda masama pakiramdam ni Kace kaya hind---aww!" Reklamo ni Cairo ng hampasin ko siya sa ulo ng hawak kong kutsara.

"Hahatid ka namin papa para na din magala namin si Kaide." Sagot ko na kinatuwa ni Kaide.

"Yehey lalabas kami!" Tuwang tuwa na sambit ni Kaide.

"Oo nga pala ayaw niyo ba talagang tumira dito? I mean dito may mga katulong kayo may magbabantay din kay Kaide." Ani ni papa na kinatinginan namin ni Cairo.

"Ahm papa si Cairo dapat po ang tanungin niyo about diyan." Sagot ko na kinatingin ni Papa kay Cairo.

"Pagkatapos mo akong palayas layasin dito tanda pababalik---aww!" Ani ni Cairo ng hampasin ko siya ulit na kinatingin niya sakin.

"Ano papalag ka?" Tanong ko na kinangiwi niya bago sumimangot na humarap kay papa na natatawa.

"Para sakin mas gusto ko sa penthouse hindi naman nagkulang sa pag aalaga si Kace samin ni Kaide kaya hindi namin kailangan ng maraming kasambahay at malaking bahay." Sagot ni Cairo a kinatigil ni Papa.

"Ahm yung akin naman mas gusto kong ako nag aasikaso sa mag ama ko at yung kay Kaide kaya ko pa naman pagsabayin ang pag aaral ko may mga kaibigan namang tumutulong sakin sa pag aalaga kaya okay lang na isama sama ko si Kaide." Sagot ko.

"Paps ayoko sa mga witch gusto ko lang kina papa,daddy,tita Lila,kina Kuya Ice cream at kina Uncle Castol." Sagot ni Kaide na kinabuga ng hangin ni papa.

"Okay fine kung yan ang gusto niyo pero Cairo simulan mo na iparenovate ang penthouse niyo lalaki itong si Kaide hindi pwedeng dalawang kwarto lang ang nandun." Bilin ni Papa na kinasalute ni Cairo.

"Dagdagan mo na din allowanc---."

"Tumigil ka Cairo Nera." Putol ni Papa na kinatawa ko.

"Cai hindi pa naman natin kailangan ng ganun kalaking pera besides may naiipon na ako hindi mo na kailangan humingi kay papa ng pangrenovate " sabat ko na kinanguso ni Cairo bago humiga sa mga hita ko habang nakaunan sa mga braso niya.

"Narinig mo tanda hindi na daw kailangan nakapag ipon na ang asawa ko." Balewalang sagot ni Cairo na kinasamid ko.
---
"Kaide wag tumakbo madapa ka." Bilin ko kay Kaide ng makitang nanakbo ito palapit sa van na sasakyan namin para ihatid si papa.

"Kace." Napatingin ako kay papa ng tapikin ako nito.

"Gusto ko lang sabihin na...hindi ako nagkamaling ikaw ang napunta kay Cairo." Ani ni papa na kinatigil ko.

Para akong nabato sa kinatatayuan ko ng makita ko si papa na naglalakad palapit kay Kaide pagkatapos ako nitong tapikin.

'Ganito pala ang pakiramdam.'

"Ayos ka lang." Napatingin ako kay Cairo ng akbayan ako nito habang dala dala ang gamit namin ni Kaide.

"Ah oo tara na." Yaya ko na kinangiti niya bago ako ayaing maglakad.

Habang nasa byahe walang ginawa si Kaide kung hindi kulitin ang daddy at lolo niya habang ako nakatingin sa labas ng bintana at tahimik silang pinakikinggan.

"Kace." Napatingin ako kay Cairo ng hawakan ni Cairo ang kamay ko at iinterwined yun pagkatapos niyang ilusot ang kamay ko sa bulsa niya.

"Ibig sabihin daddy pag 18 na ako pwede na akong gumala mag isa?" Tanong ni Kaide.

"Oo naman basta pag adult kana kaya wag na wag kang lalayo sa papa mo paglalabas kayo ng bahay para hindi ka mawala." Bilin ni Cairo kay Kaide.

"Papa is that true? Mawawala ako pag lumayo ako sayo?" Tanong ni Kaide na kinatingin ko.

"Oo baby baka hindi ka na namin makita pag nawala ka...tapos pag kasama mo sina Kuya Ice cream hindi ka din pwedeng lumayo at wag na wag kang sasama sa mga,strangers." Dagdag ko na kinatango tango ni Kaide bago ngumiti ng malapad.

"Noted papa." Sagot ni Kaide na kinangiti ko.

Taming the Gangster JerkWhere stories live. Discover now