Chapter 38

3.9K 176 1
                                    

Castro Lopez's POV;
Dahil sa likas kaming bulakbol at siraulo halos araw araw kaming nagkakabanggaan ni Nera to the point na tuwing magkakasalubong kami respeto na samin ang suntukan.

Dumadating din sa puntong nakikikunstyaba ako sa iba pang gang para turuan ng leksyon si Nera na wala din namang nangyayari.

Hanggang sa narealize ko na humahanga na ako sa lakas at tibay nito lalo na nung halos lahat ng gang tambangan siya and that time mag isa lang siya nun.

Napabagsak niya lahat ng hindi siya nagasgasan na kinataka ko kung paano ko siya nahampas ng baseball bat nung first day ko sa university.

Nang marealize kong sinadya niya yun mas lalo akong naggitgit at mas lalo ko siyang gustong banggain at durugin.

Hanggang sa isang araw nahanap ako ng isa sa grupo ng mga yakuza na gusto akong kunin at patayin.

"Anong ginagawa niyo dito?" Walang emosyong tanong ni Cairo habang nakatingin sa mga Yakuzang nasa Gate.

"Ibigay niyo sakin si Lopez then walang mangyayaring masama." Ani ng isa sa kanila bago ako tingnan.

Handa na akong lumaban nun at lalabas na ako ng gate ng iharang ni Cairo ang kamay niya at---.

"Hindi pa tapos ang class hours kaya bumalik ka sa klase mo." Walang buhay na utos ni Cairo dahilan para tabigin ko yun at lalabas ako ng gate ng---.

"Fuck!" Mura ko ng ilang segundong tumigil ang paghinga ko ng sikmuraan ako ni Cairo kasunod ng pag kabagsak ko ang panghihina ng buong katawan ko

'P-puta.' Isang suntok lang para ng humiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko.

"Habang nandito sila sa loob university ko walang sino mang pwedeng humila sa kanila palabas kung walang pahintulot ko." Walang emosyong ani ni Cairo na kinadilim ng anyo ng mga Yakuzang humahunting sakin.

'Putangina gulo ko ito sino siya para manghimas---.'

Naputol ang sasabihin ko ng magsilabasan ang mga estudyante ng may kung ano anong hawak tubo,baseball bat,kahoy at kung ano ano pa.

"Akala niyo ba may magagawa yang mga hawak niyo sa baril na hawak ko?" Nagdidilim ang anyong sambit ng isa sa grupo at---.

"Incase lang naman na may tumakbo sa inyo papasok dito." Sagot ni Cairo na kinalaki ng mata ko ng may mga black in men na lumabas galing kung saan sa labas ng university.

"Ikaw." Nanggigigil na sambit ng lalaki ng tutukan sila ng baril ng black in men.

"Masyado na kayong nakakaistorbo." Walang buhay na ani ni Cairo bago tumalikod at lampasan ako na nakaluhod.

Simula ng araw na yun nawalan na ako ng gana makipagbanggan sa kanya hanggang sa napansin ko na lang na nasa likuran na niya ako.

Pag may away o gulo nakikisali na ang grupo namin pero hindi na dahil sa nangunguna kami.

Hanggang sa naguusap usap na kami sumasabay sa pagkain namin at iba pa.

Hindi naging normal ang meet and greet namin nung una, bago maging magkaibigan imbis shake hands suntok at sipa ang nagsilbing pambungad namin sa isat isa,ganyan namin nakilala si...Cairo Nera.

*END OF THE FLASHBACK*

Tahimik lang akong humihithit ng sigarilyo dito sa labas ng university ng makita ko si Javier at Kaide na papalabas ng university kasabayan ang ilang estudyante.

"Yo." Bati ko na kinangiti ni Javier habang naglalakad palabas ng gate.

"Ikaw pala Castro hinanap ka ni sir hindi kana pumasok ng tatlong subject?" Bungad ni Javier pagkatapos kong itapon ang hawak kong sigarilyo ng lumapit ang mag ama.

"Tinamad na akong pumasok pahiram na lang ng notes bukas." Ani ko bago guluhin ang buhok ni Kaide na nakatingin sakin.

"Hindi kasi ako nakapagsulat ng notes kanina gawa ni Kaide pero si Ian may notes yun." Malapad ang ngiting sambit ni Kace na kinatawa ko ng mahina halatado masy---.

Napatigil ako ng hindi sinasadyang napatingin ako sa rare view mirror ng motor na nasa gilid ng gate ng may makita akong kotse na hindi kalayuan sa unuversity.

Paglingon ko saktong pag alis ng kotse na kinakunot ng noo ko.

'Ilang araw ng lagi kong nakikita ang kotse na yun dito.'

"Anong problema?" Tanong ni Kace na kinatingin ko.

"If you don't mind samahan ko na kayo pauwi haha nagugutom na kasi ako gusto kong makikain." Ani ko.

"Yun lang pala sige." Sagot ni Kace pagkatapos kong buhatin si Kaide na hinihila hila ang suot kong uniform.

Cairo Nera's POV;
"Damn." Mura ko ng makaramdam ako ng konting pagkahilo habang naglalakad pababa ng building.

'I'm sure Kaide scold me again' natatawang ani ko sa sarili ko ng marealize kong ginabi nanaman ako.

Nang papunta na ako ng parking lot para sumakay sa kotse napatigil ako ng may makita akong bulto ng tao sa reflection ng bintana ng kotse.

"Sumama ka ng tahimik kung ayaw mong sumabog yang utak mo sa mismong kinatatayuan mo." Ani ng lalaki sa likuran ko habang may hawak na baril at nakatutok sa ulo ko.

"Sa tingin mo susunod ako?" Nanggigigil na sambit ko bago mabilis na umikot at walang kaano anong sipain ang hawak niyang baril kasabay ng pagpunta ko sa likuran niya ang paglock ko sa mga leeg niya ng braso ko ng bigl---.

"As expected sa isang Nera." Ani ng isang boses matapos akong makaramdam ng konting hapdi sa gilid ng leeg ko kasabay ng panghihina ko ang paghila niya sa buhok ko at---.

"Long time no see...Cairo." ang boses na yun.

'Fuck!'

Taming the Gangster JerkWhere stories live. Discover now