Chapter 18

5.1K 263 1
                                    

Kace Javier's POV;
"Tangna Kace inulit mo nanaman." Mura ni Xian ng sagutin kong alam ko.

"Ano bang pinaggagawa mo Kace ginagawa mo nanaman ba ito para sa kakam---."

"Hindi ito tungkol kay Jace tungkol ito sa bata." Putol ko kay Vlad.

"Sobrang bata pa ni Kaide para maranasan ang rejection." Ani ko na kinasapo ko sa noo bago naiinis na sumadal sa sofa.

"Ayokong maranasan niya ang nararanasan ko ngayon." Dagdag ko bago lingunin sina Kaide na nasa garden.

Mula sa glasswall ng garden kitang kita kong tuwang tuwa ito habang nakikipaglaro kina Cairo.

"Nag aalala lang kami sayo Kace lahat it---."

"Alam ko." Putol ko kay Aki bago nakangiting hinarap ang Midnight.

"Pero sana hayaan niyong...kahit sandali lang maranasan kong mabuhay." Bulong ko na kinalambot ng expression nila.

"Kace."
---
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Cairo ng bigla na lang itong sumulpot sa likuran ko.

"Sinasaktan si Kaide?" Tanong ni Cairo na kinatingin ko kina Vlad.

"Nung una naming makita si Kaide alam na naming related siya sa kambal kaya lagi namin siyang sinusubaybayan." Ani ni Vlad.

"Kamukhang kamukha ng kambal si Kaide at nagkataong nasa iisang university kami kaya lagi namin nasasalubong ang bata." Dagdag ni Xian Kim.

"Kung tama ako 6 months ago pa yun." Ani ni Aki Valdez.

"Hindi namin siya mahawakan ng ayos dahil lagi siyang may pasa at malakas ang kutob ko na kagagawan yun ng ina ng bata which is si Tiffany Guttierez." Ani ni Vlad na kinakuyom ng kamao ko.

"Nasan na ang ina ng bata?" Tanong ni Cairo.

"She's dead." Bulong ko na kinatingin nina Vlad sakin.

"Nakita ko yun sa mga documents na binigay ni dad sakin." Dagdag ko.

"Daddy!lets play na ulit!" Napatingin kami kay Kaide ng nanakbo itong lumapit kay Cairo at hilahilahin ang suot nitong damit.

"Uminom ka muna ng tubig." Ani ni Cairo bago buhatin si Kaide papasok ng kusina.

"Hindi ko iniexpect na nakaranas ng ganung pang aabuso si Kaide." Bulong ko.

Matapos makipaglaro ng Black Puma at Midnight kay Kaide nagkanya kanya ng paalam ang mga ito.

"Napagod si Kaide." Komento ni Cairo habang nakaupo sa sofa at nakasandal si Kaide sa katawan niya habang natutulog.

"Dalhin mo na yan sa Kwarto Cai para malinisan ko na." Bulong ko pagkatapos kong isara ang pinto.

"Ako na maglilinis kay Kaide alam ko namang maglilinis ka pa dito."pagpiprisinta ni Cairo bago tumayo at dahan dahang buhatin si Kaide.

"Cai." Ani ko na kinalingon niya.

"Salamat." Bulong ko.

"No prob." Sagot niya bago maglakad papasok ng kwarto.

Atleast alam kong stable na si Kaide pag---dumating ang araw na kinakatakutan ko.
---
Matapos kong maglinis at maghugas ng mga pinagkainan dahan dahan akong lumapit sa pinto ng kwarto ni Cairo at buksan yun.

Hindi ko maiwasang mapangiti ng makitang yakap yakap ni Cairo si Kaide habang natutulog.

"Cai." Bulong ko bago marahang ugain si Cairo.

"Hmm Kace bakit?" Antok na tanong ni Cairo ng makita ako.

"Kukuhanin ko na si Kaide para makatulog ka ng ay---."

"Dito na matutulog si Kaide*yown* masikip na yung kama mo." Bulong ni Cairo bago dahan dahang umupo at tingnan ako.

"Umiiyak sa madaling araw si Kaide baka---."

"Iwanan mo na lang siya ng milk dito ayos lang naman sakin kung nandito si Kaide." Putol ni Cairo bago ngumisi.

"Gusto mo tumabi ka pa dito." Pang aasar niya iigkas ang kamay ko para hampasin siya ng saluhin niya yun at hilahin ako paupo sa mga hita niya.

"Cai ano ba baka magising si Kaid---." Naputol ang sasabihin ko ng yakapin niya ako mula sa likod at sumiksik sa leeg ko.

"Wala namang gayuma sa mga pagkain na pinapakain mo sakin diba?" Out of the blue na tanong niya.

"Tangna ka pala eh bakit kita gagayumahin bitawan mo nga ako." Pikon na sambit ko aalisin ko ang mga braso niya ng mas higpitan niya pa yun at---.

"I think...I like you." Bulong niya na kinatigil ko bahagya.

"Ilang tao ang sinabihan mo ng ganyan." Nakapokerface na tanong ko.

"Ikaw ang una." Sagot ni Cairo na kinalingon ko.

"Unang lalaking sinabihan ko." Dagdag niya habang nakataas ang labi dahilan para---.

"Fuck." Mura niya dahilan para mapabitaw siya ng untugin ko siya at dumugo ang gilid ng labi niya.

"Jerk." Bulong ko bago lumabas ng kwarto.

Pagkatapos kong isara ang pinto napasandal ako dito sandali kasabay ng pagguhit ng ngiti sa mga labi ko.

"Gago talaga siya." Pailing iling na bulong ko bago naglakad papasok ng kwarto ko.

Taming the Gangster JerkOn viuen les histories. Descobreix ara