Chapter 8

5.5K 259 2
                                    

Cairo Nera's POV;
"Boyfriend ba ni Javier yung lalaki kanina?" Rinig kong tanong ni Allen na kinayupi ng latang hawak ko.

"Siguro nakita mo naman kanina diba?" Sagot ni Wallace.

"Oy saan ka pupunta Cairo?"rinig kong tanong ni Castro ng maglakad ako palabas ng pinto ng classroom.

"Kay Veronica." Walang emosyong sagot ko bago isara ang pinto at maglakad pababa ng hagdan.

'Damn it! Pakialam ko kung may boyfriend ang baklang yun bakit ba ako naiinis?may girlfriend din naman ako.'

Parang tangang sambit ko sa sarili ko habang inaalala ko yung nakita ko kanina na kinamura ko.

Kumukulo talaga ang dugo ko sa mga tulad nila.

Kace Javier's POV;
["Ha?hindi ba umuuwi diyan si Cairo?"] Tanong ni papa na kinatahimik ko.
Ibig sabihin wala sa kanila.

"Baka malalate lang papa sorry sa istorbo." Ani ko bago patayin ang tawag na kinabuga ko ng hangin.

Since nung sa vacant room hindi na umuuwi si Cairo nakikita ko siya sa eskwelahan pero hindi ko malapitan dahil sa kabilinbilinan niya na wag ko siyang lalapitan.

Ayoko din namang maissue siya katulad ng ginawa ko dati na bigla ko na lang siya hinalikan lalo na't class president siya.

"Ano bang pinaggagawa ng gagong yun?" Nanggigil na tanong ko bago tingnan ang mga pagkain sa lamesa na hindi man lang nagalaw.

Kahit hindi siya umuuwi dito dinadalhan ko siya ng pagkain sa office niya alam kong pumapasok siya dun pero hindi man lang siya nag abalang kuhanin o tingnan man lang yun dahil hindi man lang nagalaw yun sa kinalalagyan.

Apat na araw...apat na araw damn it.
Napapikit ako ng madiin bago umupo sa sofa at bahagyang hilutin ang sintido ko.

Cairo Nera's POV;
"Tangna mo Nera ano bang merom sa bahay mo at ayaw mong umuwi tingnan mo itong tambayan natin ginawa mo ng basurahan!" Bulyaw ni Wallace habang nililigpit ang mga damit ko na nagkalat.

"Wag ka ngang maingay ang aga aga." Reklamo ko habang nakadapa sa sofa.

"Bumangon kana diyan gago mag iikot pa tayo sa campus!" Bira naman ni Allen na kinakamot ko sa ulo bago naiinis na bumangon at pumasok sa bathroom.

Tangna mga panira ng tulog.

Habang nagshoshower narealize kong panglimang araw na pala since ng magstay ako dito at hindi na umuwi.

"Tsk naiinis talaga ako sa baklang yun." Nanggigil na sambit ko ng maalala ko ang mukha ni Kace.

Nang matapos ako maligo nagbihis na ako ng uniform at lumabas ng tambayan.

"Pupunta muna ako sa office ko." Paalam ko kina Wallace na nag ok sign lang habang may kausap na ilang estudyante.

May mga rereviewhin pa pala akong report dadalhin ko na lang sa tambayan para makapag focus ako.

'Goodmorning pres.'

'Kyaah ang pogi ni pres.'

Nang makarating ako sa office ko wala na dun yung lunch box na ginagawa ni Kace.

Hindi niya lang alam kung panong pagpipigil ang ginagawa ko para hindi kuhanin yun.

"There you are." Napatingin ako sa pinto ng bumukas yun at pumasok si---.

"Veronica." Ani ko ng makita ko si Veronica na naglalakad palapit sakin.

"Hey babe bakit hindi kana tumawag kahapon?" Tanong niya bago ako bahagyang itulak dahilan para mapasandal ako sa table.

"May mga nireview lang ako." Sagot ko bago siya hapitin sa bewang at siilin ng halik ng---.

Fuck! Mura ko sa isipan ko ng pumasok sa isip ko si Kace sa sobrang frustration ko inikot ko si Veronica at halos ihiga ko na sa lamesa.

"Ummm C-Cairo." Ungol ni Veronica ng halikan ko siya mula sa labi pababa sa leeg niya habang nilalamas ang magkabilang dibdib niya.

Damn it wala man lang akong nararamdamang kahit na ano at wala man lang ibang pumapasok sa isip ko kundi si Kac---.

*blaag*

Napatingin ako sa pinto ng may bumagsak na kung ano dun at---.

"Ohmygod!" React ni Veronica bago dali daling nag ayos ng makita si...Kace na nakatulala samin.

"A-Ah s-sorry kung naistorbo ko kayo." Bulong niya bago umupo para damputin ang dalawang lunch box.

Gusto ko siyang lapitan pero---.

"Pasensya na ulit sa istorbo." Para akong nabato sa kinatatayuan ng tapunan niya ako ng tingin na hindi ko maintindihan.

"Nera!" Napatingin ako kay Allen ng tapikin ako nito na kinakurap ko.

"Gago! Kanina pa tapos ang klase 30 minutes ka ng ganyan." Ani ni Allen na kinasapo ko sa noo.

"Papasok pa ba ang prof natin sa last subject?" Out of the blue na tanong ko na kinakunot noo ni Castro.

"Tangna mo pre ang creepy mo nasang mundo ko kanina...tapos na ang klase natin kanina pa." Sagot ni Castro na nasa unahan.

"Buong klase ka ba occupied?dalawang oras yun ah ni hindi mo napansing pumasok at lumabas si prof ayos ka lang ba?" Tanong ni Wallace na kinabuga ko ng hangin.

"Pagod lang siguro this past few days kasi maraming hinihingi ang Dean." Sagot ko na kinatango nung dalawa habang si Allen nakatitig sakin.

"Ayos lang ba kayo ni Veronica?kanina din kasi andito siya kaso mukhang nasa outer space utak mo kaya hindi mo naririnig." Ani ni Allen na kinabuga ko ng hangin bago maghalumbaba at tumingin sa labas.

"Saturday naman bukas inuman tayo." Out of the blue na yaya ko sa mga kabarkada ko.

Taming the Gangster JerkWhere stories live. Discover now