Epilogue

8K 290 15
                                    

EPILOGUE

"Kuya pasalubong ko ah." Ani ni Eros bago mahigpit na niyakap si Kaide.

"Aba oo naman makakalimutan ko ba naman ang pasalubong ng bunso ko." Ani ni Kaide bago bahagyang guluhin ang buhok ng mga kapatid at halikan ako sa noo.

"Airo ikaw na bahala kina papa at Eros ah specially kay papa pagpupunta ng university wag kang papasok ng klase mo hanggat hindi nakakaalis si papa." Bilin ni Kaide na kinagusot ng mukha ko lalo na ng tawanan ako ni Cairo na nakapamulsahang nakatingin saming mag aama.

"Hindi na ako bata manang mana kayo sa ama niyo." Sabat ko na kinatingin ni Kaide at Airo na kinangiwi ko.

Nasa gilid ko si Cairo pero bakit pakiramdam ko nasa harapan ko lang siya dahil sa mga anak namin ibang klase tss.
---
Tahimik lang akong naghahanda ng dinner ng---.

"Cai." Bulong ko ng maramdaman ko ang presensya niya at yakapin ako ng mahigpit mula sa likod.

"Welcome home nagluluto pa ako." Ani ko bago siya bahagyang harapin na tinitingnan ang ginagawa ko.

"Aantayin ko yan mukhang masarap eh." Ani niya na kinangiti ko bago tumingkayad at dampian siya ng magaan na halik na kinangiti niya bago ako halikan sa noo.

Ganito kami pag nasa bahay at kami lang dalawa hindi kami nag uusap dahil mas komportable kami sa ganito.

Katulad ng mga karaniwang mag asawa nag aaway din kami specially si Cairo minsan lumalabas talaga ang pagiging sanggano nito na alam kong hindi niya nakokontrol lalo na pag galit siya.

Pero kahit kailan hindi yun nakabawas sa pagmamahal ko sakanya ganun din siya sakin madalas nasasampal ko pa nga siya pag may nasasabi na siyang hindi ko gusto.

Hindi mo masasabing perpekto ang pamilya namin dahil sa yaman at impluwensya ng pareho naming pamilya pero para saming dalawa walang silbi ang salitang perpekto kung gaano ang sayang naibibigay namin sa isa't isa kasama ang mga anak namin.

Hindi madaling intindihin ang ugali ni Cairo pero hanggat mahal ako ni Cairo at nanatili ang kislap ng mga mata nito pag nakikita ako... kampante ako.

Kampante ako na hindi niya ako masasaktan o kahit ang anak namin dahil sa sobrang pagmamahal nito samin.

May nagbago sa pagkatao niya na lahat gagawin niya samin at yun ang pinakamamahal ko sa pagktao niya.

"I love you Kace Javier...Nera." bulong niya sa tenga ko na kinatawa ko ng mahina.

"Ilan ng sinabihan mo ng ganyan Nera?" Natatawang tanong ko.

"Ikaw ang una." Pang sasakay niya.

"Unang lalaki na minahal at mamahalin ko pa kasama ang mga anak natin." Sagot niya na kinangiti ko.

Ito ang dahilan kung bakit kampante ako.

'Hindi siya nagsasawang ulit ulitin ang mga salitang araw araw gusto ko marinig '

Taming the Gangster JerkWhere stories live. Discover now