Chapter 37

4.2K 182 3
                                    

Castro Lopez's POV;
"Papalag ka?" Nanggigigil na tanong ko sa estudyanteng hawak ko sa leeg at itutulak ko talaga mula 3rd floor, Tangna mga dumayo pa sa college department para lang maghamon ng gulo.

"Dre tama na nililimitahan lang tayo ni Nera sa mga ganito." Paalala ni Wallace na kinaismid ko bago walang kaano anong sipain ito pagkatapos mapaluhod sa sahig habang habol ang hininga.

"Ayos na dito sa likod naman ng cafeteria." Ani ni Allen habang hawak ang ulo niya.

"Putangina mga wala silang kadala dala kanino namang grupo ngayon?" Nanggigigil na tanong ni Wallace.

"Grupo nina Maki." Sagot ni Allen.

"Kalalabas lang sa ospital ng putanginang mga yun diba?" Nagigitgit na tanong ko habang naglalakad kami pababa.

"Young masters." bati ng medic ng masalubong namin habang pababa ng hagdan.

"Kayo na bahala sa taas." Rinig kong utos ni Allen.

This past few days parami na ng parami ang mga gangsters na pumapasok dito.

Madami na din ang nagtatransferred out na mga normal student dahil sa takot.

"Hindi na talaga ako magtataka kung sa mga susunod na mga araw iannounce na lang nina tito na Gangster school na ito." Ani ni Wallace.

'See pare pareho kami ng iniisip.

Nang makarating kami sa likod ng Cafeteria nakahiga na ang mga gangster na nireklamo samin kani kanina lang.

"Tatlo na kayo hindi niyo pa natapos yun sa loob ng tatlong minuto?" Ani ni Nera na kinabuga ko ng hangin.

"Kung hindi mo kami binigyan ng utos na hanggat maaari iwasan ang mga physical injuries sa laban hindi kami matatagalan." Ani ko na kinailing niya.

"Ayoko lang makapatay kayo." Sagot niya habang niluluwagan ang suot niyang necktie at nilampasan kami.

Pano ba kami napasok at napunta sa ganito?
Kung hindi ba kami pinasok dito at nakilala si Cairo ano kayang kinalalagyan namin ngayon?

FLASHBACK
"Ano nanamam ito Castro?!" Bulyaw sakin ni papa matapos akong bigyan ng malakas na suntok at ibato sa mukha ko ang dyaryo.

"Puro na lang ba kahihiyan ang ibibigay mo sa pamilyang ito!"bulyaw ni papa bago ako bigyan ng malakas na sipa sa sikmura na kinaubo ko.

"Tito!" Rinig kong sigaw ni Allen bago ako lapitan kasunod si Wallace.

"At kayong dalawa! Ilang beses ko ng sinabi sa inyo na layuan niyo ang anak ko." Galit na galit na sigaw ni papa.

Naikuyom ko ang kamao ko ng makita ko kung pano ipahila ni papa sina Allen sa mga tauhan niya.

"Anak ano ba talagang nangyayari sayo? 14 years old ka pa lang nakagawa kana ng ganitong mga bagay." Naiiyak na sambit ni mama na kinalambot ng ekspresyon ko.

"Kausapin mo yang anak mo Carolina, mapapatay ko na talaga ang batang yan pag naulit pa ito." Walang emosyong sambit ni papa bago tumalikod at maglakad palabas ng kwarto kasunod ang mga tauhan niya.

"Anak hindi laro ang pagpatay para ulit ulitin mo anak." Ani ni mama bago lumuhod sa harap ko at yakapin ako ng mahigpit.

"Mama hindi ko din naman gusto ito pero kung hindi ako lalaban papatayin nila ako." Bulong ko na kinahagulhol ni mama.

"Alam ko yun anak pero kung pagpapatuloy mo ito mas lalo ka lang mapapahamak." Ani ni mama.

"Kakausapin ko ang papa mo ipapadala kita sa pilipinas." Ani ni mama na kinatingin ko.

"Pero ma---."

"Ipapakiusap kita sa kaibigan ng papa mo." Putol ni mama bago marahang haplusin ang pisngi ko.

"Delikado ang mga yakuza anak hindi ka nila titigilan lalo na't ang leader nila ang inagrabyado mo, hindi ko alam kung panong nangyari na napatay mo ang leader nila pero mas mabuting lumayo kana lang dito." Bulong ni mama.

"Isama mo sina Allen ako na bahala kina Mrs. Alcaraz at Mrs.Mendez." ani ni mama na kinatahimik ko.

"Hindi ako duwag mama kayang kaya ko sil---."

"Anak para sakin, nagmamakaawa ako umiwas kana hindi ko na kayang mawalan pa ng isang anak ikaw na lang ang meron ako Castro." Umiiyak na sambit ni mama na kinamura ko.

Kilala ako bilang Heartless Demon dito sa Japan dahil sa lakas at galing ko.

Ilan na din ang napatay ko sa age na 12 to 14 dahil sa nangyari sa kuya ko.

Napuno ng paghihiganti ang puso ko kaya kahit sino pinapatay ko basta related sa mga taong pumatay sa kuya mapamatanda,bata,babae o lalaki wala akong sinasanto.

Kahit si papa hindi ako mapigilan to the point na kinakadena niya na ako sa basement at pinabubugbog para lang hindi ako makagalaw at makatakas.

Pero kung may tao mang kayang palinawin ang pag iisip ko tuwing nawawala ako sa sarili ang ina ko na yun her tears makes me weak.

Pakiramdan ko may kung anong pumipiga sa puso ko tuwing umiiyak siya sa harapan ko kaya ng araw na yun napag pasyahan kong sundin na si mama.

Mag aaral ako sa university na pinalalakad ng mga Nera.
----
"Fuck!" Mura ko ng may taong bigla na lang bumanat sakin ng may estudyante akong biglang sinakal dahil sa nabangga ako.

"Hindi porket kaibigan ni tanda ang ama niyo palalampasin ko na ang ginagawa niyo ss university ko." Walang emosyong sambit ng lalaking may hawak na baseball bat.

"Putangina mo pala wala akong pakialam!" Nanggigil na sambit ko bago tumayo at susugurin siya ng bigla bigla niya na lang ako hampasin kanina ng basebal bat sa likod.

Wala akong pakialam kung presidente pa siya ng pilipinas o anak ng may ari ng university na ito wala siyang karapatang saktan ako.

Sa sobrang gigil ko dahil hindi ko siya matamaan mabilis kong kinuha yung baseball bat na hinagis niya para makipaglaban ng patas sakin at hinampas yun sa ulo niya na kinatigil ko ng hindi ito nagpatinag.

Habang dumudugo ang ulo niya pababa sa maangas nitong mukha nanatili itong nakatingin sakin na kinabitaw ko sa hawak kong baseball bat.

Walang kahit na anong nanduon kahit na awa, galit o ano nakatingin lang ito sakin na parang binabasa ang kaloob looban ng kaluluwa ko.

"Malakas ka,mabilis pero wala sa wisyo yang pag iisip mo." Walang gana niyang sambit bago humakbang palapit sakin na kinaatras ko.

'T-tangna b-bakit ako umatras?'

"Hindi lahat ng bagay dinadaan sa dahas, sayang yang galing mo kung hindi mo din naman kayang kontrolin ang emosyon mo." Ani niya bago damputin ang baseball bat at salubungin ang tingin ko.

Cool lang itong tumalikod samin hanggang sa---.

*blaag*

Napapokerface ako ng bumagsak siya sa hindi kalayuan samin dahil siguro sa paghampas ko sakanya.

Taming the Gangster JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon