Chapter 43

4.7K 199 1
                                    

Kace Javier's POV;
Kitang kita ko kung pano makitang pumalag yung batang lalaki habang nakakadena ang buong katawan niya at nakabalot sa isang makapal na tela.

"Cai ano bang ginagawa niyo bakit ganyan?" Tanong ko ng makita ang batang lalaki na hawak ng mga tauhan ni papa.

"Ako ang gumawa niyan." Ani ni papa na kinatingin ko habang hinihilot ang sintido niya.

"Anim sa tauhan ko ang hanggang ngayon tulog pa din dahil sa batang yan." Dagdag ni papa na kinangiwi ko ng makitang ilan sa mga tauhan nito ang nakahiga sa stretcher na tulak tulak nina Aki pasakay ng private plane ni papa.

"Papa pasensya na talaga hindi kasi namin alam ang gagawin." Ani ko na kinangiti ni papa.

"Its okay iho ako na ang bahala sa batang yan." Ani ni papa na kinatingin ko.

"Kaide saan ka pupunta?" Tanong ko ng makita ko ang anak ko at agad ito sinundan ng lumapit ito sa batang lalaki.

"What's your name?" Rinig kong tanong ni Kaide ng makalapit kami sa batang lalaki.

Hindi katulad kanina nakatayo na lang ito at nakatingin kay Kaide.

"Hey what's your name." Tila napipikon na sambit ni Kaide.

"Kaide tara na hahanapin pa ni paps mo ang info about sa batang yan kaya sa tingin ko wala pa siyang pangalan." Ani ko bago hawakan si Kaide at tatalikod na kami ng humarap ulit si Kaide at---.

"Caito." Ani ni Kaide na kinatingin ko.

"Yun ang ipapangalan ko sakanya papa." Bulong ni Kaide bago kumaway sa batang lalaki na kinangiti ko.

"Pag adult na ako pupuntahan kita kina paps wag kang aalis dun ah." Bilin niya bago humawak sakin at naglakad na kami paalis.

3rd Person's POV;
[Lumipas ang maraming taon.]
"What?! but papa! ayokong pumunta ng England mag aano naman ako d---."

"Lower than your voice kiddo baka nakakalimutan mong papa mo ang kausap mo." Kalmadong sambit ni Cairo habang nakaakbay sa asawa na kinalambot ng ekspresyon ni Kaide at umupo sa dating kinauupuan.

Kace Javier's POV;
Pagkatapos ng kasal namin ni Cairo ito kami going strong pa din at patuloy pa ding nagbibilang ng taon.

Si Cairo ang nagmana ng business ni papa after nitong magretired at makatapos ng pag aaral si Cairo habang ako eto sa bahay ayaw ako pagtrabahuhin ni Cairo dahil ayaw niya daw ako napapagod at mas gusto niya na tutok ako sa mga anak namin specially kay Kaide dahil sa baluktot nitong pag uugali.

Oo baluktot mas nakuha niya ang ugali ni Cairo short tempered ito at laging napapasabak sa gulo, buti na lang kung katulad ng daddy niya katahimikan ang gusto sa university...hindi eh takaw ito sa gulo at gusto niya kinakatakutan siya para daw mas mapasunod ang mga estudyante.

Nag aalala ako dahil sa ganitong pag iisip ni Kaide pero kahit ganun nakokontrol pa din namin siya takot siya kay Cairo as in sakanya lang sumusunod si Cairo habang ako kailangan ko pa talagang umiyak sa harapan niya at magmakaawa pag may ginagawa siyang hindi ko gusto.

Pero masasabi ko namang kumpara kay Cairo mas over protective sakin si Kaide pag nag aaway kami ni Cairo at naririnig niyang may sinasabing hindi maganda si Cairo sakin harap harapan niyang sinasagot si Cairo.

Oo takot siya at sinusunod si Cairo pero iba na ang usapan pag ako na ang inaagrabyado ng daddy niya.

Naalala ko nun saktong 16th birthday niya nag away kami ni Cairo nagbasag si Cairo sa harapan ko at muntikan na akong matamaan ng vase.

Kitang kita ni Kaide yun pero alam kong hindi yun sinasadya ni Cairo lalapitan ako ni Cairo nun ng bulyawan siya ni Kaide at sabihing ilalayo ako sa bahay na yun.
16 years old nun si Kaide pero naghahabulan na sila sa katawan ni Cairo dahil nagtatrain ito kasama si Jace.

Taming the Gangster JerkWhere stories live. Discover now