Chapter 31

4.3K 236 10
                                    

Kace Javier's POV;
Tahimik lang akong nakaupo dito sa gilid ng kama ng makarinig ako ng tatlong katok sa pinto.

Pero hindi ko pinansin yun hanggang sa nagsunod sunod yun na kinainis ko.

Bago mabibigat ang paang lumapit sa pinto a---.

"Roqas! an---." Naputol ang sasabihin ko ng pagbukas ko ng pinto napaatras ako papasok ng kwarto ng may yumakap sa bewang ko at sumiksik sa leeg ko.

"C-Cai." Hindi makapaniwalang sambit ko ng maamoy ko ang mabangong amoy na gustong gusto ko.

"B-Bumalik k-kana." Para akong nabato sa kinatatayuan ko ng makaramdam ako ng basa sa gilid ng leeg ko at nagpadausdos siya pababa habang yakap ang bewang ko.

"K-Kailangan ka namin ni Kaide,Kace." Basag na sambit niya na kinakuyom ng kamak ko.

Walang sinasabi si Cairo sakin pero ramdam na ramdam ko ang galit at lungkot niya sa mga yakap at hawak niya sakin.

'Jace hayop ka ano naman ang ginawa mo ngayon?'
---
Nang makatulog si Cairo dinampot ko ang bagay na kanina niya pa hawak na usb at tahimik na sinalpak yun sa laptop ko at pinanood yun.

'Hayop ka talaga Jace.' Ani ko habang nanggagalaiting ikinuyom ko ang kamao ko ng makita ang ginawa niya sa mag ama ko.

"Lahat ng bagay pinaubaya ko sayo kakambal mo ako pero ginawa mo akong panangga sa mga kasalanan mo." Bulong ko habang nandidilim ang anyong nakatingin sa last video.

Hinayaan kita sa mga ginagawa mo kahit ginagamit mo ang pangalan ko sa kawalang hiyaan mo....para lang kay mom hinayaan kita.

Ginawa mo akong anino sa mga kahayupang ginagawa mo pero this time...sisiguraduhin kong kukunin ko lahat ng bagay na dapat ay akin at deserve kong mapasakin

'Kace bigay mo na yan sa kakambal mo para wala ng away.' Ani ni mom na kinatahimik ko.

Hanggang kailan ako ang dapat umunuwa?hanggang kailan na tuwing may masamang nangyayari at nasisira ang image ng pamilya natin ako ang masama?

"Kace pagpasensyahan mo na ang kakambal mo ikaw na umintindi." Ani ni mom habang nakaluhod sa harap ko at hawak ang pisngi ko.

Ilang beses ko na siyang inintindi sawang sawa na ako umunawa sa mga kagaguhan niya na ako ang naagrabyado pag nagkasisihan na.

Ako ang masama,ako ang rebelde ako na ang walang kwenta naging anino ako ng kakambal kong walang ginawa kung hindi magpanggap na anghel at mahina.

"Kace anong nangyari bakit mas mataas ang avarage mo sa kakambal mo kakausapin ko ang advicer niyo bukas baka napagkamalan nanamang ikaw si Jace." Pailing iling na sambit ni mom.

Hanggang kailan ko kailangan magbigay? Ubos na ubos na ako sawang sawa na ako umintindi pati mga taong iniingatan at pinoprotektahan ko nasasaktan ko ng walang kaalam alam dahil sa kakambal kong walang ginawa kung hindi gawin akong masama sa harap ng maraming tao.

Sirain ang pangalan at pagkatao ko.
Hindi ko maiwasang manginig sa sobrang galit...pagod na pagod na akong umunawa at manatiling anino.

Hanggang kailan ako magpapanggap na malakas para sa pamilyang ito.

"Kace."

Kusang tumulo ang mga luha ko ng maramdaman ko ang yakap ni Cairo mula sa likod ko at tabigin ang laptop na nasa mga hita ko.

"Galit na galit ako Cai gustong gusto ko siyang patayin*huk*galit na galit ako."

Umiiyak na sambit ko habang nanginginig na hinawakan ang dalawang braso niya ng mas hinigpitan pa ang yakap sa bewang ko.

"Wag mo na ulit kami iwan Kace...kung ganun din naman ang taong papakasalan ko mas mabuting sabihin ko na lang kay papa na hindi na ako magpapakasal." Bulong ni Cairo bago sumiksik sa leeg ko.

"Ikaw lang ang kaisa isang taong gusto kong pakasalan...at kayo lang ni Kaide ang nakikita kong gusto ko makasama habang buhay." Dagdag ni Cairo na kinapunas ko ng marahas sa pisngi ko.

"Hinding hindi mangyayari yun Cai." Bulong ko bago umikot paharap at sapuin ang dalawang pisngi ni Cairo.

"Hindi na ako makakapayag na kunin ni Jace ang isa man sa inyo ni Kaide." Bulong ko bago siilin ng halik si Cairo at ihiga sa kama.

"This time kukunin ko na ang dapat akin talaga." Bulong ko ng magtama ang mata namin ni Cairo.

Taming the Gangster JerkWhere stories live. Discover now