Chapter 34

4.3K 227 0
                                    

Kace Javier's POV;
Hindi na ako nagtaka ng iwasan ako ng mga estudyante dito dahil sa nabalitaan ko kina Castro pero---.

"Bakit ka andiyan Ian?" Nakapoker face na tanong ko ng makita ko siyang nagtatago sa likod ng poste na malapit sa gate.

"Ahm kas---."

"Ohmy!is that you na ba Kaceybabes!" Ani nito ng marealize na ako na nga.

"Ako na ito pakibuhat si Kaide may kakausapin lang ako." Utos ko na agad niyang ginawa.

"Pap---."

"Babalik din si papa dito ka muna kay Tita Lila." Putol ko nung una ayaw niya pumayag pero maya maya bumitaw na din siya at marahang tumango.

Since ng mangyari yun hindi ko na ulit nakitang tumawa si Kaide pag naaalimpungatan siya at nakikita ako nag wawala na ito habang umiiyak.

Nahihirapan ako sa nangyayari sa anak ko at hindi ako papayag na hindi ko mapagbayad ang ginawa nila sa anak at mag ama ko.

Cairo Nera's POV;
"Hindi ba tayo bababa?" Tanong ni Castro habang nasa tabi ko at nakatingin sa mga taong nasa field.

"Bakit tayo bababa?" Walang ganang sagot ko habang nakatingin kay Kace na kinakausap ang Lost Demon.

"Nakikita mo ba kung sino sino ang nasa baba?" Pokerface na tanong ni Wallace na kinakibit balikat ko.

"Wala akong balak pigilan si Kace kung ano mang gagawin niya." Sagot ko na kinatingin nung tatlo.

"Mga gangster ang Lost Demon tangna ka papabugbog mo si Kace?" Ani ni Allen na kinakibit balikat ko.

"Kung alam kong mangyayari yun ako na bumanat sa mga demonyong yan."sagot ko bago itungkod ang dalawang kamay ko sa railing at tingnan si Kace na walang emosyong nakatingin sa apat na miyembro ng Lost Demon.

"Aww sakit nun." Komento ni Allen ng makitang tuhudin ni Kace ang pagkalalaki ni Kyo at walang kaano anong sikmuraan ang lalaking balak sumugod sakanya.

"Daddy."

"Kaide." Ani ko ng makita kong buhat ni Roqas si Kaide kasunod si Ian at ang iba pang members ng midnight na pinanonood si Kace na nasa baba.

"Anong nangyari?" Tanong ko bago lumapit at kinuha si Kaide na agad nagpabuhat sakin.

"Sabi ko nga gagala kami pero sabi niya pupunta daw siya sayo." Ani ni Roqas na kinaiwas ng tingin nina Aki.

"Whats is it Aki? may sasabihin ka ba?"tanong ko.

"Haha wala naman naisip ko lang sundan niyo na si Kaide." Ani ni Aki na kinatingin nina Castro.

"Oo nga bigyan niyo na ng kalaro si Kaide." Dagdag ni Xian.

"Gusto mo na ba ng kalaro Kaide?" Tanong ni Dylan na kinatango ni Kaide bago sumiksik sa leeg ko.
--
"Galit ka pa din ba sakin?" Napatigil ako at binaba ang hawak kong beer ng may yumakap sakin mula sa likod.

"Why would I?" Walang gana kong sagot ng iikot niya ako paharap at sumiksik sa dibdib ko.

'Damn it!pano ko magagawang magalit sa ganitong nilalang?' Nakapoker face na tanong ko sa sarili ko ng iangat ni Kace ang mukha niya at salubungin ang tingin ko.

"I-I-I love you." Bulong niya habang namumulang umiwas ng tingin sakin.

"Kung sinasabi mo yan dahil galit ako wag mo ng ulitin." Ani ko aalis ako ng hablutin niya ako at ibalya sa kama.

'Tangina ang liit liit na tao naibalya ako.'

"Wag ka na ngang pakipot! ako na nga nanunuyo ganyan ka pa." Umuusok ang ilong na sambit niya na hindi ko alam kung matatawa ako o ano dahil sa sobrang cute niya.

Pero ng maalala kong nagtatampo ako umiwas ako ng tingin at hindi nagsalita.

"Ikaw pa galit." Ani ko ng---.

"Sorry." Bulong niya bago lumuhod sa harap ko at sapuin ang dalawang pisngi ko.

"Mahal kita and sorry kung ginawa ko yun...kung basta ko na lang kayo pinabayaan ni Kaide." Ani niya bago pinatong ang ulo niya sa hita ko.

"Wala naman kasi talaga akong karapatan sa inyo kay Jace ka pinagkasundo hindi sakin...si Kaide naman tunay na anak ni Jace wala talagang sakin at naging dummy lang ako ni Jace." Bulong niya na kinahinto ko sandali.

"Bago ako ipakilala sayo ni Dad that time na confine si Jace na commatose dahil sa sobrang pambubugbog ko." Pag amin niya.

"Kinausap ako ni Dad about dun lalo na sa...sa arrange marriage na mangyayari inisip ni papa na ako na ang magpakilala bilang fiancé mo hanggang sa magkamalay si Jace." Dagdag niya.

"Wala sa plano ko ang seryosohin lahat ng ito at magkagusto sayo." Bulong niya na kinatigil ko.

"Mayabang ka,mahangin sobrang taas ng tingin sa sarili pero ng makilala kita at dumating si Kaide may ginawa kang hindi ko iniexpect nakita ko ang soft side mo."dagdag niya habang nakasubsob sa hita ko.

"Hirap na hirap ako mag adjust nung isang buwan na hindi ko kayo nakasama ni Kaide." Ani niya ng---.

"Wala na akong pinagluluto tuwing umaga,wala ng babati sakin ng goodmorning,wala ng lumalandi at nang aasar sakin,wala ng tumatawag na bata pag napipikon ako,wala ng tumatawag na papa, wala ng aawat pag nagkakasagutan nanaman tayo...nabuhay ako ng 2O years na ako lang mag isa at ilang buwan ko pa lang kayo nakakasama pero parang kalahati na sa buhay ko ang nawala ng kuhanin na kayo sakin ni Jace." Ani niya.

"I'm sorry nagkamali ako...Cai." bulong niya na kinabuga ko ng hangin.

"Wag na wag mo na kami ulit iiwan Kace." Bulong ko na kinatingin niya.

"I love you Kace more than everything...kayo ni Kaide ang pinakamahalagang tao para sakin." Dagdag ko bago marahang haplusin ang pisngi niya.

"Hindi ko kailangan ng katulad mo ang kailangan ko ay ikaw mismo." Ani ko bago pasadahan ng daliri ko ang bawat parte ng mukha ni Kace.

"Kaya wag mong iisipin na dahil sa kamukha mo si Jace ganun na din ang mararamdaman ko sakanya." Dagdag ko na kinagilid ng luha niya.

Si Kace yung tipong masasabi mong napaka rare na nageexist sa mundong ito.
Napaka selfless,caring at protective si Kace pag dating sa mga taong iniingatan niya pero nagiging murderous and dangerous oras na may kumanti dito at yun ang isa sa mga side na hindi ko iniexpect sa likod ng maamong mukhang ito ni Kace.

"I love you too Cai and I mean it." Bulong niya bago sapuin ang dalawang pisngi ko at siilin ng malalim na halik.

Halik na kahit na sa sinong babae at tao hindi mapapantayan ang pakiramdam na kay Kace ko lang nararamdaman.

Taming the Gangster JerkWhere stories live. Discover now