Chapter 11

5.6K 274 4
                                    

Kace Javier's POV;
"Wow!ang sarap." Komento nung wallace ng matikman ang luto ko.

"Ikaw ba talaga nagluto nito?" Tanong nung Allen habang sunod sunod na sumubo.

"Ang sarap mo pala magluto Kace." Komento ni Castro na kinangiti ko.

"Kace Kace pwede ba kaming pumunta dito pag sabado at linggo makikikain kami." Paalam ni Wallace.

"Okay la---."

"Hindi." Magkaibang sagot namin ni Cairo na kinatingin ko.

"Ang damot mo Cairo." Nakangusong sabat ni Allen.

"Uubusin niyo stock namin ng pagkain." Sagot ni Cairo habang kumakain.

"Eh di kami maggogrocery pag pupunta kami dito basta si Kace magluluto." Ani ni Castro na kinagusot ng mukha ni Cairo.

"Ang kakapal talaga ng mukha niyo." Pambabara ni Cairo na kinatawa ko ng mahina ng magmurahan na sila.

"Okay lang naman na nandito kayo besides kaming dalawa lang naman palagi ni Cairo nandito." Ani ko na kinatingin ni Castro.

"Nag sstay ang kupal na yan dito?" Tanong ni Castro sasagot ako ng kutusan siya ni Cairo.

"Putangina masakit yun ah." Mura ni Castro na kinailing ko na lang ng halos magsakalan na sila.

Namis ko tuloy ang grupo ganitong ganito din sila pagmagkakasama.
--
Nang weekend na ito napuno ng ingay ang pent house dahil sa Black Puma na walang ginawa kung hindi pagtripan si Cairo.

"Putangina niyo magsiralayas na kayo!" Habol hiningang sambit ni Cairo matapos makipag wrestling kina Wallace na tawa ng tawa habang nagsasapatos.

"Haha next saturday ulit overnight." Ani ni Allen na kinatawa ko ng itaas ni Cairo ang gitnang daliri niya.

"Putangina niyo sarado ang penthouse ko para sainyo." Pahabol ni Cairo.

"Hindi kayo magkakababy pag ganyan ang ugal---."hindi natuloy ang sasabihin ni Castro ng dumampot si Cairo ng sapatos dahilan para magkanya kanya silang takbo palabas habang tumatawa.

"Bwisit." Mura ni Cairo na kinatingin ko ng lampasan ako nito at pumasok sa loob.

"Hindi ko na natapos tapos yung mga nirereview ko." Bulong ni Cairo bago pumasok sa kwarto niya.

May ginagawa pala siya bakit nagsasayang siya ng oras makipagrambulan sa tropa niya.

Tsk tsk pasaway.

Nang gabing yun hindi na lumabas si Cairo okay lang naman kasi kumain siya ng dinner.

Pero anong oras na gising pa siya kitang kita kasi sa iwang ng pinto na bukas pa ang ilaw niya kaya nung saktong 12 gumawa ako ng hot chocolate at Brownies.

Balak ko na ring matulog dahil natapos ko na din ang assignment ko.

"Cairo." Ani ko bago kumatok ng tatlong beses at buksan ang pinto.

"What is it?" Tanong niya habang nasa study table na kinatigil ko sandali dahil sa gulo ng kwarto niya may mga nagkalat ding papers sa kama at patong patong na folders sa study table.

'Kwarto pa ba ito ng 19 years old?'Tanong ko sa sarili ng makita ang mga libro sa sahig.

"Dinalhan kita ng hotchocolate at brownies." Ani ko bago lumapit at ilagay yun sa gilid ng study table na kinatingin niya.

"Ahm salamat." Bulong niya bago pinagpatuloy ang ginagawa niya.

"If you dont mind aayusin ko itong kwarto mo." Pagpiprisinta ko na kinatingin niya bago iikot ang swilve chair niya paharap sakin.

"Masyado ng gabi matulog kan---."

"Wala naman kaming masyadong klase bukas sa room na ako matutulog." Putol ko na kinaiwas niya ng tingin.

"Sige ikaw bahala." Sagot niya na kinangiti ko bago lumapit sa maliit na bookshelves.

"Hindi ko iniexpect na mahilig ka pala sa books." Ani ko habang chinicheck ang mga librong andito at dinadampot ang mga nagkalat.

"Hindi ko kayang ibalance ang pagiging estudyante at student council president ng sabay kaya nag seself study ako pag gabi." Sagot niya na kinangiti ko.

'I'm impressed.. wala naman kasi sa mukha niya na hard working siya akala ko puro kahambugan at kayabangan lang ang alam niya.'

Nang maayos ko ang bookshelves niya at libro yung mga papers naman ang dinampot ko habang yung mga crumbled tinapon ko sa basurahan.

Inisa isa ko yung mga papel mga hinanap ko hanggang sa ilalim ng kama.

Nang makuha lahat ng papel umupo ako sa kama ni Cairo at dinampot din ang mga papel na nandun.

"Wala ka bang paper clip Cai?" Tanong ko na kinatingin niya.

"Anong tinawag mo sakin?" Tanong niya na kinakunot noo ko.

"Cai?" Sagot ko na patanong ilang minuto kami nagkatitigan bago siya umiwas ng tingin at binuksan ang drawer niya.

"Here." Ani niya bago iabot yun sakin at agad kong kinuha.

Cairo Nera's POV;
"Kace may---." Naputol ang sasabihin ko ng paglingon ko nakita kong nakatulog na si Kace sa kama.

"Nakatulog na." Bulong ko bago tumayo na kinatigil ko bahagya dahil sa sobrang linis na ng kwarto ko at tanging mga hawak niya na lang na papel ang hindi niya natapos.

"Sabi kasi matulog na." Bulong ko bago humakbang palapit sa kama at dahan dahang ayusin ang higa ni Kace ng---.

Kinagat ko ang dila ko para maiwasang mapamura ng ipulupot ni Kace ang braso niya sa batok ko dahilan para mapalapit ang mukha ko sa mukha niya.

Hindi ko alam pero ng mapako ang mga mata ko sa labi ni Kace parang may kung anong tumutulak na halikan siya pero---.

'Let me howl--'

Shit agad kong kinabig ang phone ko sa gilid ng kama dahilan para mahulog yun at mamatay.

Nang tingnan ko si Kace mahimbing pa din itong natutulog.

'Damn it.' Mura ko bago dahan dahang tumayo ng ayos at lagyan siya ng comforter.

"Fuck it daig ko pa ang lasing nito." Mura ko bago tumalikod at nagtuloy tuloy sa bathroom.

Taming the Gangster Jerkحيث تعيش القصص. اكتشف الآن