KABANATA 35

72 3 2
                                    

I just hope that this is just a dream
But it's definitely not
I have to face the reality with a smile
Even though my ending is not happy
-Clara/Claire

CLARA'S POV

Ala una y media na, pagkatapos naming magtanghalian ay nagpasya kaming mamasyal. Kasama na namin ngayon si Nara dahil kanina habang kami ay nanananghalian ay nagtungo siya roon at nakikain na rin.

"May labanan ng mga banda mamaya. Halina't pumunta tayo sa plaza quezon." Nakangiting saad ni Nara. Marami na ang nagbago sa kaniya. Bahagya siyang pumayat. Naiintindihan ko iyon dahil mahirap ang maging guro lalo na sa mga batang makukulit.

"Nara, umamin ka nga. Ika'y nagdodroga ba? Tingnan mo nga ang iyong hitsura," kunut-noong pamumuna ni Hermosa.

"Hahaha!" Nagtakip ako ng abaniko sa aking bibig upang takpan ang aking bibig. "Ganiyan lang talaga ang hitsura niyan! Wala pa kasing nahahanap na Ginoo dito sa atin eh. Panay lamang ang turo niyan sa kumbento. Ika'y magmamadre na ba, Nara?"

Kahit na nandito lang din sa bayan ng San Jose si Nara ay kay tagal na rin nang huli naming pagkikita. Kaya naman ngayong nagkita na kami ay hindi ko ito palalampasin at siya'y aking tutuksuhin.

Kaming tatlo ang magkakasama habang naglalakad patungong plaza. Inaabangan ang maglalabang mga banda mamaya. Si Marisa at Sandrino naman ay hindi ko na alam kung nasaan basta't maghahanap daw sila ng nobyo.

"Hindi, hindi ako puwede," malungkot na ngumiti sa amin si Nara. "Marami akong kasalanan at ang mga kasalanan ko'y hindi mo talaga agad na mapapatawad. Sapat na siguro iyong nagtuturo ako sa mga bata."

"Grabe ka naman magsalita sa iyong sarili," puna ni Hermosa sa kaniya. Tila ay mayroon siyang malaking kasalanan ngunit kung ano man iyon, sa palagay ko ay mapapatawad naman siya ng Diyos dahil ang Diyos ay mapagpatawad lalo na sa mga nagpapakumbaba. "Ikaw, Clara? Ano na ba ang iyong pinagkakaabalahan ngayon dito?"

"Ah, mabuti at iyong itinanong!" Masayang saad ko. "Ako ngayon ay isang mananahi na! Ako'y nagtatahi na ng mga kasuotan nila dito, sa tulong ni Doña Manuela."

Hindi naman talaga, ito'y libangan ko lang. Hindi naman kasi magandang marinig na wala akong trabaho sapagkat ang dalawang kaibigan ko'y nagtatrabaho kahit pa pareho itong babae at nabibilang sa alta sociedad. Hindi rin naman kasinungalingan ang sagot ko dahil nagtatahi naman talaga ako.

"Kailan niyo naman ako bibigyan ng pamangkin ni Gabrielo?" Ngumiwi si Hermosa at humalukipkip na para bang siya'y naiinip.. Palibhasa ay may anak na siya, ako ngayon ang kinakantyawan niya.

"Ah..." namula ang aking pisngi at umiwas ng tingin sa kaniya. "K-kapag may oras na sa akin si Gabrielo. Kapag mayroon na kaming oras sa isa't-isa. Kami ngayon ni Gabrielo ay parehong abala sa kani-kaniya naming trabaho." Pilit na ngumiti siya sa akin.

Siya ay nagtatrabaho sa Fort Santiago, at ang trabaho ko naman ay panatilihing maayos at malinis ang mansyon ng mga Solidad. Iyon naman talaga ang dapat na ginagawa ng isang babae.

"Isa pa pala ayun, ano? Mabuti at heneral pa rin siya? Nabalitaan kong si Padrino na ang gobernadorcillo dito?" Tila walang alam si Hermosa sa nangyayari dito.

"Oo naman! Isa pa pala magkasundong-magkasundo nga ngayon sina Gabrielo at Padrino eh." Saad ni Nara at seryosong tumingin kay Hermosa. "Tila ay walang kalagim-lagim na nangyari sa pagitan ng inyong pamilya. Alam mo ba at siya na ang kanang kamay niyang si Señor Gobernadorcillo Padrino? Higit na mas napapansin na nga niya si Heneral Gabrielo kaysa sa kaniyang mga anak?"

Carpe DiemWhere stories live. Discover now