KABANATA 3

141 14 7
                                    

KABANATA TRES: Savior

Simula noon ikaw na pala,
Hanggang ngayon ikaw pa rin naman
Paaumanhin kung hindi ikaw ang una kong pag-ibig
Sisiguraduhin kong ikaw naman ang huli

-Clara 1896, Claire 2018

CLARA'S POV 1896

NAGHAHANDA ngayon ang aming pamilya 'pagkat ngayon ay araw ng kapistahan. Dadalaw sa amin ang aming mga kamag-anak galing Leyte upang makipista.

Nagkolorete ako sa aking mukha dahil ano naman ang masama? Ako'y nasa tamang edad na. Naglagay ako ng pampapula ng labi at ako'y gumamit ng pampaputi sa mukha. Naglagay rin ako ng palamuti sa aking buhok na umaabot hanggang balikat. Ngumiti ako sa salamin.

"Binibining Clara, handa ka na bang makita si Señor Leonardo?" Tanong ko sa aking sarili habang nakatingin sa salamin. Tumawa pa akong mag-isa animo'y nasisiraan na ng bait.

Nasa simbahan na kami ngayon at nakikinig sa nagmimisang si Padre Trillo. Nasa gitna kami ngayon ng simbahan at ang nasa unahan ay ang pamilya Solidad. Nakita ko rin ang inaantok-antok pang si Señor Leonardo at nagulat sa maiingay na sigaw ng mga tao nang magsalita na si Señor Juancho. Palihim akong natawa.

"Clara, hija? Ika'y nakikinig ba sa misa?" Pananaway sa akin ni Ama. Tumingin ako sa kaniya at tumango. Nginitian niya lang ako at nakinig na sa sinasabi ngayon ni Señor Juancho na bumabati sa taumbayan.

Nakasuot ako ngayon ng kulay kahel na baro at dilaw na saya. Hindi man ganoon kamahal gaya ng suot ngayon ni Hermosa, ngunit maganda din naman ito. Tinahi ito ni Ina para sa akin.

Ipinaalam ni Señor Juancho na ikakasal na ang kaibigan kong si Hermosa. Kataka-takang mas mauuna pa itong ikasal kaysa kay Señor Leonardo. Ikinasal naman na noon si Señor Gabrielo, namatay nga lang.

Kung sabagay, mabuti na ring hindi na muna ikasal si Señor Leonardo dahil kung siya ay ikakasal tiyak na malulungkot ako nang labis... lahat ng babae ay naiiyak sa kanilang kasal.

Pagkatapos ng misa ay nagtungo kami sa plaza kung saan mayroong maglalabang mga banda ngunit hindi naman talaga iyon ang pinunta ko dito. Ayon sa grupo ng mga taga-hanga ni Señor Leonardo ay sasali daw siya sa patimpalak ng mga pintor.

"Hindi ba ay si Señor Leonardo iyon? Siya pala'y marunong din magpinta? Kung sabagay ay mayroon siyang sariling museo," nakangiting saad ni Ina habang tinatanaw namin sa kalayuan ang pinta ni Señor Leonardo.

Tiningnan ko ang kaniyang gawa at masasabi kong ito ay maganda. Sa unang tingin, hindi mo ito maiintindihan sapagkat ang mga matatalinong tao lamang ang makakaintindi nito ngunit kapag ito'y iyong tinitigan na, ang nilalaman ng kaniyang pinipinta ay ang pagpapahirap ng mga dayuhan sa ating sariling bansa. Mas lalo ko tuloy siyang hinangaan.

Siya ang nanalo sa patimpalak na iyon. Hindi iyon dahil siya ay anak ng gobernadorcillo, ngunit talagang magaling siya. Kaya naman, nais ko siyang puntahan ngayon upang batiin.

"Ina, Ama, mauna na po kayong umuwi at marami pa po kayong aasikasuhing bisita. Pupunta lamang po ako kay Hermosa," nakangiting saad ko. Magtataka kasi sila kung si Señor Leonardo ang hahanapin ko.

"Siya sige. Ika'y mag-iingat sa iyong pag-uwi at umuwi kang agad bago mag-ikot ang mga guardia." Tumango ako sa sinabi ni Ama. Inalalayan na niya si Ina upang sumakay na sila ng kalesa.

Pagkaalis ng kalesa ay agad akong nagtungo sa pamilya Solidad. Malapit naman ako sa kanila kung kaya't walang kahirap-hirap na nakapupunta ako sa kanila.

"Magandang hapon po, Señora Carolina at Señor Gobernadorcillo." Nakangiting bati ko sa kanila kahit na ang aking mga mata ay nakatuon na kay Leonardo na ngayon ay nag-aayos na ng kaniyang mga kagamitan.

Carpe DiemWhere stories live. Discover now